MGPZ: Chapter 6

6 1 0
                                    

Kahit iika-ika dahil sa pilay ay pinilit pa rin ni Rio na puntahan si Zac para magpasalamat dahil sa pagtulong na ginawa nito sa kanya ngunit nakakailang minuto na ata siya doon ay hindi pa rin siya makapadesisyon kung itutuloy ang pagkatok sa pinto ng kwarto nito o babalik na lang sa guest room para magpahinga.


"Magpapasalamat ka lang Rio." bulong niya sa sarili bago huminga ng malalim at pikit matang kumatok sa pinto pero walang sumasagot o nagbubukas man lamang.


Nakailang katok na rin siya ngunit nananatiling sarado ito.


"Umalis kaya siya?" tanong niya sa sarili.


Kakatok na sana siyang muli ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang basang katawan ni Zac. Nakatapis lamang ito ng tuwalya at ang isang kamay naman nito ay abala sa pagpunas sa basa nitong buhok.


"What?"


"Ha?"


Hindi maintindihan ni Rio ang sarili. Parang bigla kasing nagging mapang-akit ng boses ni Zac kahit na simpleng 'what' lang ang sinabi nito.


Naagaw naman ang atensyon ni Rio ng mga tubig mula sa buhok ng binata na malayang tumutulo sa balikat nito, pababa sa katawan, sa abs, at sa.........Napalunok na lang si Rio sa naisip.


"Hmmmm?"


Bakit magging ang pag-hmmmm nito nagging mapang-akit na sa kanyang pandinig?


"Hey!"


Napansin na lang ni Rio ang daliring pumipitik-pitik sa harapan niya. Napalingon siya na nagmamay-ari ng mga daliring iyon. Tumambad sa kanya ang nakakunot noo at tila aburidong mukha ni Zac.


"May sasabihin ka?"


"Ha? Ano...Kasi...Wala...Sige..Ano...Ay! Sige alis na lang ako" pero bago tuluyang umalis ay mahinang hinampas niya ang abs ng binata. "By the way, ganda pala ng view dito 'no? Saka ang ganda ng abs mo" Nginitian niya pa ito pero ng mapagtanto ang sinabi ay nagmadali rin siyang umalis na parang walang pilay na iniinda at tinungo ang guest room na di naman kalayuan sa kwarto ng binata.


Pagkapasok sa kwarto ay napabuga na lang siya ng malakas na hangin. Napatingin siya sa kamay na dumikit sa katawan ni Zac. 


"Kung di ka lang talaga masungit Zac nagging crush na kita" pero naisip niya rin naman na hindi ito ganoon kasungit. Nag-alala nga ito sa kanya diba? Bigla namang bumalik sa alaala niya ang itsura nito na tangging tuwalya lamang ang sapin sa katawan. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.


"Ang manyak mo,Rio!" tinakpan naman agad niya ang bibig dahil baka bigla siyang marinig ni Zac.


Tinungo na lamang niya ang kanyang bag na nasa ibaba lang ng kama at hinanap ang kanyang cellphone.. Tatawagan na lamang niya si Crea dahil baka mamaya ay kung ano pa ang maisip niya at bigla na lamang niyang sugurin si Zac sa kwarto nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bundok Pogi-Pogi Series 2: My Gentle Prince, ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon