Prologue

24 2 0
                                    

Passiona Laine

Enrollment ngayon at kasama ko ang kaibigan kong si Ivy, kaibigan kong nasobrahan ata sa bakuna nong bata sya kaya grabe ang ka hyperan.

"Ano? nakapag desisyon ka na ba kung anong kukunin mong strand?" Tinitigan ko lang ito sabay iling ng ulo ko. Malay ko ba, hindi ko talaga alam kung anong magiging takbo ng buhay ko.

"Girl grade 9 pa tayo tinatanong ko na yan, juskopo. Undecided talaga?" tinanguan ko lang ang tanong nya, di sya napapagod sakin. Di ako masyadong pala salita, kadalasan sa utak ko lang. Pero itong si Ivy kung anong nasa utak nya sasabihin nya e, yung friendship namin? sabihin nalang nating natagpuan ako ng isang super extrovert na inampon ang introvert na katulad ko.

"Ayos lang yan Laine, buhay ay di karera~" nagulat ako nang bigla itong kumanta, baliw na baliw talaga sa bini.

"Nakakahiya Ivy" mahinang sabi ko rito sabay takip sa bibig nito

"Nunaman? dedma, humss kukunin ko ano palag ka ba?" Pinag iisipan ko yan, first choice ko ang humss para lang ma challenge ang public speaking ko, stem sana pero sawang-sawa na akong mag compute ng mga mathematical equation.
pero ayaw ko rin ng humss kasi nakaka drain yun.

"Sige" bigla yung lumabas sa bibig ko, wala na akong nagawa nang hilain ako ng kaibigan ko para kumuha ng enrollment paper at sagutan ang mga naka lagay ron, good luck sa buhay ko.

"Ivy, cr muna ako ha? Ikaw na munang bahalang mag sagot dyan ha? alam mo naman kung anong ilalagay sakin, atsaka nasayo yung mga requirements ko" tumango lang ito at tutok sa pag sasagot ng papel

"Hep-hep, baka maligaw ka? Tanga ka pa naman sa direksyon, tawagan mo ‘ko pag naligaw ka ha?" Tinanguan ko lang ito atsaka nag lakad na, ganun talaga ang bunganga ng babaeng yun, nong una ay uncomfortable pa ako, minsan nga ay umiiyak pa ako pag tinatawag nya akong tanga e, pero nasanay rin ako. Naalala ko pa na nag sorry sya sakin tapos todo explain na ganun lang daw talaga sya, ayun binawasan nya yung mga ganung words nya pero nong naging sobrang close na kami, at sobrang nasanay na ako sa presensya nya ay mas lumala ang bunganga ni Ivy.

Grade 9 nong naging nag k-klase kami, grade 10 nong naging sobrang close namin. Mailap din kasi ako sa tao noon, kaya nong grade 9 pa kami kahit sobrang effort nyang maging kaibigan ako ay di kami naging close, naging mag k-klase ulit kami nong grade 10 at mas lumalala ang pangungulit nya na maging kaibigan ako, dahil ma effort sya ay kinaibigan ko na rin, tinanong ko nga sya non bakit sobrang eager nyang maging kaibigan ako, ang sabi ba naman sakin mas maganda raw kaibiganin ang mga introvert na gaya ko, although marami talaga syang kaibigan non dahil sa pagiging carefree, extrovert, at pagiging madaldal nya ay hindi raw kaibigan ang turing nya sa mga ito, kakilala lang daw. Ang weird diba?

naku po, nasaan na ako? ang lutang ng isip ko, hindi ko na alam kung nasaan ako, sinundan ko lang naman yung mga babae rito kanina, may hinahanap siguro sila.

Tatawagan ko ba sana si Ivy pero wala pala sakin ang phone ko! nasa bag pala yun ni Ivy, naku naman. Tiningnan ko ang paligid, walang tao!

"Tangina, buti nalang naka takas ako sa kanila" sabi ng babaeng nasa gilid habang hinihingal, mukhang may tinatakasan nga.

Tao! pwede akong nag tanong, pero paano?

Nakatulala lang ako nang may biglang lumapit sakin

"May nakita ka bang babae? Matangkad nasa 6'0 tapos naka jersey na red, 10 yung number, maputi tapos medyo may muscle" tanong ng magandang babae sakin, medyo maliit ito, nasa 5'4 kasi ako at 5'1 lang siguro itong babaeng ito. Ang ganda nya!

"Wala po?" Patanong nasabi ko rito, kasi di ako sure?

"Sige salamat, nasan na ba yung batang yun?" problemadony sabi nito sabay alis.

Devouring Her Innocence (Quadro: Book 1)Where stories live. Discover now