MGPZ: Chapter 4

82 2 3
                                    

CHAPTER 4

Hindi mapakali si Rio habang inaayos ang mga gamit niya.Kasalukuyan siyang nasa guestroom dahil doon nga siya pinapatulog ni Zac.Kahit na magkaiba sila ng kwarto ng binata ay hindi pa rin siya mapakali, paano kung bigya siyang pasukin nito, silang dalawa lang pa man din ang naroon sa malaking mansyon.Hindi niya rin naman lubos na kilala ito kahit na inamin niyang crush niya ito, hindi pa rin sapat iyon para....nevermind.

Okay lang yan, Rio.Si Zac naman y'on e.Gwapo na, maganda pa katawan.Saan ka pa diba?  anang ng isang bahagi ng isip niya.

Pinilig niya ang ulo upang mawala sa isipan ang kamanyakan niya.Kahit na gwapo at maganda ang katawan ni Zac, dalagang Pilipina pa rin siya at hindi magandang isipin na siya pa ang nanghahalay sa binata kahit sa isip lang.

"Rio.."

"Ay! Tipaklong!!!" bulalas ni Rio dahil sa gulat.

Nakita niya si Zac na nakakunot noong nakahawak sa segunda ng pinto.

"Are you always like that kapag nagugulat?" tanong nito.

"Kasi naman 'e uso naman kasi ang pagkatok" ganitong pinagnanasahan niya sa isip ang binata 'e.

"Pamamahay ko 'to kaya okay lang na buksan ko ang pinto kung kailan ko gusto" pagsusungit nito.Isanh kapilyahan naman ang pumasok sa isip ni Rio.

"Paano kung pagbikas mo nakaburles ako?"pilyang sabi niya.Agad na namang kumunot muli ang noo ni Zac.

"Then lock the door kung gan'on"

"Sabi mo diba bubuksan mo ang pinto kung kailan mo gusto, malay ko ba kung may spare ka ng guestroom at biglang pasukin mo ako"

"I won't do that" seryosong sabi nito at isinara ang pinto.

Napasimangot naman si Rio parang sinabi na rin kasi nito na wala itong pagnanasa sa kanya.

Nagpatuloy na lang si Rio sa pag aayos ng gamit nang biglang makapa niya ang kanyang cellphone. Gaya ng inaasahan niya sandamakmak na tawag na agad na nadoon, ang ilang ay galing kay Crea pero halos lahat ng tawag ay galing sa kanyang ina.Agad niyang tinawagan ito dahil alam niyang nag aalala na ito kahit naman kasi suwain na anak niya ayaw niya pa ring nag aalala ang kanyang ina.Ilang beses din nagring ang cellphone ng kanyang ina bago ito sinagot.

"Hi, Ma" masiglang bati niya.

"Rio, saang lupalop ka na naman pa nagsusuot na bata ka.Diba sinabi ko na sa iyo na wag ka ng mamundok, umuwi ka na ngayon.Naku kang bata ka papatayin mo ako sa pag aalaa at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" sunod-sunod na tanong at sermon nito.

"Ma wag ka kayong mag alala, okay lang ako.Ang ganda-ganda nga dito sa kinaroroonan ko 'e.Sariwa ang hangin, payapa ang lugar" Hindi niya pa rin maamin dito ang totoong nangyari sa kanya.

"Basta umuwi ka na" pagpupumilit nito.

"Saka na Ma kapag okay na ako"

" Anong okay? Bakit may nangyari bang hindi maganda sayo ha? Ayan na nga ba ang sinasabi ko"

Nahampas naman ni Rio ang sarili dahil sa sinabi, mabuti na laang at wala siyang nabanggit tungkol sa pilay niya kaya magagawa niya pang makalusot.

"I mean, Ma kapag okay na ako, kapag naenjoy ko na ang pagestay dito kapag nakuntento na ako" palusot niya.

"Rio.." Muling bumukas ang pinto ang sumilay doon ang gwapong mukha ni Zac.

"Sino iyon,Rio? Bakit may boses ng lalake akong narinig?" 

"Po? Ano? Ahhh..." Wala siyang maidahilan dito.Paano na ito? Nanghihingi ng tulong na lumingon niya si Zac.Nakakunot noo na naman ito.

"Rio, sino iyon?" Muling tanong ng ina niya.

Bundok Pogi-Pogi Series 2: My Gentle Prince, ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon