MGPZ: Chapter 2

76 4 3
                                    

Chapter 2

Hindi na alam ni Rio kung anong klase ng paghabol ang gagawin niya sa kanyang hininga. Halos malapit na siya sa tuktok ng Bundok Pogi-Pogi pero bago niya ata maabot y'on ay kailangan muna niyang dumaan sa maraming pagsubok. Matarik at mahirap kasing akyatin ang naturang bundok, mukhang sinadya iyon para hindi agad makapasok o makaakyat ang mga may masasamang balak sa bundok. Meron namang madaling daan ayon sa driver ng tricylce na naghatid sa kanya sa paanan ng bundok pero ang daan na iyon ay dadaan sa Mansion de Savallejo. Doon sana siya ihahatid ng driver pero tumanggi siya dahil mawawalan lang ng saysay ang pag akyat niya kung sa madaling daan lang siya daan. Siya si Rioline Cerezo at walang bundok ang makakatakas sa kamandag niya magging sobrang tarik man nito.

"Kaya mo yan, Rio!" pampalakas loob na sabi niya sa sarili.

Nang marating niya ang tuktok ng bundok ay walang mapagsidlan ang tuwa niya. The view from there is great!, tanaw na tanaw mula roon ang kabuuan ng San Vicente. Makikita rin doon ang kinatatayuan ng Mansion de Savallejo.Sariwa ang hangin at puro huni ng ibon ang kanyang naririnig.

Nagpahinga muna siya saglit pero maya-maya rin ay naglakad-lakad na siya upang malibot ang Bundok Pogi-Pogi.

Nasaan kaya ang mga gwapong taga-Bundok na sinasabi ni Crea?" tanong niya sa sarili. Kanina pa kasi siya paikot-ikot pero wala man lang siyang makita kahit isang tao d'on.

"Miss, anong ginagawa mo dito?" sigaw ng isang lalake. Napaligon naman si Rio sa nagsalita pero hindi niya namalayan na pababa na pala ang daan na nahakbangan niya dahilan para magpagulong-gulong siya pababa.

"Damn it!" Dama ni Rio ang sakit ng mga sugat na natama niya mula sa paggulong niya, hindi niya magawang igalaw man lang ang katawan niya para tumayo.Unti-unti na ring naglalabo at nanlalabo ang paningin niya.

"am I going to die? Naku wag naman sana, bata pa ako. Gusto ko pa magkaanak at magka-asawa" iyon ang huling nasabi niya sa isip bago tuluyang mawalan ng malay.

"Miss?!" nag-aalalang tanong ng lalake ka Rio pero hindi na ito nasagot pa ng dalaga.

...........

Nagising na lamang si Rio sa isang hindi pamilyar na silid. Ang huling naaalala lang niya ay nagpagulong-gulong siya kanina sa bundok pogi-pogi dahil may isang lalake ang tumawag sa kanya, ni hindi niya nga lang nakita ang itsura ng lalake, pagkatapos noon ay wala na siyang maalala kaya paano siya nakarating doon? Dinala ba siya ng lalakeng sumigaw sa kanya sa silid na iyon?

"Nasaan ba ako?" bulong niya sa sarili habang iniikot ang paningin sa kwarto.

"In my room" Napadako ang tingin ni Rio sa nagsalita.

There he is, a man leaning against the wall. He was tall, mga nasa   five feet ten inches ang height. Simpleng light blue tshirt ang suot nito pero naemphasize ang malapad nitong balikat. It looked good on him. His skin was brown as if he loved staying under the sun, matangos ang ilong nito. His lashes was very long parang sa manika and his eyes....She loved his eyes pero bakit parang may itinatagong lungkot at pagsisisi ang nababasa niya sa mga mata nito sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Lord, siya na ba ang sundo ko? Naku wag naman po 'o gusto ko pag mabuhay pero sa hinahain Niyong sundo Lord baka....baka....Lord mahal ko talaga ang life ko kaya please ilayo Niyo ako sa tukso" usal ni Rio sa sarili habang titig na titig sa lalake.

"Nasa heaven na ba ako?" nakita niyang kumunot ang noo ng lalake.

"What?" naguguluhang tanong nito.

"Nothing, don't mind me"

"Masakit pa ba ang paa mo?" walag emosyong tanong nito.

"Paa?" Doon niya lang napansin ang kaliwang paa niya na nakabendang. Marahil ay napilayan siya kanina ng magpagulong-gulong siya sa bundok. Hindi nama siya namalayan ang napinsalang paa dahil titig na titig siya sa lalake.

Bundok Pogi-Pogi Series 2: My Gentle Prince, ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon