Prologue

29K 594 6
                                    

Alas tres ng hapon nasa park ang kambal na sina Isla (ayla) at Luzy na 10 taong gulang pa lamang kasama ang kaibigan na si Win-win na syang 12 gulang na. Madalang lang ang tao na pumupunta sa park na iyun dahil nasa tagung parte ito ng syudad at tila pinagdaanan na ng panahon.

Napili nila ang lugar na iyun dahil bukod sa sila lang ang tao doon ay inaalala rin nila ang kalagayan ni Luzy na may sakit sa balat at asthma kaya lagi syang may suot na surgical mask. Gustong ilayo nila win-win at Isla si Luzy sa mapangkutyang tingin ng mga tao dahil sa naiiba nitong kulay ng balat.

Habang naglalaro ng bahay-bahayan ang tatlo ay may biglang lumapit sa kanilang estranghero na nasa 25-30 taong gulang, may sout na black leather jacket at maong pants, may tribal dragon tattoo din ito sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

" mga bata, bakit dito kayo nag lalaro? Diba dapat dun kayo sa kabilang park? Maraming tao dun atsaka mga batang kasing edad ninyu." Ani ng mamang estranghero sa kanilang tatlo habang paupo para makapantay sa kanila. Kung tutuusin gwapo, matangkad, maputi, matangos ang ilong at mapupulang labi at nakakadagdag din sa kanyang kakisigan ang tattoo nya sa mukha ngunit hindi maikakaila na medyo nakakatakot siya tingnan dahil na rin sa malaking pilat sa noo.

(A/N: scary handsome kumbaga.)

"Ayaw namin dun. Kasi inaaway nila kami at sinasabihan nila ng freak si Luzy." Sagot ni win-win sa estranghero.

"Win-win! Don't talk to him! He's a stranger and don't you remember what my mommy said na DON'T TALK TO STRANGERS! Look at him oh! He look so scary!" Pag mamaldita ni Isla habang hawak hawak ang laylayan ng damit ni Win-win. Napatawa nalang estranghero sa inasal ng bata.

Lingid sa kanilang kaalaman, ay may mga nag mamasid sa kanila at humahanap ng tyempo para dukutin ang mga bata.

"Tingnan mo nga naman kung minamalas, nandito ka rin pala Dragon." Biglang singit sa kanila ng isang malaking lalaki na may eyepatch sa kanang mata at may bitbit na mataas na kalibre ng baril.

"Henna" bulong ng ni Dragon.

"Dragon ang pangalan mo?" Tanong ni Luzy na may halong takot sa boses nito pati na rin sina win-win at Isla ay natatakot na rin dahil sa baril na dala Henna.

Tumayo si Dragon at humarap kay Henna na walang emosyon kasabay ang pag labas ng higit sa 50 lalaking nakaitim na may dalang baril.

"Anong kaylangan ninyo? Umalis na ako sa mafia at iniwan ang lahat wala na kayong mahihita sa akin." 'Sing lamig ng yelo ang tono ng pananalita ni Dragon.

"Hahahahaha... sa tingin mo ikaw ang pakay namin?" Napakunot noo si Dragon sa sinabi ni Henna.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya, humakbang papalapit si henna sa kanya at bumulong,

"Ang mga batang kasama mo."



moon_light x)

Tattoo on her Face [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon