Maling Akala Chapter 1

344 6 2
                                    

Minsan naisip mo bang ang taong nakalaan sayo ay nasa paligid mo lang katabi, kausap, kasama mo na hindi mo namamalayan.
Naisip mo bang habang ikaw ay naglalakad sa isang daan na kung saan napakaraming tao ang iyung nakakasabay isa sa mga iyun ang dahilan kung paano mo makikilala ang "FOREVER "mo.

---¤¤¤¤---

Reminder: I don't own any pictuer posted.

---¤¤¤¤---

Maling akala(Chapter 01)

Justine pov

Ako nga pala si Justine Anthony Cruz, Justine for short, 18 years old, lumaki ako sa simpleng pamumuhay nakatira kami ng aking Mama at Papa sa Pampanga at nagiisang anak lang ako, nasa ika dalawang baitang na ako ng kolehiyo sa kursong Bachelor of secondary education (BSEd) nagaaral ako sa isang pribadong paaralan sa Pampanga.

Nasa 5'6 ang height ko, maputi, chinito, hindi mataba hindi rin payat,average lang hubog ng katawan maganda daw ako este gwapo sabi ng nanay ko ahaha anyway!

Sa unang araw ng pasukan, dahil malayo ang bahay ko sa pinapasukan kong paaralan kailangan ko munang sumakay ng isang tricycle at dalawang jeep. Aabot ang biyahe ng isa at kalahating oras patungo sa aking paaralan.

Nakasakay na ako sa pang huling jeep na sinasakyan ko ng may nadaanan kaming Baked shop.

Mahilig kasi ako sa mga bread o matatamis na pagkain. My sweet tooth ako kaya dali dali akong pumara upang makabili ng tinapay sa bakering iyon.

"Para po" !Ang aking sambit kay manong driver

At sabay baba sa jeep na aking nasakyan at dali dali akong tumungo sa bakery.

Pag katapos kong makabili, nag lakad na ako patungo sa aking paaralan malapit na lang kasi ito sa aking binabaan. Habang ako ay naglalakad, kinakain ko na ang binili kong tinapay (Melon bread)

"hm sarap naman nito."

Habang feel na feel ko ang pagkain sa tinapay na binili, biglang may bumunggo sa aking balikat dahilan upang mahulog ang tinapay na aking dala. Sa pagkabigla ko sa pangyayaring iyon napasigaw ako ng....

"Kuya tingnan mo ginawa mo nahulog tuloy ang dala kong tinapay! Inis kong sambit

lumingon ang binata ngunit walang anuma'y ang binatang nakabunggo sa akin ay itinuloy parin ang paglalakad ni animo'y walang pakialam na parang walang nangyari.

"Kainis! Tinignan lang ako ng mokong na to!"

At dahil medyo malapit na rin ang oras ng aking unang subject na papasukan ( Education Technology) minarapat ko na lang na pabayaan na lang ang nangyari at tinuloy ko nalang ang paglalakad.

SCHOOL

Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako sa aking paaralan sa room kung saan kami magkaklase.

iniisip ko pa din ang binatang nakabunggo sa akin ng mga oras na iyon..

"Sino kaya ang binatang iyon? naalala ko na parang kamukha nya ang uniporme na suot ko at kung hindi ako nag kakamali siya ay nagaaral din dito sa paaralang ito."

"Hmm! Sana di ko siya makita dito, dahil sa kanya natapon ang dala kong tinapay"

Dumating na ang guro ko sa Education Technology kaya naupo na ako sa harapan mas gusto ko kasing umupo sa harap upang maintindihan ang lesson ng aming guro.

Maling Akala(BL stories)Where stories live. Discover now