Maling Akala (chapter 3)

112 1 0
                                    

Reminder: I don't own any picture posted.

--¤¤¤--

Maling Akala (Chapter 3)

Justine pov

At dahil sa sobrang gulat ko sa mga pangyayaring tila ako ay naging bato, napanganga at na tulala sa aking nakikita hindi ko na nagawa pang magtakip ng mata.

Hindi naman alam ni Mark ang kanyang gagawin sa mga oras na ito hindi niya alam kung pupulutin niya ang towel or magtatakip siya gamut ang kanyang mga kamay

Bigla ding naalis ang titig ko kay Mark ng may yumakap sa baywang ko at may isang babaeng nagsalita dahilan ng paglingon ko sa kanya

"Magkakilala na pala kayo, Allexa come here."sambit ng matandang babae na patungo sa kinatatayuan ko

"magka..ka...klase po kami" nauutal kong sabe sa kanya

"Ah really so my friend na ang anak ko sa school." sambit naman ng matandang babae

"No ma, he is not my friend. He is one of my stalker or admirer something like that." Sabat naman ni Mark, na nakapagtakip na  muli siya ng puting towel.

"What ang kapal talaga ng bungo nitong lalaking to!"pabulong kong sambit.

"Well its ok, there's nothing wrong with that sooner or later magiging magkaibigan din kayo and by the way, I am Maria Alejo and this little girl is Maria alexa Alejo and you?" sambit nito at sabay hawak sa kamay ko si Alexa naman ay kinuha ni manang gie

"Mrs. Alejo, Ako nga po pala si Justine Anthony Cruz taga kabilang bahay lang po ako." Sambit ko kay Mrs. Alejo

"Call me Tita nalang napaka formal naman ng Mrs. Alejo besides kaibigan ko naman ang mama mo kaya you can call me Tita Maria." sambit nito at sinenyasan ako nita gamit ang kanyang kamay na maupo muna kami

Habang nagkkwento si tita maria may isa pang  binata na lumabas sa isa pang kwarto na katabi kung saan lumabas kanina si Mark sa bahay at ikinagulat ko kamukhang kamukha ito ni Mark. Buhok lang ang isang bagay na pagkakaiba nila pero hawig sila parang nakikita ko si Mark sa kanya habang nakaharap ito sa salamin sa sobrang magkamukha sila.

Nakita ni Tita ang lalaki at tinawag nito sa pangalang Marco. Pinakilala ako ni Tita Maria kay Marco at sinabihan ako nito na kakambal daw ni Mark si Marco kaya naman pala magkahawig na magkahawig sila

Si Marco katulad din ni Mark, Maputi, Matangos ang ilong at nasa 5'7 ang hight at may hubog din ang katawan nito. ang pinag kaiba lang nila ay si Mark badboy looks ang buhok at si Marco naman nerdy looks pero talagang pinagbiyak na punong kahoy ang dalawa dahil sa magkamukhang magkamukha sila.

Habang pinagmamasdan ko siya kahit na magkamukha sila ni Mark hindi mabigat ang pakiramdam ko sa kanya hindi katulad kay Mark kumukulo ang dugo ko sa kahambugan nito.

Matapos ipakilala ni tita maria si Marco lumapit ito sa akin at kinamayan ako at muling nagpakilala syempre nagpakilala din naman ako. Ang lambot ng kamay nito pero parang nagyeyelo sa lamig dahil sguro sa malamig sa bahay nila.

Sa tingin ko gentleman si Marco kesa kay Mokong Mark makikita mo ito sa kilos niya. Habang hawak hawak pa nito kamay ko bigla naman sumabat ang moko na si Mark at sabay sabing...

"Marco he is my stalker or Admirer." pagsabat ulit naman ni Mark na ikinabaling ang tingin sa kanya at binitawan na din ni Marco ang kamay ko.

Bumaling ulit ang tingin ko kay marco ng muli itong magsalita.

"I think, I  remember you, ikaw yung nabasa dahil sa pagdaan ng sasakyan sa harap ng school, right?"sambit ni marco

Nagulat naman ako sa sinabi nito bakit alam nito na nabasa ako sa pagdaan ng isang kotse sa harapan ng school medyo nahiya ako pero bumalik sa akin yung motor na nakapark sa garahe nila kaya't...

Maling Akala(BL stories)Where stories live. Discover now