Pinalitan ko nga pala yung name ng female leading character! Hahaha from Czarmaine to Thalia. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang! Hahahahaha so yun keep on suppprting! lol
-----------------Nandito pa rin ako sa studio kasama yung group mates ni Namjoon Oppa. Umorder na din ako ng pizza, chicken and cola para naman may makain sila habang nagpapractice.
'Infairness naman sa kanila ang galing nilang sumayaw and ang cool ng steps nila! And wow! Si Jhope!!!! Grabe yung transformation nya pag sumasayaw! Yung from bubbly guy to super cool guy! Damnnnn! He's so damn cool!! And woah! Jimin's kinda hot! ❤.❤ Hahahaha oh wait ano ba 'tong mga napagiiisip ko! Scratch that, okay?
So yun after matapos nung song nagbreak muna sila. And jhope's back with his bubbly personality. Well, he's kinda cute haha
After uminom ng tubig at magpunas ng pawis ni Taehyung ay tinabihan nya ako.
"Thalia! Ano? Kamusta yung sayaw namin? Okay ba?" Tanong ni Taehyung sakin habang medyo naghahabol pa ng hininga.
"Okay naman." Sabi ko na tatango-tango pa. Nakatingin pa rin sya sa akin na parang naghihintay pa na may sabihin ako. Nung naramdaman nyang wala na ay saka lang sya nagsalita ulit.
"Yun na yun? Grabe naman. Ginalingan ko pa naman!" Sabi nya at saka nag-pout.'Hays bakit ang cute ng isang 'to? Tsk haha
"Oh eh ano bang gusto mong sabihin ko?" Nakatingin lang sya sakin at naka-pout. "Ang cool nyo! Ang cool nyong tingnan." Tapos ngumiti sya ng pabox.
"Talaga?" Sabi nya na parang batang binigyan ng candy na tuwang tuwa."Tss. Oo na! Dyan ka na nga." Tapos tumayo na ako at pumunta kay Namjoon oppa. Magpapasama kasi akong kunin yung mga inorder kong foods. Nandun na daw kasi sa baba.
Pagkakuha namin ng pagkain ay agad na din namang kaming dumiretso sa studio.
"Oh mamaya na ulit kayo mag-practice. Kumain na muna kayo." Sabi ko habang ibinababa yung dala-dala kong pizza.
Syempre hindi na sila tumanggi! Aba naman! Sino ba namang tatanggi sa pizza at chicken diba? HahahaSo habang kumakain kami ay medyo nagkwentuhan na din kami. Nalaman ko na mas matanda pala silang lahat sa akin maliban kay jungkook na ka-age ko. At dahil dun, ang gusto nilang itawag ko sa kanila ay oppa. Psh. Nakakalalaki ba pag tinatawag kang oppa?
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang sila saglit tapos ay nagpractice na ulit silang sumayaw.
Habang nagpapractice sila ay nakaupo lang ako sa may harapan nila. Kinuha ko yung phone at earphones ko at nagpatugtog. Mga ilang tugtog din ang natapos ay biglang tumugtog yung Titanium. At biglang kumunot ang noo ko.
'Tsk eto yung pinapatugtog ko nung tinamaan ako ng bola ng lintek na hambog!
Jungkook's POV
Pagkatapos naming magpahinga ay nagready na ulit kami para mag-practice. Habang sumasayaw kami ay bigla na lang natanggal yung sapatos ko at lumipad papunta sa direksyon ni Thalia. Naka-earphones sya kaya kahit napansin nya ay huli na dahil natamaan na sya sa may bandang ulo.
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Th-Thalia? S-sorry! Okay ka lang?" Pero nung nag-angat sya ng tingin sa akin ay biglang nanlaki yung mata nya. Nag-tataka naman akong tumingin ulit sa kanya. Nung akmang hahawakan ko sya sa banda kung saan sya tinamaan ay bigla nya na lang syang tumayo at pinaghahampas ako ng box ng pizza.
"Yaaa! Tama! Ikaw nga yon!! Bwisit kaaaa!!! Yaaaaaa!!" Sigaw lang sya ng sigaw habang hinahampas ako.