03: FEELINGS

328 4 11
                                    

“I wanna hear you sing,” kaswal niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagdulot iyon ng malakas na hiyawan ng mga kaibigan namin. Nagtataka kong tinignan si Clarence pero binigyan niya lang ako ng malapad na ngiti.

“Sing daw beh! Go na! Magsisimula na 'yong kanta oh,” biglang singit ni Reign. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kamay ni Clarence na hawak ang microphone.

Bigla naman akong nabato sa kinauupuan ko ngayon. his skin sending chills down my spine and clouding my thoughts. Natataranta kong kinuha kay Clarence ang microphone para lang hindi ko na siya mahawakan pa.

Napatingin ako sa videoke nang marinig na malapit na magsimula ang first line ng kanta.

Bakit naman itong kanta pa? Nananadya na 'to si Reign eh.

“No, I won't do this,” malamig kong sabi.

“Come on, Angge. Don't tell us, you're still—”

“Fine, fine,” inis kong putol sa sasabihin ni Reign at pabiro siyang inirapan. “I'll sing,” dagdag ko.

Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti bago niya tinawag si Carmela. “Paulit naman beb, pakipot kasi 'to si Angge,” natatawa niyang sabi na tinawanan lang ni Carmela bago sinunod ang utos nito.

“What?” I snorted in disbelief.

Pero hindi ako pinansin ni Reign, sumiksik lang siya lalo dahilan para lalo akong madikit sa katawan ni Clarence.

Napalunok nalang ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ano ba naman kasing pumapasok sa utak ng mga 'to? Ang tatanda na niyan, huh, yet they're still playing these kinds of games.

Nahihirapan akong napalunok bago itinuon ko muli ang tingin sa malaking screen na nasa harap namin.

Mahihinang kwentuhan ang naririnig habang hinihintay namin ang pagsisimula ng kanta. Dama ko ang mga sulyap nila sa akin, o sa amin? Binabantayan ba nila kami? Mukhang mali yata ang desisyon na sumama pa sa reunion na 'to.

Sa kabila ng mga matang nakapalibot, tanging tingin niya ang nagpapakaba sa akin, sabayan pa ng init ng katawan niyang nakadikit sa akin, lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Mahigpit kong kinapitan ang mikropono dahil doon. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang kumanta.

All I hear is raindrops, falling on the rooftop
Oh baby tell me why'd you have to go
Cause this pain I feel, it won't go away
And today, I'm officially missing you

Hindi nakatakas sa akin ang mga mahihina nilang hagikhikan sa bawat salitang sinasabi ko. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

I thought that from this heartache, I could escape
But I fronted long enough to know, there ain't no way
And today, I'm officially missing you

Napalingon ako kay Clarence nang mahina siyang tumikhim. Nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti? Kahit nagtataka ay pinili kong huwag na iyon pansinin at nagpatuloy nalang sa pagkanta.

Really, Tamia? Para sa akin ba 'to?

But yeah, deep down, I miss him. It’s weird, I know, but I'm kind of enjoying this. This strange mix of irritation and joy is oddly comforting. Parang bumalik lang kami sa college. Tuksuhan, and these feelings, it's very youthful yet, this time, wiser.

Can't nobody do it like you,
Said every little thing you do
Hey baby say, it stays on my mind.
And I, I'm officially missing you.

“Ey!” Reign yelled, hyping me up.

Sinundan iyon ni Ralph na nagbeatbox, ang ibang lalaki ay humihiyaw. Sina Carmela naman ay pumapalakpak nang sabay sa tono.

“Ibang klase talaga si Angeline. Gets na gets ko na si Encio,”  natatawang sabi naman ni Tony kahit halatang-halata ko na ang hirap niya sa kinauupuan.

Hindi ko na napigilan ang sarili na matawa sa ginagawa nila. This was very college. The jam, the laughter, the hype.

Even though his presence is bothering me, the group's lively energy pulled me in, feeling like nothing happened between us before. It was as if we were strangers again.

I wish that you would call me right now.
So that I could get through to you somehow
But I guess it's safe to say, baby, safe to say

Huminto ako sandali sa pagkanta. Akmang kukuha na ako ng tubig nang may makita na akong baso ng tubig sa harapan ko.

Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya, na parang otomatiko nalang iyon ginawa ng katawan ko. And as our gaze met, my heart skipped a beat. He warmly smiled at me, he grabbed the glass of water and handed it to me.

“I knew,” he said, his voice casual and warm.

Dalawang salita lang iyon pero sapat na para guluhin ulit ang isipan ko. He remembered. Every time I paused before the second chorus, I'd reach for a drink. And he remembered it.

I mean, nakapasimpleng bagay lang naman nito sa amin noon. Bakit ganito nalang ang epekto sa akin? The small things that shouldn’t matter, yet now, somehow it did. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to.

“T-Thanks,” naiilang kong sabi bago tinanggap ang alok niya.

Pakiramdam ko mabibitawan ko ang hawak kong baso ngayon. Am I still into him? After three years, siya pa din? Gosh, this is ridiculous.

Inilapag kong muli ang baso sa mesa. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkanta nang bigla nalang umalis sina Reign at Tony sa pagkakasiksik sa amin. Dahil doon, bahagyang napahiga si Clarence, and I found myself falling into him.

Agad na nalunod ang isipan ko sa pag-aalala. Mabilis akong napatayo kasabay ng paglagay ko ng mic sa table.

“I'm sorry. Sumakit ba 'yong sugat mo, dala ko yung ointment mo. Saglit,” nagtatarantang sabi ko at akma na sanang kukunin ang gamot sa bag nang kapitan niya ang kamay ko.

“Angge,” natatawang sabi niya saka umayos ng pagkakaupo. Hinila niya ako para mapaupo ako ulit sa tabi niya. “That accident happened four years ago. Magaling na ako.”

“Four years?” tila wala sa sariling sabi ko.

Bakit ko ba nakalimutang hiwalay na kami? Tatlong-taon na. Angeline naman, nakakahiya ka.

Nilibot ko ang tingin ko at kita ko ang pagkamangha sa mga mukha ng kasama nila, lalo na ng mag-asawa. I clicked my tongue in embarrassment as realization hit me so hard.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Hey guys. Don't get me wrong. I... You know, we've been together for six years. Kaya ganito, nothing more,” nahihiya kong paliwanag.

Hinila ako palapit ni Clarence. “Nothing more, Angge?” he said, his eyes, looking for an honest answer.

Napalunok nalang ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at bahagyang lumayo. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama namin at lalo lang akong nanlumo nang makitang lahat sila ay nakatingin sa amin.

Pinakalma ko muna ang sarili. “We're here for our group's reunion. Nadala lang ako, sorry. I know, naiintindihan niyo. Excuse me,” pagdadahilan ko bago ko nilisan ang cottage.

Mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko habang naglalakad papuntang banyo.

“Ano bang gusto mo, Clarence?” I whispered, frustration evident in my voice.

Fine, inaamin ko, namiss ko siya. A part me was really anticipating this meeting but...not like this. I mean, if he wanted to talk, we could've. Just not infront of them.

Falling Again in BatangasWhere stories live. Discover now