Ang Manghuhula

24 3 0
                                        

Kabanata 4:
Naglakad sina Aiza at Jessa sa mataong kalsada ng Quiapo, ang ingay ng pamilihan ay naghalo sa ingay ng mga taimtim na  nagdarasal. Ang init ng araw ng tanghali ay sumisikat sa kanila, pero may kakaibang pakiramdam ng pangamba na lalong nagpapalagkit sa hangin. Pagkatapos ng misa, magkasabay silang naglalakad, hanggang ang mga yapak na lamang  nila ang tanging naririnig ni Aiza,naadpad sila sa  isang tolda sa isang sulok ng pamilihan, may nakasabit na karatulang "Hula -50", na agad nakakuha ng pansin ni Jessa.

Hinawakan ni Jessa ang kamay ni Aiza. "Tara na, Ate Aiza. Ito na ang pagkakataon mo! Magpahula ka na, baka dito mo na makilala ang future jowa mo, at baka magkaroon na ako ng pamangkin!"biro niya.

Nagdalawang-isip si Aiza, habang nakatingin sa tolda. Biglang lumamig ang hangin, parang may kakaibang presensya. Pero nagpasya siyang huwag na lang pansinin ang nararamdaman, iniisip na baka init lang o baka guni-guni lang niya. Pumayag siya at sumama kay Jessa.

Pagpasok nila, parang ang buong mundo ay nawala. Ang hangin ay bumigat, puno ng amoy ng insenso na tila dumidikit sa bawat sulok. Ang mga kakaibang dahon, halamang gamot na  nakasabit sa kisame , at mga bote ng hindi matukoy na nilalaman ay nakalapag sa isang estante. Ang amoy ng mga halaman at bagay na may kabusukan ay pumapawi sa kanyang pang amoy, at hindi maiwasang magsimula ng makaramdsm ng pagkahilo si Aiza.

May mga anino na parang umaaligid, tila may mga mata na nakamasid mula sa malalayong sulok ng tolda. Karamihan sa ingay nila ay tila napapalakas, at ang bawat yapak ay lalong  napupuno ng takot si Aiza.

Sa gitna ng tolda, nakaupo ang isang matandang babae sa likod ng mesa. Ang mukha niya ay nakatago sa ilalim ng isang madilim na belo, at nang tinitigan ni Aiza ang direksyon ng matanda, parang may kakaibang lakas sa hangin na dumampi sa kanya. Ang mga kamay ng matanda ay sobrang payat na tila ay kalansay na, mahahabang daliri at ang mga kuko niya ay parang sa ibong mandaragit na matutulis at madilaw. Ang ilaw mula sa mga kandila ay nagpapakita ng mga guhit ng mukha ng matanda, napakapayat ng mga pisngi at natakpan ang kaniyang mga mata ng itm na belo.

Bigla niyang naramdaman ang kaba sa dibdib.

Walang salitang sinabi ang matanda, tumango lang siya upang ipakitang umupo si Aiza. Ang mga daliri ng matanda ay mabilis na binalasa ang mga baraha. Parang biglang nanikip ang dibdib ni Aiza , at ang katahimikan ay lalong nagpabigat sa tensyon na namumuo sa loob ng tolda.

Matapos ang ilang sandali ng matinding katahimikan, iniabot ng matanda ang tatlong baraha sa harap ni Aiza.

“Pumili ka ng tatlo,” sabi ng matanda, ang boses niya ay parang dumudurog ng mga tuyong dahon. "Nakaraan... Kasalukuyan... Hinaharap."

Hinawakan ni Aiza ang unang baraha, ang kanyang kamay ay nanginginig. Nang binuksan niya ito, ang amoy ng panis na hangin ay pumasok sa ilong niya. Ang magkasintahan– Dalawang pigura ang magkayakap sa baraha, ang mga mata nila'y walang buhay.

“Ang nakaraan...” patuloy na sabi ng matanda. “Isang desisyon, isang ugnayan... ngunit ito’y isang sumpa. Ikaw ay nakakadena, ngunit hindi mo nakikita ang mga gapos.”

Sumama ang pakiramdam ni Aiza. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng matanda, pero may isang pakiramdam sa loob niya na tila may katotohanan ang mga sinabi nito dahil sa ngayon ay naaalala parin niya ang kanyang dating kasintahan na naiwan sa Pilipinas.

Ang ikalawang baraha—ang kasalukuyan—ay parang mas malamig pa. Ang Buwan.Isang misteryosong pigura ang nakatayo sa ilalim ng isang baluktot na buwan, nakatago sa dilim, ang mukha'y hindi matukoy, tanging mga mata lamang ang kumikislap na parang mga uling sa dilim.

Lumapit ang matanda at ibinaba ang boses, halos pabulong. “Pagkukunwari. May isang tao na malapit sa iyo, palihim na nakamasid... nagtatago ng kanilang tunay na pagkatato. Isang maskara ng pagkakaibigan, ngunit sa ilalim nito, ang inggit ay matinding tumitindi. Sila ang magdudulot sa iyo ng pinsala,ngunit pilit mo itong itinatanggi sa iyong sarili kahit alam mo.”

Tumigas ang katawan ni Aiza, ang kanyang mga mata ay lumipat kay Jessa na katabi niya. Ngunit ang mukha ni Jessa ay nahulog sa anino, ang ekspresyon ay hindi mabasa. Parang may naramdaman siyang kakaiba, may kabuntot na pangamba.

“Ngayon, ang iyong hinaharap,” nagpatuloy ang matanda habang binabaliktad ang huling baraha. Si Aiza ay nahulog sa matinding takot, parang ramdam niya na kung anuman ang darating ay mas masahol pa kaysa sa unang dalawang baraha. Binuksan niyang muli ang baraha.

Kamatayan. Walang larawan, walang mukha, tanging isang walang hugis na puwang. Isang kalansay na kamay ang lumabas mula sa baraha, parang isang itim na lungga na naglalakbay sa lahat ng bagay na kinakalabit nito.

Ang boses ng matanda ay halos pabulong, parang isang halimaw sa ilalim ng lupa na bumubulong sa kanya. “Ito... ito ang katapusan...”

Ang puso ni Aiza ay parang hihinto. Nanlamig at namuot ang takot sakanya, habang ang hangin sa paligid ay tila nagiging mas mabigat, para bang may unti-unting sumasakal sa kanya.Sa isang iglap napadpad siya sa isang madilim na lugar at nung bumaling siya sa salamin sa isang sulok, may isang nilalang na nakatayo sa likuran niya. Isang babae, pero di niya mawari ang mukha, sa kamay ng babaeng iyon ay isang palakol habang ang kanyang mga mata ay  nakatitig kay Aiza na puno ng galit. Maya-maya iniangat ng babae ang palakol na tila itataga sa kanyang direksyon.

Nais niyang sumigaw, ngunit walang tunog na lumabas sa bibig niya habang dumampi ang palakol sa leeg niya.

Bigla siyang napagising, tumagilid siya at nahanap ang sarili  sa kaniyang kama.

Ang araw ay sumikat mula sa mga bintana ng kanyang silid. Nanatili siyang nakahiga at hindi makagalaw,  katawan ay basa ng pawis, at  puso’y mabilis ang pagpintig. Ang katahimikan sa kwarto ay tila nakakabingi. Hindi  niya matanggal sa kanyang isipan ang nakakatakot na imahe ng babae sa panaginip.

---

The Evil EyeWhere stories live. Discover now