Thalia's POV
Pasukan nanaman bukas :((( Haaaaay. Sana magising ako ng maaga. My body clock's freaking crooked.
K-I-N-A-B-U-K-A-S-A-N
Bago pa man mag-alarm ang phone ko ay nagising na ako sa tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan at sa malambing na boses ni mommy. "Baby, wake up na."
Agad naman akong napabangon at humikab. "Gising na po" Medyo inaantok ko pang sabi habang kinukusot-kusot pa ang mata.
"Dalian mo na dyan ha? Baka malate ka, first day pa naman." Sabi ni mommy at narinig ko na yung mga steps nya pababa ng hagdan.
Tuluyan na akong bumangon at nag-stretching ng kaunti. "Okay po"
Chineck ko yung phone ko at nakita ko yung text ni Chii, sabi dun sa text nya, hintayin ko daw sya. Wag daw ako papasok sa room ng hindi sya kasama. Nireplayan ko na lang sya ng "K." Haha
So yun ginawa ko na yung mga morning rituals ko :D Tapos nagpahatid na ako sa school.
Pag-dating ko ng school ay nag-aalangan pa ako kung papasok na ba ako talaga o hihintayin ko muna si Chii at sabay kaming papasok sa loob. Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan kong pumasok na at umupo sa unang bakanteng bench na nakita ko dahil muka akong tanga dito sa labas ng gate. Pag-pasok ko ng school...
'AWKWARD -_________- Loner ang peg ko! Haha matext nga 'tong bwisit kong best friend! XD
To: Chii
"HOY BUENCARILLO BWISIT KA! ASAN KA NA? BAGAL MO FOREVS KAIYAK."
From: Chii
"HOY KA DIN! HAHAHA OO NA ETO NA! MALAPIT NA'KO."
Bagal talaga nun kahit kelan -_____- Edi yun nga, habang hihintay ko sya. Umupo ako dito sa may bench.
'Makapagsountrip na nga lang muna.
Ganda ganda ng pagsasoundtrip ko nung biglang may tumayo sa harap ko. Nakaupo ako diba? Kaya tiningala ko sya.Tinanggal ko yung earphones ko.
'Sino naman 'tong isang 'to? Bat naka cap at mask? Tsk at wag ka! Nakajacket pa! Hahahaha init init sa pinas eh Hala teka! baka holdaper 'to! Omg paano sya nakapasok dito?!!!!
"Hi" sabi nung lalaki na nasa harapan ko. Tiningnan ko lang sya at dahan-dahang tumayo at sabay nanghatak ng inosenteng estudyante na dumaan.
"Uy Babe! Andyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay." Pagbati ko dun sa estudyanteng nahatak ko sabay kapit sa braso nya. At unti-unting lumayo dun sa lalaki.
Naglakad lang kami ng naglakad. Ang layo na pala ng narating namin. Nandito na kami sa may fountain. Napatingin ako sa kanya at nagtataka din syang naka-tingin sakin. Tumingin sya sa braso nya at napatingin din naman ako. At di ko namalayan na naka-kapit pa din pala ako sa kanya. Agad naman akong bumitaw at medyo lumayo sa kanya.
Napa "hehe" na lang ako sabay peace sign
'Okay ang awkward haha
Nakatingin lang sya sakin. At mukhang tangang nakatingin lang din ako sa kanya. "Omg sorry! Sorry talaga kung nahatak kita. Natakot lang talaga ako dun sa lalaking lumapit sa akin kanina."
"O-Okay lang." Medyo nauutal pang sabi nya sabay nag-iwas ng tingin.
"Anyways, I'm Thalia." Sabay abot ko ng kamay.