Maling Akala chapter 5

79 1 0
                                    

Reminder: I don't own any picture posted.

Nakapagpalit na ako ng damit at nasa sala kami ngayun nila Marco kasama sina Tita Maria, Allexa at Mark.

Nakaupo ako sa kanang side ng sopa kasama si baby Allexa na natutulog na sa may sopa, si Marco at Mark naman nakaupo sa kaliwang side nakatitig si Marco sa akin ako naman naiisip parin ang pagtatapat ni Marco tama ba na manligaw siya yan ang mga katagang gumugulo sa isipan ko.

"Marco anak buhatin mo na si baby Allexa sa kwarto nya." Utos ng kanyang ng tita, na agad naman nitong sinunod, lumapit si Marco kong saan ako nakaupo, bago pa buhatin ni Marco si baby Allexa tumitig ito sa akin...

"Ikaw hindi ka pa ba inaantok?"tanong nito, umiling lamang ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Oo nga pala Justine dito kana matulog wala kang kasama sa bahay baka mapano ka dun tatawagin ko na lang ang Mama at Papa mo."sambit ni tita.

Nagulat naman ako sa sinabi ni tita kaya hindi na ako nakapagsalita, ngunit may bumabagabag sa isip ko kung dito ako matutulog nakakahiya naman.

"Hayss wag kang mahihiya alam ko ganon ang iniisip mo ngayun." Sabat muli ni tita Maria at si Mark naman napatitig lang ito.

"Hayss kainis naman bakit ganun na lamang siya tumitig sakin."

"Wait lang Justine tatawagan ko na Mama at Papa mo."sambit ni tita at umalis uto patubgo sa may kwarto nito.

Naiwan na lang kami ni Mark sa sala at si Marco naman ay dinala na si baby Allexa sa kwarto nito.

Nagfocus na lang ako sa panonood ng tv hanggang nakadating na si Marco at tumabi sa may kinauupuan ko.

"Oh dito ka na raw matulog , gusto mo tabi tayo?"nakangiting sambit nito

Dali dali ko siyang binatukan kase naman nakakahiya kay Mark di pa nila alam na nanliligaw ito sakin at baka ano pa isipin ng mokong kapag nagkataon at nanliligaw palang tapos may tabihan na sa pagtulog na magaganap.

Matapos ko diyang binatukan tumawa lang ang mokong at sa may likod namin nandoon na pala si tita.

"Justine pumayag na mama at papa, tutal hindi rin daw sila makakauwi ngayun kaya dito kana matulog."sambit ni tita.

"Sge po salamat."yan lang ang aking na sambit, tutal pumayag naman na ako kanina at para na din  hindi na rin magalala ang papa at mama ko.

"Mark itabi mo na lang si Justine sa kama mo." Sambit muli ni tita na ikinagulat namin tatlo.

"What,po,ah."yan ang mga salitang lumabas sa bibig namin ng mga oras na iyun.

"Ma bakit sakin pa?"naiinis na tanong ni Mark

"Singel bed lang yung kay Marco yung sayo king size bed kaya sayo siya tatabi."sambit ni tita Maria

Wala naman din akong magagawa at ganun din si Mark at Marco kaya nag agree na lang kami kay Tita Maria. Nahihiya man ako sa nagaganap wala naman din ako magawa naka oo na ako na dito matulog hindi ko na mababawi iyon pero sa oras na iyun iniisip ko na bakit kay mokong pa ako tatabi sakabilang banda maganda na din yun kesa kay Marco ako tatabi baka ano pang mangyare lalu na itong isa umamin na may gusto sa akin. Gusto ko din naman siya pero mabilis naman kung agad ko siyang sasagutin.

"Oh sge tapusin nyo na ang panonood tapos magsipagtulog na kayo may pasok pa kayo bukas." Sambit ni tita at umakyat na sa taas para matulog.

"Sayang."pabulong na sambit ni Marco na kitang kita sa mukha nya na disappointed siya sa nangyare.

"Anong sayang"pabulong kong sambit at binatukan ulit sya.

Nanahimik lang kami ng napansin naming nakatitig si Mark saamin, kainis naman kasi tong si Marco napaka showy nya.

Maling Akala(BL stories)Where stories live. Discover now