One week na ang nakalipas nang makabalik na sila mommy and Namjoon Oppa dito sa Pinas. Naikwento din ni oppa na may group daw sila. At wag ka! Sikat daw sila sa Korea! At dito din daw sa pinas *pero di ko kilala hahaha*
Sa mga nagtatanong pala, pinsan ko po si Namjoon oppa! Hahaha yass! he's my cousin. Close lang talaga kami masyado. Hahaha lagi nga kaming napagkakamalan na magbf/gf noon.
Isang buwan na lang din at pasukan nanaman -_____- hay nakoooo. Senior na pala ako sa pasukan.
"Hoy bilisan mo nga!" Sigaw ni Chii sakin.
'Bwisit naman 'to! Ang aga aga ang ingay ingay.
Tinakpan ko yung tenga ko ng unan. pero hinatak naman din nya.
"Ano ba ang aga aga pa eh" Kinuha ko yung kumot tapos nagtalukbong.
"Anung maaga? 10 na kaya! dali na bangon na dyan" Tapos hinatak nya yung kumot ko
"Kainis naman eh. Bakit ba kasi nambubulabog ka!" Umupo na ako habang kinukusot kusot pa yung mata.
"Diba gagala tayo? Dalian mo na."
"Buset ka naman Chii! Diba sabi ko sayo di ako sasama. Tinatamad ako. At saka sinira mo yung tulog ko! Aish~"
"Dali na! Minsan lang eh" tapos nagpout sya."Eew Chii! Tigilan mo nga yang pagpapout mo! Nakakaumay"
"Tara na kasi. Mamaya ka na lang ulit matulog" nakapout pa rin sya. Yak.
"Hays. Oo na sige na! Tigilan mo lang yang kakapout mo."
"Tsk. Oo na dali na maligo ka naa!" Tapos tinulak na nya ako papuntang banyo.
After 143314 years natapos na din ako maligo :) Hahaha joke lang
"Hoy bakit kinakain mo yang chocolate ko?!!"
"Ang tagal mo kasi maligo kaya kumuha ako ng makakain dun sa mini ref mo" sabay nag-peace sign sya
"Di ka naman feel at home sa kwarto ko no?" I rolled my eyes
"Haha. Ganun talaga! Oh ano tara na?!"
"Tae ka, di pa nga ako kumakain eh! Ikaw ba nagluch ka na? Halika dali dito ka na kumain" Tapos hinatak ko na sya palabas ng kwarto at tinulak sa hagdan! Hahaha joke lang
*FF
Nandito na kami sa Mall.
"Hoy ano bang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang sya excited na excited sa pagpunta sa.....event center? "Hoooy!!!!" Lumingon naman sya tapos lumapit sa akin saka ako hinatak
"Ano ba bessy ang bagal mo naman!" Napairap na lang ako habang hinahatak nya ako papuntang event center.
'Ugh. Ano ba kasing trip netong si Chii?! Ano namang gagawin namin dito?
Chii's POV
Hello I'm Chii Buencarillo! Nandito kami ngayon ni Thalia sa Mall. Inaya ko sya para manggala pero pumunta talaga kami dito para panuorin yung BTS:"> Omg! Matagal ko na kasing gustong makita sila lalo na si Joonie my love so sweet :">
"Bakit ba kasi tayo nandito sino bang papanuorin mo? Kainis naman 'to" Nandito na kasi kami sa harap ng event center. Infairness marami-rami na ring tao.
"Bessy kasi ano... Ahh ano kasi eh" Tae di ko alam sasabihin ko. Di naman kasi sya mahilig pumunta sa mga ganto eh.
'Tsk. Paano ko ba sasabihin? :((