Sa sobrang tagal na naming hindi nagpapansinan ay hindi ko aakalain na pinaglaruan nanaman ako ng tadhana. Ngayon nalang uli kami nagkita, wrong timing pa."S..sorry, nagmamadali kasi ako" mahinhin akong nagpaumanhin.
"Kahit na, sakto lang naman siguro ang laki ng mata mo para makita ang dumadaan sa paligid mo" naramdaman kong bumigat ang dibdib ko ng sabihin niya iyun ay may bakas ng galit. Hindi ko naman sinasadya na mangyari iyun.
"Look...if gusto mo nanamang magpapansin saakin, i already told you na wala kang pag-asa saakin" napatigil ako at napatitig sakaniya. Oo, alam ko naman. Hindi ako nagpapapansin, okay? matagal na nating iniwasan ang isa't isa. At alam ko sa sarili ko na iniiwasan na kita.
"Tsk" inis ako nitong tinignan at tinalikuran ako upang magpatuloy sa paglakad.
Naiwan akong tulala at walang nasabi. Parang ako nanaman ang may mali, nag sorry naman ako ah? hindi ba pwedeng tanggapin niya nalang?
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, halo halo ang inis at lungkot ng ganon siya magsalita saakin. Napasabunot ako sa sarili kong buhok at napapikit ng mariin.
Naisip ko ang mga nangyari kanina, Ang malas naman ng araw na ito.
Napabugtong hininga ako at naglakad papuntang classroom.
"Oh, ang aga aga at nakasimangot ka?" takang tanong ni Reyn ng pumasok ako sa loob ng classroom, dumiretso ako sa seat ko at muling bumugtong hininga na parang napagod.
"Girl, are you okay?" nag aalalang tanong ni Xhy.
"Nagkita kami ni Acxel..." bulong ko na saktong narinig naman nila.
Napansin ko silang nagdapuan ng tingin at para bang may sinasabi gamit ang tingin nila ngunit hindi ko maintindihan.
"Sy, nakita namin si Axcel kahapon—"
"Pst! wag na" rinig ko bulong ni Reyn kay Xhy upang tumigil ito sa sasabihin niya.
"Huh? huwag naman kayong ganiyan, kapag ako hindi nakatulog mamayang gabi huh" sinimulan na nila, dapat taposin na at baka sa sobrang pagtataka ko at kainin na ako ng kuryusidad ko ay hindi ako makapagpokus.
"Ito na nga" umupo si Xhy sa harapan ko at hininaan ang boses.
"We saw Axcel with another girl yesterday, we don't want to tell you kasi you said you don't want him anymore diba?" kwento ni Xhy.
Napaiwas ako ng tingin at napatitig sa kamay ko na nakapatong sa table ko.
Hindi ko na siya gusto, pero ng marinig ko iyun. Nakaramdam ako ng selos. Dapat ako yun eh, dapat ako yung kasama niya kahapon. Dapat ako yung nakikita ng mga tao na kasama ni Acxel.
"Who?" nagulat sila sa tanong ko.
Reyn clear her voice and whispered something to me.
"He's with Blanca" napatigil ako ng marinig ang pangalan na iyun.
Sa lahat ng pwedeng niyang piliin yung masama pa yung ugali?!
"Ahhh" tanging salitang lumabas sa bibig ko, binigyan ko sila ng blankong ngiti at muling umiwas ng tingin.
Napatingin ako sa bintana ng simulang umulan ng malakas.
Haloh shucks, hindi ako nakapag dala ng payong.
Uwian na ay hindi parin humihina ang ulan, jusko. May bagyo ba?!
BINABASA MO ANG
Until Then (On going)
Teen FictionA JHS student name Catalina Syra Castillo, who can't move on from she fall for, that man making promises he can't fulfill, Then Syra learned how to love herself and didn't open her heart for anyone. Until she met a from SHS student, who is a Preside...