Story IV: Her Guardian Angel [Nicole's Story]

466 25 59
                                    

Spell bored?

M-E.

I sighed for what seemed like the millionth time that day. Geez. I’ve got nothing to do here in the province! Maghapon na nga akong nakatunganga dito sa kwarto ko e. Sigh again. (-_-) 

Nanatili na lang akong nakatitig sa chat list ko sa Wattpad, at ilang beses ring napadako ang tingin ko sa orasan na nakapatong sa bedside table ko. Kanina pa kasi ako online, at plano ko sanang mag-update ng mga ongoing stories ko, nang bigla na lang akong inatake ng espirito ng katamaran. Nawalan na rin ako ng ganang magbasa ng mga stories doon, at wala naman ako sa mood na gumala o kahit lumabas man ng bahay. Ang init kasi kaya mas lalo lang akong tinamad.

Muli na naman akong napatitig sa aking chat list. Hay, what’s taking him so damn long? It’s almost 5:30 PM already. He’s normally online by this time! (>_<)

I remained staring at the screen of my laptop, waiting. And suddenly…

TheBoyNextDoor is now online.

 

My eyes immediately widened in surprise, and an uncontainable excitement instantly filled up in my chest. After a few more seconds, tumunog ang Meebo ko, and I immediately clicked on the chat box that contained his username.

TheBoyNextDoor: Hi Wifey! (^_^)

Agad na may namuong ngiti sa aking mga labi, at nagmadali akong nag-type ng reply.

MsWannabeWriter: Hi din, Hubby. How was school? (^_^)

TheBoyNextDoor: Okay lang. The same as usual. How was your day, Wifey?

MsWannabeWriter: Hay naku, buti ka pa, Hubby. I am bored to death here!    (-_-)

TheBoyNextDoor: Aw. Okay lang yan, Wifey. Kausap mo na rin naman ako e. (^_^)

My smile got a whole lot wider when I read his reply. Kahit kailan, baliw talaga ang gung-gong na ‘to. But I guess that’s okay. Mahal ko pa rin naman siya e. (^////^) 

Oo nga pala, sa mga hindi pa nakakahalata, ang kausap ko ngayon ay ang one and only Hubby ko na si Angelo Martinez. He’s sixteen, a soon-to-be high school graduate, and a future civil engineer. Although, apart from that, pwede rin naman siyang maging next Bob Ong. Bookworm and writer din kasi siya sa Wattpad katulad ko, and for a beginner such as himself, magaganda na ang mga stories na sinulat niya, even though all of them are still ongoing. Kaya nga Mr. Future Bob Ong na baliw at gung-gong na addict sa emoticon ang tawag ko sa kanya.

A, bakit nga pala may napasama pang baliw at gung-gong na addict sa emoticon?

Well, simply because likas na talaga siyang baliw, at totoo namang gung-gong siya. Tsaka nung unang beses kasi kaming nag-chat sa Wattpad, bigla na lang niya akong tinadtad sa emoticons dahil masyado siyang natuwa. Gumagalaw daw kasi yung mga yun. And ever since then, naging ganun na ang tawag ko sa kanya.

Oh, are we a couple by any chance?

Hay. Hindi na talaga ako nagulat sa tanong na yan. Sanay na sanay na nga ako e. Kung tutuusin naman kasi, kahit sino iisiping real-life couple kami, lalo kapag may makabasa ng mga posts namin sa message board ng isa’t isa, pati na rin ang mga comments namin sa mga stories. Ang dami na ngang nagtatanong at kinikilig sa amin e, which I don’t really quite understand. Ang corny at cheesy kaya ng gung-gong na yun! (~_~)

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon