Chapter 4

27 2 0
                                    

Malamig ang hangin nang makarating sina Engfa, Patcha, at Charlotte sa isang lumang warehouse kung saan naganap ang pinakahuling nakawan. Kahit dis-oras na ng gabi, kailangan nilang tumuloy dahil tumakas ang suspect at posibleng bumalik para kunin ang iniwang ebidensya. Tahimik ang paligid, pero ramdam ni Engfa ang kakaibang bigat ng sitwasyon.

"Parang may mali," bulong ni Patcha habang tinitingnan ang paligid. "Wala man lang bantay?"

"Siguro alam nilang paparating tayo," sagot ni Charlotte habang nag-aayos ng gloves. Tiningnan niya si Engfa, at kahit hindi ito tumingin pabalik, alam niyang pareho silang kinakabahan.

Engfa took a deep breath and nodded. "Okay, split tayo. Patcha, tingnan mo yung likod. Charlotte, sumama ka sa akin."

Walang reklamong tumango si Charlotte. Tumakbo naman agad si Patcha papunta sa likurang bahagi ng building habang sina Engfa at Charlotte ay pumasok sa harap. Pagpasok nila, agad nilang naamoy ang luma at amag sa loob ng warehouse. Malamlam ang ilaw mula sa mga nasirang bombilya na nagbigay ng eerie na pakiramdam.

"Sigurado ka bang okay ka dito?" tanong ni Engfa habang naglilibot ang tingin, handang bumunot ng baril anumang oras.

"Yeah. Just focus," sagot ni Charlotte na mukhang kalmado pero alam ni Engfa na alerto ito sa bawat galaw.

Sa pagpasok nila, napansin ni Engfa na magulo ang loob ng warehouse—may mga kahong nakabukas, at ang ilan ay tila minadaling buksan at iniwan. Malinaw na may hinahanap ang mga magnanakaw, pero hindi nila nakuha lahat ng gusto nila.

"May pattern dito," sabi ni Charlotte habang sinusuri ang laman ng isang kahon. "Mukhang sinasadya nilang i-target lang ang specific items."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Engfa, lumalapit para makita ang sinasabi ni Charlotte.

"Look," itinuro ni Charlotte ang laman ng kahon—mga high-end na electronics na halatang hindi ordinaryo. "Hindi sila basta-basta magnanakaw. They know exactly what they need."

Napaisip si Engfa. "Baka may order silang sinusunod. Pero sino kaya ang nag-utos?"

Tahimik na nagpatuloy sa pag-iimbestiga ang dalawa, tinitingnan ang bawat kahon at dokumento na iniwan. Nang makarating sila sa likurang bahagi ng warehouse, may narinig silang kaluskos mula sa taas.

"Did you hear that?" tanong ni Charlotte, halatang nagiging mas alerto.

Tumango si Engfa at binunot ang baril niya. "Stay close."

Pumanhik sila sa hagdan papunta sa second floor, bawat hakbang ay maingat at mabagal. Nang makarating sa taas, nakita nila ang isang pinto na bahagyang nakabukas. Lumapit si Engfa, handang barilin ang sinumang lalabas mula rito.

Pagbukas ni Engfa ng pinto, nakita nila ang isang lalaki—halatang nagmamadaling kinukuha ang mga kagamitan mula sa isang metal cabinet. Nagulat ito sa pagdating nila at agad na tumakbo papunta sa bintana.

"Tigil!" sigaw ni Engfa habang hinahabol ang lalaki.

Charlotte stayed back, pulling out her phone to call for backup. "Suspect is on the move!" sabi niya sa linya habang sinusundan ng tingin si Engfa.

Nang ma-corner ang lalaki sa dulo ng hallway, binunot nito ang isang patalim at sumugod kay Engfa. Walang oras para mag-isip—sa isang mabilis na galaw, sinalubong ni Engfa ang lalaki at sinikap itong disarmahan. Nagpambuno sila sa sahig, at sa isang iglap, naramdaman ni Engfa ang talim ng patalim na dumaan malapit sa braso niya.

"Eng, careful!" sigaw ni Charlotte habang lumalapit para tumulong.

Sa wakas, nasipa ni Engfa ang patalim mula sa kamay ng lalaki at mabilis na pinosasan ito. Hingal na hingal, tumayo siya habang hawak ang suspek.

"You're not going anywhere," bulong ni Engfa, habang pilit na kinakalma ang sarili mula sa adrenaline.

Pagkatapos ma-capture ang suspect, binalikan nila si Patcha na nasa likod na ngayon ng warehouse. Nakatayo ito malapit sa isang delivery truck na tila minadali ang pag-load ng mga kahon.

"Guys, tingnan niyo 'to," sabi ni Patcha habang tinuturo ang truck. "Mukhang dito nila dinadala ang mga ninakaw na gamit."

Sinuri nila ang laman ng truck at nakita ang mga kahon na puno ng electronic devices at gadgets. Pero ang pinakamalaking sorpresa ay ang isang monitoring system na naka-install sa likod ng truck.

Charlotte examined it closely. "This is high-end surveillance tech. Parang gamit ng mga professionals."

Napakunot ang noo ni Engfa. "Bakit sila may ganito? At sino ang nagpopondo sa kanila?"

"Baka may mas malaking grupo sa likod nito," sabi ni Patcha habang sinusuri ang iba pang kagamitan.

Habang nag-uusap sila, biglang may narinig silang malakas na tunog ng makina mula sa labas.

"Backup?" tanong ni Charlotte, umaasang dumating na ang mga kasama nila.

Pero nang silipin ni Engfa mula sa bintana, nakita niya ang isang malaking van na mabilis na papalapit sa kanila—at armado ang mga sakay nito.

"Trouble incoming!" sigaw ni Engfa habang hinila si Charlotte papunta sa mas ligtas na lugar. Patcha grabbed her gun and took cover behind a stack of crates.

Walang oras para magtago nang maayos. Sa isang iglap, bumukas ang pinto ng van at bumaba ang tatlong lalaki na armado ng rifles.

"Get down!" sigaw ni Engfa habang nagpaputok para harangin ang mga kalaban.

Sumama sa kanya si Patcha, at sabay silang nagpaputok habang si Charlotte naman ay humingi ng reinforcement sa headquarters.

"Tumatakas sila kasama ang truck!" sigaw ni Patcha nang makita niyang umaandar na ang delivery truck na puno ng mga ninakaw na gamit.

Engfa cursed under her breath. "We can't let them get away."

Without wasting a second, tumakbo si Engfa palabas ng warehouse habang hinahabol ang truck. Sumakay si Patcha sa motor na dala nila, at mabilis na pinatakbo ito para habulin ang mga tumatakas.

"Charlotte, stay here and wait for backup!" utos ni Engfa bago sumampa sa motor kasama si Patcha.

Pero bago pa man sumagot si Charlotte, nakita ni Engfa ang desperadong tingin nito.

"Be careful, Eng," bulong ni Charlotte bago sila tuluyang humarurot papalayo.

A/N: Please do vote for my story!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evidence Of UsWhere stories live. Discover now