04: GAMES

314 6 19
                                    

Time passed quickly, late night's approaching. We were all in our swimsuits–I was in a simple black two-piece. Ka-aahon ko lang din kani-kanina mula sa pool. I felt a bit exposed without a cover-up since I forgot to bring some.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang maliit na kubo, gusto ko lang muna mapag-isa. Magbabanlaw na rin ako maya-maya para maka-join na rin sa kanila sa cottage.

Ilang sandali pa akong nanatili dito, at sa mga minutong iyon ay lumipad ang isipan ko sa mga nangyari ngayong araw. Naguguluhan na rin ako, nalilito sa kung ano ba talagang nararamdaman ko.

Am I still in love with him? Or is it simply because we once knew each other completely? That our bodies seemed to remember even the simplest things we used to do when each other was around?

Mapait akong napangiti sa mga sinasabi ko ngayon sa sarili ko. We separated with mutual understanding of the situation. Maayos naman kaming nagkahiwalay kaya wala naman sigurong dahilan para balikan ko pa ang mga nangyari noon. Because that day, we both accepted that our story had come to an end.

Napabuntonghininga nalang ako. Mabuti pang bumalik nalang ako sa cottage at umakto nalang ulit kagaya ng kanina. After this day, makakalimutan ko rin na nagkita kami ulit. Balik sa normal, balik sa walang-katapusang trabaho.

As I was about to stand up, I heard footsteps approaching. Bahagyang nanliit ang mga mata ko, inaaninag ang paparating na pigura.

Unti-unting naging maliwanag kung sino iyon. It was him, it's Clarence. He's topless, wearing only white board shorts. The scar on his right chest, a reminder of his accident, is still visible. However, I won't deny, his toned physique still got me, plus the droplets of water dripping on it. Napalunok nalang talaga ako sa nakikita ko ngayon.

I mean, I already saw that. Many times, of course, before. Pero ngayon, it felt so different. Na parang may nagbago kahit wala naman talaga.

May hawak siyang puting damit sa kanang kamay niya habang ang kabila naman ay may hawak na tuwalya, pinupunasan ang basa niyang buhok.

He looks so...hot.

Ugh, what am I thinking?

Umiling ako para kalimutan ang mga bagay na dumadapo sa isip. Kinuha ko ang phone ko saka nagkunwaring may ginagawa doon.

“Angeline,” sambit niya nang makarating siya sa kubo kung nasaan ako.

“Yes?” matipid kong sagot, hindi ko siya nilingon.

“Here,” saad niya saka inabot sa akin ang hawak niyang damit.

Inangat ko ang tingin sa kaniya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

“You seemed a bit off so you can wear this. This is mine. Kahit hindi mo na ibalik,” dagdag niya saka mas lalong inilapit sa akin ang hawak na damit.

Tinignan ko lang ang hawak niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin. 'Cause it's like...it felt so wrong, but at the same time, I am asking myself, ‘what's wrong with it?’

“Take this, Angge. Alam kong hindi ka komportable na walang cover-up.” Kinuha niya ang kamay ko at inilapat doon ang damit.

Sumenyas siya na babalik na siya sa cottage. Tumango naman ako bago nahihiyang nagsalita, “Thank you.”

Ngumiti lang siya pabalik sa akin bago tuluyang tumalikod at lumakad palayo.

‘Clarence, ang gulo natin. Hiwalay na tayo't lahat, ang labo pa rin natin,’ bulong ko sa sarili at mahinang tawa dahil doon.

No, it's just because we're friends, so of course, he cares, he would care. Kahit naman siguro sa iba. Wala namang masama doon.

Isinuot ko ang damit na binigay niya. Abot hita ko iyon, sapat lang para matakpan ang buong katawan ko. Pagkatapos ay lumakad na rin ako pabalik sa cottage.

Falling Again in BatangasWhere stories live. Discover now