02: REUNION

398 6 14
                                    

It's past four when I arrived. As soon as I stepped out of the cab, I was met by the chilling wind, the sound of the rustling leaves, and by the sun's warmth.

The location was peaceful, a stark contrast to what I was feeling right now.

'Crystal Bay Resort' I quietly read the big signage beside the blue gate.

How many years has it been? Ten? Eleven? I don't know. All I know was, it felt so different from the last time I went here. But I won't deny, it's much better, much more beautiful.

Unang beses kong pumunta dito, I found love. And now? Bigla akong napaisip.

Can love truly be sweeter the second time around?

Mahina akong natawa. Realization hit me, I'm actually missing him. I put on a smile, took a deep breath before finally walking towards the entrance.

Bawat hakbang ko palapit ay parang bumibigat rin ang pakiramdam ko.

'Kumalma ka, Angge. He's not the same Clarence three years ago. Wala na 'yang paki sa 'yo. Kalma ha? Kalma,' pakikipag-usap ko sa sarili ko.

Hindi pa man ako nakakalapit sa cottage namin, agad na nagtama ang mga mata namin.

Our gazes were locked on each other. Kasabay no'n ay ang bahagyang pagbagal ng lakad ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang iiwas ang tingin ko o hintayin nalang na siya ang gumawa no'n.

Three years passed, and life moved on-or at least, that's what I told myself. Sinubukan kong pumasok ulit ng relasyon, sinubukan kong mag-focus sa trabaho, sinubukan kong balikan ang mga bagay na libangan ko noon, I did anything that could fill the space Clarence left. But it all failed.

I can't help but notice how much he's changed, yet he still looked so familiar. The butterflies, the jitters, the spark-it's all the same as when we were young, naive college students and first met here at the university's year-end party. The feelings are the same, raw and intense. It's like the past is rushing back in all at once.

"Angge! Finally, akala ko hindi ka na pupunta!" sigaw ni Reign na gumising sa akin, naka-microphone pa siya.

Kasabay no'n ay napalingon na rin sa direksyon ko ang iba. Hindi lingid sa kanila ang nakaraan namin ni Clarence kaya naman ang iba ay tinutukso siya nang masilayan ako.

Humarap si Reign sa direksyon ko saka ulit nagsalita, "Dalian mo naman! Ikaw na kumanta nito."

Hindi ako sumagot at kumaway nalang sa kanila. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit natigilan rin ako nang bigla nalang tumayo si Clarence. Bumaba siya at lumakad palapit sa akin.

Inilibot ko ang tingin at lahat sila ay parang nagulat sa ginawa niya.

Sa kabila no'n, pinilit kong panatilihin ang normal kong postura kahit pakiramdam ko ay nagbuhol-buhol na ang mga ugat ko sa buong katawan dahil sa pagkataranta.

Nanginginig na ang tuhod ko sa kaba pero nagawa ko pa ring umaktong okay nang makalapit siya sa akin.

"Let me," sabi niya saka hinawakan ang strap ng backpack na suot ko sa kanang balikat ko.

Nakasuot lang ako ng black, sleeveless, loose top at denim shorts. Kaya nang hawakan niya ang bag ay dumikit ang balat niya sa akin at parang kinuryente no'n ang buong sistema ko. Hindi ako agad na nakapagsalita at natuon lamang sa kaniya ang buong atensyon ko.

Kinuha niya ang bag mula sa akin saka naglakad na parang wala akong epekto sa kaniya. Sarkastiko akong napangisi.

What the hell was that?

"Angge?" malamig na tawag niya sa akin nang hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan.

Parang lalo lang nagkagulo sa dibdib ko nang marinig ko ulit ang pangalan ko mula sa kaniya. At the same time, naiinis ako. Hindi ko siya maintindihan.

"You know what, ako na, hindi mo naman kailangan gawin 'yan," sambit ko at akmang kukunin na sa kaniya ang bag nang ilayo niya iyon.

"I insist," he replied curtly.

Napataas ang kaliwang kilay ko. "What do you want, Clarence?" malamig kong sabi.

Sa halip na sumagot ay lumakad lang siya palayo. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko sa nangyari. Ano bang problema niya?

Tumakbo palapit sa amin si Tony, isa sa mga malapit na kaibigan ni Clarence noong college. Tumingin siya sa akin kasabay ng pag-akbay niya sa kaibigan niyang magulo. Tinaas-baba niya ang kilay niya sa akin na para bang nang-aasar bago ibinalik ang tingin kay Clarence.

"Nanliligaw ka na ulit, p're?" biro niyang tanong dito.

Napaawang naman ang labi ko sa narinig. Hindi sumagot si Clarence at itinulak lang palayo si Tony na ikinatawa lang nito.

Lumingon sa akin si Clarence pero agad rin niyang ibinalik ang tingin sa daan papuntang cottage. And there's something in his eyes that I couldn't quite place. Is it longing? Regret? Pain? I don't know.

Marahan akong umiling para kalimutan iyon at kahit naiilang ay sumunod pa rin ako sa kanila. Maybe I should just act as if nothing happened? Tutal, ganoon din naman ang ginagawa niya.

Agad na tumakbo palapit sa akin si Reign nang makarating kami ng cottage.

"Oh, ang singer ng barkada! It's your time to shine!" sabi niya saka inabot sa akin ang mikropono, kasabay no'n ay ang pag-play ng kantang "Officially Missing You" by Tamia.

"Kararating ko lang, Reign, baka gusto mo muna ako painumin ng tubig, 'no?"

"Iyon na nga, kararating mo lang anong oras na. Walang pagbabago, Angeline," she said, feigning indignation, then guided me to sit. "Nami-miss na kaya namin marinig 'yang boses mo. Hindi mo ba kami pagbibigyan?" she continued, pouting.

Napabuntonghininga nalang ako sa sinabi niya. She knew exactly what she was doing. I playfully rolled my eyes. "You and your tricks, Reign," I scoffed.

Tinawanan niya lang ako at sumiksik sa tabi ko dahilan para mapausog ako. And before I knew it, I am already sitting between Clarence and her. Sa tabi ni Clarence ay nakaupo rin si Tony at isinisiksik ang sarili.

Kitang three-seater lang 'tong rattan bench na inuupuan namin, nakikisiksik pa.

Clarence raised his arm to give me a little more space, but it just made things more awkward.

Bumaling akong muli kay Reign na ngayon ay paiwas-iwas ng tingin sa akin, ganoon din si Tony. I had a feeling they were enjoying this a little too much.

"Seriously, guys?" hindi-makapaniwalang sabi ko bago ko ibinaba ang mikropono sa table na nasa harap namin.

Napatingin ako sa iba pa naming kasama. Jane and Denver, the happily married couple in our group, na parang mga college students pa rin na kinikilig sa favorite loveteam nila habang nakatingin sa direksyon namin. Si Carmela, the boyish and sporty girl, ay naka-akbay sa bestfriend niyang si Rose at naghahagikhikan din sila habang pasulyap-sulyap sa amin.

I glanced over at the guys-Francis, Ralph, and Maverick. Nagkukumpulan sa isang sulok nitong cottage. They were stealing glances on us before bursting into laughter. Hindi ko alam kung dapat akong maasar o hindi?

Nangunot ang noo ko. What are these people up to?

Nagulat nalang ako nang kunin ni Clarence ang mikropono at iniabot iyon muli sa akin.

"I wanna hear you sing."

Falling Again in BatangasWhere stories live. Discover now