Chapter 1

6 2 0
                                    


Syra's point of view

Nakahalumbaba akong nakatitig sa blackboard kung saan may isinusulat ang teacher namin.

Hindi ba alam sa sarili ko, kapag oras ng klase niya parati nalang akong inaantok, pinipilit ko namang makinig, pero ayaw talaga.

Im now 4th year sa juniorhigh...isang kembot nalang at marami pang buwan ay mag s-senior high na ako.

Ang bilis ng panahon, hindi ko pa alam ang kukunin kong kurso, ays!

Bumaling ang tingin ko sa basketball court  sa labas, naka upo pala ako sa tabi ng bintana kaya nakikita ko ang court at ibang buildings.

Ang daming tao sa court ah, bakit kami wala don?

Nakakatampo naman, nag pout ako at binalik ang tingin sa notebook,  tignan mo nga naman. Sobrang linis ng notebook, walang kasulat sulat.

Isinara ko ang notebook at muling binalik ang tingin sa court, halos mapatalon ako sa kinauupuan ng may nagsalita sa tabi ko.

"May bumihag naba sa puso mo?"  tanong ni Xhy at tignignan ako ng nakakaasar.

"Xhy, it's not what you think it is" i rolled my eyes, while she chuckles softly.

"OMG, girls what do you think they're doing?" Reyn ask.

Napasulyap ako sa court, madaming tao and karamihan doon ay black and gold ang kulay ng p.e uniform.

They are senior high, that's their official color.

While all the 4th year are Navy blue and spring green, p.e namin.

"Is that a basketball players?" tanong ni Xhy na ang tingin ay nasa basketball court.

"May laro sila?" taka kong tanong.

"Tsk tsk iwasan ang mga basket ball player, Syra" pabirong wika ni Reyn.

Iwasan.

I know...i tried.

"Doon tayo sa football player!" masayang wika ni Xhy.

"Ang sabihin mo, gusto mo si Zyrus!" nakangising pangaasar ni Reyn kay Xhy.

"Ay Xhy, sinasabi ko sayo overload na ang pila diyan" pabiro anong nainis sakanya pero alam na nila kung ano ang ibig kong sabihin.

Naramdaman ko pa na nagtitinginan sila at para bang nag uusap sa mga mata pero hindi ko na pinansin 'yun.

"Gusto mo parin ba si Acxel?" biglaang tanong ni Xhy.

Hindi ako nakaimik at nakatitig lang sa kawalan. Hindi ko na pinansin ang tanong niya,hindi ba obvious? at oo siya parin ang hinahanap ng puso ko! kahit hindi niya ako kayang mahalin. Rinig ko ang bugtong hininga ni Reyn.

"Tara, lunch tayo?" aya ni Reyn.

Sabay kaming tatlong umalis ng room at dumiretso sa canteen.

Hindi ako bumili, kailangan kong ubusin ang pagkain na iniluto ni papa para saakin, para hindi masayang at alam kong pinaghirapan niya ito.

Umupo kami malapit sa bintana ng canteen kung saan hindi kalayuan ang court, ang mata ko ay kanina pa malikot, hindi ko na itatanggi. May gustong hanapin ang puso ko, ngunit wala siya.

"Baka naman mabali ang buto mo sa leeg" ani ni Reyn.

Umiwas kaagad ang tingin ko sa court ng napansin kong nandon na siya, siya.

May kasamang ibang supporter.

Akala ko, ako lang?

Delulu ko naman masyado, ito ako umaasa parin sakaniya. Alam kong hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sakaniya. I always confess my feelings to him, but he always says no. I just want him to open he's heart for me...just once.

Just once...but forever.

Kahit hindi naging kami, he's a betrayal.

After all that, i tried to move on and  learned how to love myself.

But still, nothing change...my brain forget him, but my heart didn't.

"Tititigan mo nalang ba ang pagkain mo, gurl?" tanong ni Reyn.

Nagulat ako at hindi napansin na kanina ko pa tinititigan ang pagkain ko, agad akong sumubo at ninamnam ang pagkain ko.

"We already told you, Syra" malambing na wika ni Xhy.

"May gusto na siya sa iba diba? at bakit kasi ayaw mo tanggapin na hindi ka niya kayang mahalin" Inis na sinabi ni Reyn.

Hindi na ako umimik dahil nasasaktan ako sa mga salitang iyun.

Alam ko, hindi na kailangan i remind pa...

"Try mo kaya uli magmahal? malay mo makawala ka na sa rehas na ginawa mo...huwag mo na ikulong ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto" ani ni Xhy.

Hindi ko kailangan ng ipapalit kay Acxel.

Siya na talaga eh! pero ayaw, hindi gumana ang lahat ng efforts ko.

Lagi nalang ayaw, laging hindi pwede.

It's been 3 years but im still into that person.

"Malay niyo right person but wrong time diba?" sabi ko para isalba ang emosyon ko sa taong yun.

Tangina, bakit kasi sinasabi niyang hindi niya ako gusto? pero noong mga gabing yun nangako siyang papakasalan ako!?

I fall to his trap.

His love trap.

Shit! why did you do this to me!

Nagpalit palit ang tingin naming tatlo, at sila ay parang hindi natuwa sa sinabi ko.

"You didn't mean that, aren't you? Syra...lason na siya sayo" ani ni Reyn.

Alam ko ang pinapahiwatig nila, hindi na talaga pwede. Wala ng pag-asa at yun na yun.

"Gusto ko maging masaya" bulong ko na saktong narinig naman nila.

"Hindi ka niya kayang pasayahin" sagot ni Xhy.

"He already did!" pilit ko.

"Then what? you will fall to his lies again? you don't deserve him...now move on, marami ka pang mahahanap na iba diyan" wika ni Reyn.

Napabugtong hininga ako, wala na akong laban kung silang dalawa na ang umaayaw kay Acxel, besides i also want to move on...

Promise mag m-move na talaga!

Until Then (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon