Special Chapter Eleven*Jhonny Stay with me...*

170 8 0
                                    

Special Chapter Eleven


Sharmay's POV


2 months passed...

Dalawang buwan na kaming kasal and I cherished every moment with him. Kahit isang oras wala kaming sinasayang, bawat minuto, bawat oras at bawat araw we filled our house with love, passion and sincerity. Well of course sexiness...

At ngayon 3 weeks na akong buntis. Perohindi pa alam niJhonny. Gusto kong isurpresa sa kanya ito kapag birthday na niya, ilang araw nalang din birthday na niya. I can't wait to announce it to him. But hold on Sharmay, this is your gift for him.

"Good morning sexy wife." He hugged me in the back. I was still wearing a nightdress nakitang-kita yung hubog ng katawan ko. I'm not wearing under wears' well that is our rule kapag kami lang dalawa nasa loob ng bahay. He was wearing boxer and t-shirt.

I was cooking for our breakfast. Simple breakfast I made, chicken soup with rice.

Habang kumakain kami may sinabi siya sakin na ikinagulat ko. "Mahal, babalik akong States." Bigla kong naibagsak yung kutsara sa plato ko nang marinig ko iyon. Bumilis yung tibok ng puso ko. What's happening to me? Bakit kinakabahan ako?

"Ba-bakit?" I asked him without looking at him. Nakatuon lang yung tingin ko sa pagkain.

"I want to clear up things with dad and with Kathleen also. I know she was still hoping that I'll be going back to her. Ayukong paasahin yung tao."Tumingin siya sakin and he lift up my chin. Nakayuko kasi ako habang kumakain.

"Okay kalang?" He paused. Tinitingnan niya yung mga mata ko. Alam kong alam niyang hindi ako papayag na bumalik siya doon sa States.

He smiled and I looked confused.

"Mahal...ikaw lang ang babaeng mahal ko. Besides kasal na tayong dalawa, pilitin man ako ni papa na maikasal kay Kathleen hindi na mangyayari iyon. Dahil kasal na ako sayo. Okay?" mahinang sabi niya sakin.

"Pero kinakabahan ako mahal, papano kung---"

"Stop thinking negative things. Mahal na mahal kita at wala kang dapat ikatakot. Sampung buwan lang ako doon sa States at pagkatapos ng sampung buwan babalik na ako dito sa Pilipinas at hinding-hindi na ako aalis pa." Tumango ako. Kahit parang labag sa kalooban kong payagan siyang bumalik sa States, may dapat siyang ayusin doon. Sharmay makakaya mo, makakaya mong hintayin siya ng sampung buwan.Limang taon nga kaya mo eh.Sampung buwan pa kaya?

Pero iba na ang sitwasyon ngayon, buntis ako sa panganay na anak namin. How can I be waiting longer? Ayukong magkalayo na naman kami sa isa'tisa. Not now...

"Mahal, may gusto sana akong sasabihin sayo..." Gusto kong sabihin sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko bago siya umalis.

But before I speak his phone rang.

"Yes dad?" tumayo siya at dumistansya muna siya sakin para kausapin yung dad niya.


Jhonny's POV


"Yes dad?" lumayo muna ako ng konti kay Sharmay para kausapin si papa.

"This coming Friday is your flight for going back here," pumasok ako sa cr.

"What? Akala ko ba next week pa yung flight ko?"

"Kathleen misses you badly. Be back here as soon as possible." Then he hanged up. Papano ko sasabihin kay Sharmay na aalis na ako this coming Friday? Nakikita ko sa mga mata niya kanina na ayaw niyang umalis ako. Perokailangan, kailangan ko ng bumalik para ayusin ang dapat ayusin.

Tinawagan ako ni papa last week na dapat bumalik na ako sa States para makipag-settle ng maayos kay Kathleen at sa pamilya niya na hindi na matutuloy yung kasal na pinagplanuhan nila. Dahil kasal na ako kay Sharmay.

Lumabas ako ng cr at bumalik sa dining room. Umupo ulit ako sa harap niya pero tapos na siyang kumain.

"Anong sabi ng papa mo?" mahinahon niyang tanong pero bakas sa boses niyang nalulungkot siya.

Papano ko ba sasabihin sa kanya? Iiwan ko ba siyang malungkot at mag-iisa ulit?

"Sabi niya as soon as possible dapat na akong bumalik sa States." I heard her gasped.


Sharmay's POV


"This coming Friday yung flight ko." My hands were shaking when he said those words. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero, intindihin mo siya Sharmay dapat siyang umalis para sa ikatatahimik niyo. Dapat niyang ayusin ang gusot na ginawa niya doon.

Wala ka nang dapat ikatakot dahil kasal na kayo at buntis ka.

I inhaled deeply and exhaled. "Okay, I understand. Basta pagkatapos ng sampung buwan bumalik ka na dito ah?" I smiled at him. Tumayo siya sa kinauupuan niya at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much and I always will." He said and kissed me more.

FRIDAY

Ngayong araw na to aalis na siya sa piling ko. Magbubuntis ako na wala siya sa tabi ko. Manganganak ako na wala siya sa tabi ko. Kakayanin ko para samin, para sa magiging anak namin.

Tapos ko nang ayusin yung mga gamit niya papasok sa maleta niya. Kung sasabihin ko sa kanyang buntis ako baka hindi siya tutuloy sa pag-alis lalo lang maging komplikado ang sitwasyon, he needs to settle all the misunderstandings in States. Kaya ililihim ko to sakanya hanggang sa makaalis na siya.

I smiled while holding my tummy. Kahit hindi pa nadevelop ng maayos si baby sa tiyan ko nararamdaman kong ayaw niya ding umalis yung daddy niya. "Baby, he had to. Para sa ikatatahimik natin, para maging isang masayang pamilya na tayo at para wala na tayong poproblemahin pa.Maging masayang pamilya din tayo baby...Tayong tatlo ng daddy mo..."

Kinuha ko yung maleta niya at lumabas na ako ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong umiinom siya ng tubig at napansin agad niya ako.

"Nandiyan na ba lahat yung mga gamit ko mahal ko?" I smiled and then nodded.

Nilapitan niya ako at niyakap ako. "I'm gonna miss you. Take good care of yourself here..." humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at idinikit niya yung noo niya sa noo ko. "Pangako, babalik ako at hindi na ako aalis pa." sabi niya habang nakangiti. He kissed me more.

Hindi ko namalayan tumutulo na pala yung luha ko habang hinahalikan niyaako. Ayukong umalis ka sa piling ko...Kailangan kit aJhonny sa bawat oras ng buhay ko...

Pagkatapos niya akong halikan pinahiran niya yung luha ko gamit ang kamay niya. "Shhh, please stop crying. Alam mong weakness ko yang pag-iyak mo. Baka hindi na ako makaalis, dad is waiting for me." Sabi niya at tumango naman ako.

"Sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa flight mo." Sabi ko at pinunasan yung luha ko.

Kinuha niya yung maletaniya, lalabas na sana siya ng pinto ng tinawag ko ulit siya.

"Jhonny...."

Lumingon siya sakin at nakikita ko yung lungkot sa mukha niya.

"Mag-iingat ka lagi I love you." Nag-wave ako ng kamay sa kanya.

"I love you more." Bigla niya akong nilapitan at hinalikan sa labi. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa pinto. Lumingon siya sakin.

"Bye..." I said while waving my hand. Tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

Gusto ko siyang samahan hanggang sa airport pero baka hindi ko kayang umalis siya. Pagkalabas pa lang niya sa pinto, nanghihina na yung buong katawan ko at napaupo ako sa sahig. Now, I'm all alone in this house.Makakaya ko kayang maghintay ng sampung buwan habang nagbubuntis ako sa anak namin? Jhonny I want you to stay with me every now and then. But now, you're gone...

=================================================

When I Met You In Banyo<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon