PROLOGUE

283 15 17
                                    


   "PUTANG INA!" Umalingaw-ngaw ang malutong na mura ni Dagger sa building kung nasaan siya at nakikipag-laban sa limang lalaking tinambangan siya sa kalsada.

Pauwi si Dagger sa bahay nila dahil ipinatawag siya ng Don. Sigurado si Dagger na pag-uusapan na ang plano niyang pag-upo bilang heiress ng clan nila. Alam ni Dagger na ang tumambang sa kaniya ay tauhan ng ibang member ng  clan nila. Maraming tutol sa kaniya bilang heiress dahil si Dagger ang kauna-unahang babaeng uupo para pamunuan sila.

"Siktir git!" muling pagmumura niya, gamit ang lenggwaheng turkish.

Wala na siyang bala at isa lang ang dala niyang baril. Masyado siyang naging kampante na magiging maayos ang kaniyang byahe kaya isang armas lamang  ang kaniyang dinala at isang granada.

Tumingin siya sa bintanang balak niyang  talunin kapag hinagis niya ang granada. Nasa second floor siya kaya't alam niyang mataas ang babagsakan niya, aasa na lang siya sa swerteng mayroon siya.

Nagbilang siya sa kaniyang isipan. Nang tumungtong ng lima ay ibinato niya ang kaniyang isang sapatos sa kaliwang bahagi niya, dahilan para doon  magpaputok ang limang lalaki. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at mabilis na tumakbo palapit  sa bintanang salamin na kaniyang tatalunan.

"Öl, pislikler!" nakangising sigaw niya sabay bato ng granada.

Walang kahirap-hirap na binasag ni Dagger ang bintanang salamin gamit ang pagsipa niya. Tumalon siya at kasabay no'n ay ang pagsabog ng building. Bumagsak siya sa isang sasakyang puti, mabuti na lamang ay na-kontrol niya ang kaniyang pagbagsak, dahil kung hindi mababali ang kaniyang katawan.

Tumayo siya na parang walang nangyari at naglakad palayo doon habang may malaking ngisi. Nang makalabas siya sa eskinita ay tumambad sa kaniya ang mga pulis. Umatras siya para hindi  siya makita ng mga ito.

"Malas," bulong niya bago hubarin ang itim niyang coat na may dumi.

Hinubad niya ang  natitira niyang sapatos. Kinuha niya ang sintas doon at ginawang  pamusod sa kaniyang  mahabang buhok. Huminga nang malalim si Dagger at mabilis na tumakbo papunta sa mga nagkukumpulang tao. Nagkunwari siyang isa sa mga nakiki-usyoso para hindi siya mahalata ng mga pulis.

Paalis na siya sa lugar na 'yon nang makita niya ang isang lalaking nakaitim na nakatingin sa kaniya. Umaktong normal pa rin si Dagger at kumapit sa isang lalaking matangkad na may blonde na  buhok.

"Marry me,"  mahinang sabi ni Dagger sa lalaki bago ito tingalain.

Sumalubong sa kaniya ang kulay silver nitong mga mata. Ang makakapal nitong kilay ay biglang nagsalubong dahil sa kaniyang sinambit. Ang matatangos nitong ilong ay bahagyang kumunot dahil sa pagsasalubong ng kaniyang kilat. At ang mapupula nitong labi ay bigla na lamang napaawang.

"Who are you?" malalim ang boses na tanong ng lalaki.

"Dagger Yusuf." She didn't use her father's surname, she used her mother's surname. Kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil hindi niya pwedeng mabulgar ang tungkol sa pangalan niya. Dagger always used her mother's surname when she's  outdoor.

Ang tanging nakakaalam lang na isa siyang Arslan ay ang clan nila at ang organisasyong kinabibilangan niya. Ang Midnight Oasis. Yeah, Dagger has two personalities, for her protection.

"Hinahabol ako nang pinagkaka-utangan ng Papa ko," sabi niya pa sa lalaki. "I need to hide my identity, mister. Please, help me."

"Are you trying to involve with your life?" seryosong  tanong sa kaniya ng lalaki.

"I'm not," sagot ni Dagger. "I just need you to marry me. May mana akong makukuha kapag nagkaroon ako ng asawa at magagamit ko 'yon para makabayad. Isa pa, I want to have my own family."

Hindi niya alam kung saan niya pinagkukukuha ang mga sinasabi niya. Ang gusto niya lang ay magkaroon nang panibagong identity dahil matinik na siya sa mata ng mga kalaban niya. She wants to build a fake family just to hid her real identity. Kailangan niya ng  bagong pakulo sa buhay niya para rin matukoy niya ang kalaban niya.

"At ako ang napili mo?" tanong nito

Matamis siyang ngumiti at tumango.

Napahinto silang dalawa sa paglalakad nang may tatlong kalalakihang naka-itim ang humarang sa kanilang harapan. Napamura si Dagger sa kaniyang isipan dahil sa inis.  Kung wala lang siyang kasama, kanina pa sabog ang ulo ng tatlong  kalalakihang nasa harapan nila.

"Natatakot ako," pagkukunwari niya at nagtago sa likuran ng lalaki. "I don't want to die, Mister."

"Close your eyes, young lady," malalim ang boses na  sabi ng lalaki.

Agad naman niya iyong ginawa. Tahimik lang ang paligid at wala siyang naririnig na iba maliban sa maingay na bumbero. Maya maya lamang ay may humawak sa kaniyang balikat. She slowly opened her eyes, she saw the man who had silver eyes, staring at her, intensely.

"Okay, let's marry." Kinuha nito ang kaniyang kamay at nilagyan iyon ng bilog na sinulid. "I will prepared the documents tomorrow."

Tumango naman siya. "Thank you, Mister."

"Clive," tipid ang ngiting sabi ng lalaki. "Clive Moore, you're husband."

"Nice to meet you, Clive," nakangiting tugon niya.

Isang ngiti ang binitiwan ng lalaki bago ito maglakad palayo. Nakatanaw lamang  siya sa lalaki hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.  

Dumako ang  tingin ni Dagger sa tatlong lalaking nakahandusay at walang malay. Hindi niya man lang narinig ang daing ng mga ito o ang galaw  ng  mga ito.  Bahagya siyang namangha dahil sa galaw ng lalaking nagpatumba sa mga ito. She knew she needs to investigate about that man. Alam niyang hindi ito basta basta at hindi ito simpleng tao lang. She needs to be careful with her action for her safety.

"One more member for my pretended family and I can start my plan," she said, smirking.

Midnight Oasis: Dagger  ArslanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon