HOME RUN
It was raining hard.
Nasa labas ako ng school. Isiniksik ko na lamang ang sarili ko sa parte ng waiting shed na walang butas upang hindi matuluan noong araw na iyon. Katatapos lang ng klase pero na-stranded ako dahil biglaang bumuhos ang luha ng galit na langit.
Who made the heavens cry cold tears? The gust of wind brought some of its droplets to my face like a slap.
Napahilamos ako sa mukha. Yakap-yakap ko ang bag na nasa harapan ko habang tulala sa kung paano sumasabog ang bawat patak ng ulan sa tuwing babagsak iyon sa lupa.
Umiwas ako ng tingin nang may kotseng tumigil sa harapan ko. Mabuti at hindi mayabang ang driver kaya hindi ako natalsikan ng tubig nang magpreno iyon.
"Hey!"
I heard a faint shout coming from the car. Natalo ng malakas na pagbuhos ang kanyang boses. Tumingin ako roon at nakababa ang bintana ng likurang bahagi ng sasakyan.
My eyes squinted. Tinanggal ko pa ang salamin ko para makita nang mas mabuti kung sino iyon. I thought a large question mark was drawn on my face when I saw Alanis, the school's so-called Queen Bee, looking straight at me.
Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin sa kanya. Baka hindi pala ako ang tinatawag niya.
"Ikaw ang tinatawag ko, Solar! The girl with a thick eyeglasses at nakayakap sa bag niya!"
Napatayo ako nang tuwid doon. I harmlessly raised my eyebrows as a form of asking a question.
"Sabay ka na sa'min! I won't take 'no' for an answer! Wait lang!"
Isinara agad ang bintana at hindi man lang ako nakapagdesisyon para sa sarili ko!
Pinagmasdan ko ang kotse at naghintay nang ilang saglit. Bumukas ang pinto sa unahan at nakita ko ang paglabas ng isang itim na payong. Ang laki ng pagtataka sa mukha ko nang malamang si Adler iyon. Lumakad siya palapit sa akin.
He said, "Tara na."
"Akala ko si Alanis?"
Laking gulat ko nang kunin niya sa akin ang bag ko at isinuot sa likod niya nang walang kahirap-hirap na para bang hindi iyon puno ng libro.
"Ayaw niyang lumabas kaya ako na lang ang sumundo sa'yo."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil naramdaman ko na lang ang braso niyang bumalot sa balikat ko para magkasya kami sa payong. Tumigil kami sa unahang pinto, kung saan siya nanggaling kanina, at binuksan iyon.
"Pasok ka na."
It was the passenger seat. Sumilip pa ang driver na sa tingin ko ay tatay ni Alanis at ngumiti sa akin. Dahil doon, tumingin ako kay Adler.
"Dito ka nakaupo, 'di ba? Sa likod na lang ako."
"Puno na sa likod. Kasama ni Alanis ang kapatid at pinsan niya. Pumasok ka na dahil ang lakas-lakas ng ulan. Pareho na tayong nababasa."
Dahil doon, umupo na ako. Iniabot niya sa akin ang bag ko na ipinatong ko sa lap. Lumingon ako at puno nga ang likod. Binati pa ako ni Alanis na hindi ko na napansin dahil isinara na ni Adler ang pinto.
"Saan si Adler?" nagtatakang tanong ko.
"Gentleman 'yon. Hindi na raw siya sasabay. Isinakripisyo niya ang pwesto niya para sa'yo."
Ha? Eh, ang lakas-lakas ng ulan! Saka nasa parehong apartment complex lang naman kami!
"Isabay na na—"
BINABASA MO ANG
The Sun Went Away
Teen FictionSUN AND MOON: Solar "Is it a story worth telling?" After their 5-year relationship ended 16 years ago, ex-lovers Solar and Adler found themselves sitting next to each other in a downtown coffee shop. Reunited by Selene's desperation to complete her...