Maling Akala chapter 11

65 0 0
                                    

Reminder: I don't own any picture posted.

Justine pov

Matapos ang ilang minuto dahan dahan kong tinangal ang kumot na nakatakip sa aking mukha, nilibot ng aking mga mata ang kabuoan ng cottage ngayun ako na lang talaga ang naiwan sa lugar na iyun.

Hindi parin ako tumayo sa pagkakahiga ko ng biglang bumukas ang pinto at sa pintung iyun ay iniluwa nito si Ghen and Priincy.

Nilapitan ako ng dalawa at umopo sa aking kama.

"Oh friend bakit namumula ang mga mata mo? Sambit ni ghen

"Umiyak kaba?"sambit naman ni Priincy

"Ah hindi sobrang pagtulog lang to."pagsisinungaling ko sa kanila.

"Osya sge tama na ang kakahiga magtatanghalian na tayo."sambit ni priincy

"Oo nga tara gutom na ako."sabat naman ni ghen

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at lumabas na kami sa cottage at tumungo sa venue ng Resort lahat ng mga studyante ay masayang  na nananghalian sa mga oras na iyun.

"tara doon ang pila ng pagkuha ng pagkain."sambit ni ghen na agad naman kaming pumila sa dulo upang makakuha na kami ng pagkain.

Mga HRM student ang mga nagsasandok ng pagkain para sa mga pumipila ngunit wala si Marco sa venue.

Matapos kaming kumain pinuntahan na namin ang aming Guro na si Ms. Pinpin upang magawa na ang dapat i prepresent bukas ng umaga para sa mga kapatid nating Aeta.

Lahat kaming mga Educ student ay nagtulong tulong para sa presentation bukas ng umaga.

Napagpasyahan ng aming guro na sina Mark, Ghen at si John ang magprepresent bukas..

"Lets call it a night"sambit ng aming guro ng matapos namin ang dapat tapusin mag aalas otcho na ng gabi natapos ang paggawa namin ng presentation. At kanya kanya ng nagalisan ang mga classmate ko para makapagpahinga na.

"Uhm.. justine tulongan mo na lang akong magbuhat ng mga papers na ito."sambit ni Ms. Pinpin

Kaya tinulongan ko ang aming guro sa pagbitbit ng mga papers patungo sa cottage ng mga guro.

Matapos kong tinulongan si Ms Pinpin naglalakad ako ngayun patungo sa cottage, pagdating ko sa cottage nakita kong si Marco na nakasandal sa may malapit na pintuan ng aming cottage habang pinabatyak ang mga bato sa lupa.

Ng makalapit na ako sa kinatatayuan nya iniangat nito ang mukha nya at kitang kita sa kanyang mukha na may gumugulo sa isipan nito

"Gabi na ano pa ginagawa mo dito?"sambit ko sa kanya.

"Magusap tayo." Sambit nito.

"Hindi pa ba tayo naguusap?"sambit ko

"Magusap tayo sa ibang lugar." Sambit nito at hinila ako at napadpad kami sa isang lugar na may swing umupo kami sa may swing at nagusap.

"Bakit hindi ako ang nilapitan mo kanina at si Flores pa ang nilapitan mo."sambit nito na may halong kalungkutan.

"Ikaw ang lalapitan ko pero nakita kong masaya kang nakikipag usap kay katrina na."sambit ko na nagiba ang expression ng mukha ko.

Tumawa lamang ito ng malakas at lumapit sa akin at iniangat ang mukha ko ngayun kitang kita ko ang kabuoan ng mukha ni Marco.

"Yun ba, nagselos ka ba."sambit nito.

"Bakit may dapat ba akong ikaselos."sambit ko at  yumuko.

Iniangat naman muli nito ang mukha ko at sabing..

Maling Akala(BL stories)Where stories live. Discover now