PLAYERS
July 1998
Westdrive Academy 14th Annual Intramurals
Basketball Boys
"Go, Wild Bears! Lampasuhin niyo sila! 'Wag magpakabog sa mga seniors!"
"Tama! Mga gurang at matatanda na 'yang mga 'yan! Mahihina na sila!"
"Shh!"
"Oh, ba't mo kami sinasaway, Cessa? Chini-cheer lang namin ang team natin!"
Tumawa ang isa sa mga kaibigan. "Traydor 'yan, eh. May shota 'yan sa Raptors."
Ang sakit sa tainga ng ingay sa gym ngayon at halo-halo ang mga naririnig ko habang isinusuong namin ang dagat ng mga tao rito sa bleachers para maghanap ng mauupuan at view. May mga nagdala ng tambol at kung ano mang instrumentong pampaingay para magbigay suporta sa team. Samu't saring dilaw na lobo ang makikita sa side namin. Iyong iba ay mahabang lobo na kinortehan para maisuot sa ulo. Ang kabilang team na katapat namin ay mga violet naman.
Parang ube at cheese ang gym ngayon.
"Go, number 10! Tapusin mo na ang laban!"
"Adler, pataubin mo na 'yan sila!"
"'Wag nang pasikatan ng araw bukas!"
"Huy! Ang lala mo naman! Laro lang 'to!"
Ni hindi ko na marinig ang cheer at chants ng kabilang team, mga 4th year, dahil sa lakas ng ingay ng mga kasamahan kong 3rd year ngayon. Sa dami ng tao sa gym, nalulula at napapagod na agad ako.
"Dito tayo, Sol!"
Sa wakas at tumigil na si Millie sa kahihila sa akin. Kung sino-sino na ang nababangga namin kanina para lang makahanap ng pwestong gusto niya. Eh, sa totoo lang, wala naman talaga akong balak manood dahil hindi ako mahilig sa ganitong kaguluhan na hinihigop agad ang lakas ko. Dapat nga wala na lang pasok, eh. Kaso, points daw ng year namin ang bilang ng attendance. Saka, may special project na gagawin kung absent.
Plano ko talaga ay sa library lang tumambay para magbasa ng mga librong 'di ko pa tapos basahin. Gusto ko na rin kasing simulang i-outline ang isusulat kong play para sa September.
"Free throw ngayon si Joe! Go, Joe! I-shoot mo na!" sigaw ni Millie nang malakas para sa player na nakasuot ng 17.
Nakapwesto kami sa may lower deck ng gym kung saan may mga nakasabit na tarpaulin, banners, at flags para sa Wild Bears. Tanaw ko pa ang bear mascot ng team namin sa gilid ng court.
"Pang-ilang quarter na 'to?" tanong ko.
"Last na! Kaya nga mabuti't nakahabol tayo!"
Sumiksik lang talaga kami ni Millie rito. May maliit na bakante, siguro mga umalis lang saglit pero nawalan na ng pwesto dahil sa amin. Kung mapapaaway man kami, si Millie na ang bahala. Magtatago na lang ako sa likod niya.
"Respeto, everyone! Usod kayong lahat! Dito kami kanina!"
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Napalingon ako nang marinig ang boses ng cheerleader na si Cassie. Nakasuot pa siya ng dilaw na cheer uniform. Kasama niya ang circle niya, kung saan parte ang tinaguriang queen bee ng batch namin kung hindi man ng buong school—si Alanis Moran.
May mga hawak silang drinks na paniguradong binili nila sa mga stall na nakapwesto sa labas ng gym.
"'Di ba, I told you na bantay ka sa pwesto here kasi bibili lang kami ng drinks?! Look! Pabaya ka kaya ang siksikan na rito!" pagalit ni Cassie sa isang babaeng ka-batch lang din namin.
BINABASA MO ANG
The Sun Went Away
Teen FictionSUN AND MOON: Solar "Is it a story worth telling?" After their 5-year relationship ended 16 years ago, ex-lovers Solar and Adler found themselves sitting next to each other in a downtown coffee shop. Reunited by Selene's desperation to complete her...