"Sino 'yun anak? boyfriend mo?" nagtatakang tanong ni papa na nasa harapan ng bahay namin at hinihintay ako nitong dumating.Paano ba naman kasi, pinagbuksan pa ako ng pinto ng kotse ni Hanz. Andaming alam, tapos nakita kami ni papa. Napagkamalan pa tuloy.
"Mabuti naman at naka move on kana sa tarantadong Axcel na yun!" Inis na binaggit ni papa sa pangalan na iyun.
Oo, alam ni papa ang tungkol doon. May alam si papa na gusto ko ang taong iyun, dahil sa gabi gabi nalang akong napapansin ni papa na umiiyak at malungkot.
"Pa...hindi p—"
"Opo, ipinapangako ko po sainyo na hindi hinding ko gagawin sakaniya ang ginawa sakaniya ng tarantadong Axcel na yun" nagulat ako ng putulin ni Hanz ang sinasabi ko.
Nakaramdam ako ng init ng ulo sa mga sinabi niya, tinitigan ito ng masama, anong pinapahiwatig nitong lalaking to? nakakalimutan niya ba na nakatapak sya sa bakuran namin at baka matadyakan ko siya sa pinagsasabi niya?
"Pa..." muli akong napatigil ng bigla akong dapuan ng malamig na tingin ni Hanz. Gusto kong mag explain kay papa ngunit may tumigil saakin. Hindi ko na ito tinuloy at hindi matulongan ang sarili.
Muli nanamang bumagsak ang malakas na ulan.
"Oh sya! hali na kayong dalawa sa loob at pinaglutoan ko pa naman ang anak ko ng sinigang, dito ka narin maghaponan at para mapagkwentohan pa natin yang lovelife niyo ng anak ko" Bumagsak ang panga ko sa nga pinagsasabi ni papa.
Wala akong boyprend huhu!
Nakatingin ako kay Hanz ng sumilong kami, ineexpect ko na hindi siya papayag dahil gabi na at baka hanapin siya sa bahay nila.
Napapikit ako ng mariin ng hindi pa nagsasalita si Hanz ay hinila na ni papa ito papasok ng bahay at pinaupo sa hapag kainan.
Jusko! ano ba itong pinasok mong mundo Hanz? bakit ka naman nag sinungaling peste ka!
Ibinaba ko ang bag ko sa mahabang upuan namin na kahoy habang ang mata ko ay nakatitig ng masama kay Hanz.
"Anak, kain na" alok ni papa na tinangoan ko na may kasamang ngiti at dumiretso na kaagad doon.
Gusto ko sanang lumayo kay Hanz ngunit si papa ay pinagtabi kami nito.
"What is this?" bulong saakin ni Hanz at nakatingin sa mangkok na may sinigang na isda.
"Hindi ka pa ba nakakakain niyan?" bulong ko pabalik.
"I'll give it a try" tugon nito.
Hinintay namin si papa, na umupo sa harap namin bago kami mag dasal. Nagdarasal muna kami bago kumain bilang pasasalamat sa biyaya na natanggap namin. Sumabay naman si Hanz.
Pagkatapos magdasal ay sinimulan na namin ang kain.
"Saan pala kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong ni papa.
Napatahimik si Hanz kaya inunahan ko na ito.
"Hindi ko po siya boyfriend pa, he's my—"
"Manliligaw" bilis akong napalingon kay Hanz ng banggitin niya ang salitang iyun.
"Manliligaw po" paglilinaw nito.
"Anak?" taka akong tinignan ni papa habang ang kaniyang hintuturo ay nakaturo kay Hanz, bigla akong kinabahan sa kung ano mang lalabas na salita sa bibig ni papa. "Buti pa itong ipinagpalit mo ay naisipan mangligaw, hindi katulad nong Axcel na hindi man lang naisipan ligawan ka" wika ni papa at napailing iling ito.
"Naging sila po ba ni Axcel?" takang tanong ni Hanz kay papa.
"Hindi naging sila, ugok yung lalaking yun, ewan ko ba dito sa dalaga ko ang pangit ng taste!" sagot naman ni papa na ikinairita ko.
"Pa...tama na yan at kumain na tayo" Putol ko ng muli nanamang magsalita si papa.
Napansin ko si Hanz na tinititigan lang kami ni papa na kumukha ng ulam, ako na ang nagkusa at sinandokan siya ng bigla nitong kunin ang sandok sa kamay ko at ang akin ang una niyang nilagyan ng sabaw ng sinigang.
"Ladies first?" bulong nito at dahan dahan lumabas ang mga ngiti nito.
May pa ladies first kineme pa itong lalaking ito, hindi ko tuloy maisip kung nagpapakitang tao lang ba ito sa harap ni papa.
"Oo nga pala, anong pangalan mo hijo?" tanong ni papa.
"Hanz Luciano Ferguzon po" pagpapakilala nito.
"School president namin siya pa" dugtong ko sa sinabi ni hanz.
"Ahh, alam mo simula ng makita kita kanina parang may kamukha kang artista" wika ni papa.
"Himala at nag improve ang taste mo anak" pagbibiro ni papa.
"Pa..." napatakip ako sa kalahati ng aking mukha dahil sa naramdaman kong hiya.
Pogi naman kasi si Axcel ah?!
Natapos kaming kumain at inayos na namin ang hapag kainan, nagulat ako ng biglang magsabi si Hanz na siya na raw ang maghuhugas ng plato.
Sa itsura niya, mula ulo hanggang paa, halatang hindi pinaghuhugas sakannila. Bakit naman dito? hindi ko ito pinayagan dahil bisita siya at dapat nagpapahinga na siya para makaalis na siya dito saamin.
Pagkatapos namin maglinis ay masayang itinuro ni papa ang baboyan niya sa likod ng bahay. Kahit madilim na ay meron parin namang liwanag galing sa buwan. At sa mga ilaw din na inilagay ni papa, para madaling makita ang mga ito.
Naiwan kami ni Hanz na nakatayo at pinagmamasdan si papa.
"Gaano mo kamahal si Axcel?" biglang tanong ni Hanz.
Tinignan ko ito ng saglit at umiwas ng tingin, sa lahat ng mga tanong na pwedeng itanong bakit yan pa? syempre, kahit ano mang sabihin ni papa dun. Mahal ko padin siya, kailangan kong ipaisip sakaniya na iisipin niya din ako someday.
"More than pa siguro kong paano ko mahalin ang sarili ko?" patanong kong sinabi, hindi ako sure. Hindi ako sure sa ngayon na nadadama ko, i think im slowly healing, kahit ayaw ko. Kahit gusto ko yung taong yun.
Napatahimik kaming dalawa at nakatitig lang kay papa na may ginagawa.
"Thank you for the wonderful food...sinegang? and i really enjoy it" pagpapasalamat nito.
Kung dika lang pumayag wala sigurong palamunin, charot!
"I appreciate it, thank you din kasi hinatid mo ako" nginitian ako nito at sinuklian ko naman iyun.
Baliw talaga to, kapag ngumingiti akala mo may nakakatawa, jokeski ang dami ko pang sinabi pwede namang sabihin nalang na...
Ang cute ng ngiti mo kuya.
BINABASA MO ANG
Until Then (On going)
Teen FictionA JHS student name Catalina Syra Castillo, who can't move on from she fall for, that man making promises he can't fulfill, Then Syra learned how to love herself and didn't open her heart for anyone. Until she met a from SHS student, who is a Preside...