"bakit mo kase hinayaan na ligawan ka ng Vincee na yun Eishel?"
Kanina pa kami nakauwi.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Eishel sa bahay nila na parang bahay ko na rin.
"H-hindi ko naman kase alam na ex y-yun ni Airish eh...." tukoy niya sa kasama ng nigga kanina na Airish pala ang pangalan.
"kahit na, taasan mo naman standards mo Shiel, yun bang magiging asawa mo lang panghabangbuhay ang makakapantay"kinunutan ko ito ng noo.
"Sorry naman-"
"Anak, iha........ Solene, tumatawag si Momma mo!" dumungaw si tita Ella sa pinto, siya ang Mommy ni Eishel na siyang kapatid namang ng Mom ko.
Hininto ko ang paglalagay ng skin care sa ilalim ng mata ni Eishel at lumapit kay tita.
pumasok naman si tita at dumeritso sa anak niya.
[Hello nak?! Solene?!....] Si mom ang unang nagsalita samin, maingay ang paligid niya, siguro ay nasa byahe ito.
Hindi ka nanaman uuwi ganon?...." Diretsahan kong tanong. Alam ko na talaga ang gusto nito eh.
Hindi nanaman siya makakauwi.
[Eh anak, hindi pa tapos dun sa site eh, tsaka malayo narin kong uuwi pa ako anak.] humina ang boses ni Momma pagkasabi non.
"Ok-"
"Ano?!sinong gumawa non?!tangina ah?!" Nahulog ko ang phone ng biglang sumigaw si tita ella.
"Shit" hindi pa pala namin nasasabi kay tita ang tungkol kanina! Kaya pala!
[Hey? What's the matter? Anak? Ella?] Hindi ko na alam ang iba pang sinabi ni Mom ng makita kong lumuhod na at umiiyak si Eishel kay tita.
"Bwisit!" Sigaw ko, at nilapitan sila.
"Tita kalma!.....Eishel tumayo ka diyan!lintek!" Kinuha ko ang cellphone sa kamay ni tita at tinapon ito sa kama.
Alam kong walang inuurungan si tita pagdating sa anak niya. At ngayon ay balak niyang tawagan si Aubrey upang magsampa ng kaso!
"Hindi ko uurungan ang mga taong yun!sino ba sila?!" Sigaw ni tita sa mukha ni Eishel na umiiyak.
"M-my m-mga Monroe sila, hindi n-natin kaya....." Sabi ni Eishel sa nahihirapang boses.
Mabuti at makalipas ang ilang oras ay napakalma ko si tita, dumating rin si Momma dahil nag-alala raw siya ng todo sa pangyayari dito.
Si Eishel ay nakatulog na sa kakaiyak.
Nandito kami ngayon sa sala habang naka harap ako kay tita at si Mom sa gilid niya.
"T-tell me everything Solene" sabay singhot na sabi ni tita. Sa kabilang gilid niya ay may trash bin na puno ng tissue galing sa iyak niya.
"Kanina po, nalaman ko sa isang kaklase na nasa guidance si Eishel , huli na po ng malaman ko iyon,pinuntahan ko at pagdating ko ay nag iiyakan napo sila. At ayon, nag explain po ang guidance facilitator kung ano ang nangyare, tinanong rin kung totoo ba ang nangyaring yung Monroe ang nagpakalat at tinanggi po nila. Nagkasagutan po kami dahil binastos nila si Eishel, at ayun,mas lumaki, dapat kanina ang harapan po ninyo sa guidance kaso ay may lakad si sir at bukas nalang daw, nakalimutan po namin na sabihin dahil natatakot raw si Eishel"
"The fuck! ganon pala ang ginawa nila kay Safina sige giyera kung giyera!"
"S-sino ulit ang kaaway niyo nak?" Tanong naman ni Momma na parang kinakabahan. Malayo parin ang tingin.
"Mga Monroe daw ata ang apelyido Mom" lumunok si Momma ng sabihin ko iyon. Anong nakakatakot dun?
Pagkatapos nun ay pinatulog na ako ni Mom at tita at haharapin daw nila yun bukas.
Ramdam ko ang galit ni tita kanina, sino ba naman kasing hindi magagalit pag nalaman na ang anak niya ay ginawan ng bagay na hindi maganda knowing na parang wala yun sa bokabolaryo ng pinsan ko.
Tapat lang din pala kami ng bahay nina Eishel.
kinabukasan ay gumising ako ng maaga para magready. Kasama ako eh, pano ba yan.
"Yash? Dika natatakot?" Tanong ni Eishel sakin habang nagsusuot ng seatbelt, papunta na kaming school.
Hininaan niya yun para hindi marinig nila tita.
Siniko ko lang ito at sinamaan ng tingin para tumigil ng magtanong.Buti tumahimik.
Pagkababa ay dumiritso na kami sa office.
pagpasok namin ay kami pa ang tao, si sir Adabar naman ay ni welcome si tita.
Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok roon si Airish, kasunod ang nigga tapos isang babae na nasa mid 40s.
puro ginto ang bumabalot sa katawan nito, halatang mayaman, pero ano nga bang pake ko?
Matalim itong tinignan ni tita, humigpit naman ang kapit ni Eishel sa kamay ko.
Kasunod naman nito ay isang lalaki na nakasuot ng SSLG uniform, grade 12 ata, matangkad, makisig, maganda ang pilik mata, at higit sa lahat ay brown ang mata, intimidating ang aura at mukhang masungit, ok lang, gwapo siya, kamukha rin ni Airish, boy version.
"Madame Monroe, finally you're here, you are Airish's mother right? and Vrix? the SSLG Vice president....." tumango ang babae at umupo na sa high chair sa likod ni Airish bruha, katabi nito yung lalaking pogi.
"dalawang parents nalang ang hinihintay natin" sabi ni sir, meron ding tatlong malalaking teachers sa kabilang table na nanonood samin.
bumukas ang pinto at pumasok si mama na salubong ang kilay habang diritso ang tingin sa upuan. Ni welcome siya ni sir.
"ok, we can now discuss the issue among these students, hahabol nalang siguro ang parents mo no Montehermoso?" tanong ni sir, Montehermoso pala ang surname ng nigga na ito.
tila may gustong sabihin si momma sa likod ko pero pinigilan lang niya. Ano ba yun.
"ok, so itong mga anak po ninyo ay pumasok sa malaking gulo, ang sabi ay pinakalat daw ang hubad na larawan ni Miss Bermudez at ang gumawa ay itong si Miss Monroe" panguna ni sir.
walang umimik samin at tumanggi.
maya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok don ang tatay siguro ni nigga na ito. Bakit parang ang sakit ng presensya niya?bakit parang nagalit naman ako bigla pagpasok ng lalaking to?
"am I late?-"
"ikaw?!" biglang sumigaw si Momma sa likod ko.
"oh, Hyacint?!" nagulat ito ng makita si momma.
anong nangyayare sa matatandang ito? kilala ni momma ang tatay ni nigga?
"bakit ikaw nanaman? limang taon kitang iniwasang babaero ka!" sigaw ni momma na agad ding pagtakip niya sa kaniyang bibig na tila may nasabing hindi dapat marinig ng marami.
I smell something bad, as bad as the Hurricane Milton.
HELLO BITCHES!
FOR YOU TO BECOME UPDATED I MADE A FACEBOOK ACCOUNT- BINIBINING ELLE
THANKS AND LOVELOTS!
YOU ARE READING
Nor The Evils Around(Senior High Series#2)
RomansaLalaban ako hanggang kamatayan, itutuloy namin ang kwento naming ng walang humahadlang,not even the Gods above, nor the evils around. High School Series#2