MGPZ: Chapter 1

88 3 1
                                    

CHAPTER 1

“Rioline!” sigaw ng ina ni Rio ng makita siya nito na maya dala na namang travelling bag. Napag diskitahan kasi na naman niya na mamundok ulit kahit kakauwi niya lang mula sa pamumundok sa Bataan mga tatlong araw pa lang ang nakakalipas. Tutol ang kanyang ina sa pagalis niya muli pero hindi talaga siya mapakali kapag nasa bahay lang siya at walang ginagawa, hinahanap-hanap pa rin kasi ng katawan niya ang mga challenges na kakaharapin sa kanyang pamumundok.

“Hi, Ma” nakangiting bati nia sa ina kahit na halata ang galit sa mukha nito.

“You’re trying to escape again, don’t you?” kunot noong tanong nito.

“Ma, alam mo namang ito lang ang nagpapasaya sakin diba?” Kahit ano kasing pilit niya ditto tungkol sa pamumundok niya ay tutol pa rin ito. Nakakapamundok lang siya kapag nasa ibang bansa ito o kaya ay kapag nakakatakas siya.

“Oo nga yan ang nagpapasaya sayo pero Rio yan din ang papatay sayo.Ilang beses ka na ba umuwi na pulos gasgas at sugat ang katawan mo?” Iyon pa ang isa sa dahilan kung bakit ayaw siyang payagan nito sa pamumundok niya pero iyon ang hanap ng katawan niya, ang mga galos at sugat. Masokista man siya sa tingin ng iba dahil sa kakaibang trip niya, hinahayaan niya lang ang mga ito total hindi naman ang mga ito ang nasasaktan.

“Parte na y’ong ng pamumun----“

“No, stay in your room” giit na ina.

“But, Ma -- ”

“I said stay in your room. Now!”  Mukhang hindi niya talaga mapipilit ito ngayon kaya mabuti pang sundin na muna niya ito.

“Okay” Wala sa loob na sabi niya. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at doon nagmukmok.

Ilang minute na rin siya sa pagmumukmok ng marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Basta na lamang niya ito sinagot ng hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag.

“Hello” walang emosyong sabi niyo.

“Rio!!!” patiling sabi ng nasa kabilang linya.Agad niya namang nilayo ang cellphone sa kanyang tainga, para kasing mababasag ang eardrums niya sa lakas ng tili ng tumawag. Doon lamang niya tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya, ang kanyang kaibigan pala ito.Si Crea.

Kagaya niya ay isa rin itong mountaineer pero huminto na rin ito dahil mas pinili nito ang pagmomodelo.Muli niyang inilapit sa tainga ang cellphone ng maramdamang huminahon na ang kausap sa kabilang linya.

“Balak mo bang basagin ang eardrums ko ha? Ano bang meron at sobra ka makatili?”

“Nothing, I just want to shout.  Namiss kita!” tatawa-tawang sabi nito.

“Ilang araw lang akong nawala nabaliw ka na”

“Excuse me, magandang baliw kamo” muli na naman itong tumawa.

“Oo na, sabi mo ‘e” but she must admit maganda naman talaga ito.

“Teka nasa bahay ka ba ninyo?” seryoso na ang tono ng boses nito.

“Oo, Bakit?”

“Wala lang, himala ata na tumagal ka sa pagstay diyan”

“Wala ‘e. Nakita ako ni mama kanina habang patakas ako” kaya heto siya nakakulong sa kwarto.

“I see, saan ka naman pupunta kung sakaling nakatakas ka kay Tita Jho?” ang ina niya ang tinutukoy nito.

Napaisip naman siya sa tanong nito. Sa totoo lang hindi niya pa rin alam kung anong bundok sa Pilipinas ang aakyatin niya.

“Hindi ko pa alam. Kung saan na lang ako dalhin ng paa at pera ko” sagot niya ditto.

“May alam akong bundok at siguradong magkakainteres ka rin d’on”

Bundok Pogi-Pogi Series 2: My Gentle Prince, ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon