Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng mga ibon sa labas. Ang liwanag ng araw ay pumapasok sa bintana, na nagbibigay ng mainit na pakiramdam sa paligid. Pero kahit na maganda ang umaga, ang isip ko ay punung-puno pa rin ng alalahanin. Nagdadalawang isip ako kung ano ang mangyayari sa akin sa lugar na ito.
Tumayo ako mula sa kama at lumakad patungo sa bintana. Tiningnan ko ang paligid-mga puno, mga puno, at ang tahimik na gubat. Wala akong ideya kung nasaan talaga ako, kundi ang lugar na ito ay nagiging mas nakakatakot sa bawat oras na lumilipas.
Habang nag-iisip ako, narinig ko ang mga hakbang mula sa lukuran ko. Kaya baghagya akong lumingon at si Travis ang papalapit, may dala-dalang tray na may pagkain. "Good morning," bati niya, tila may ngiti sa kanyang mga labi.
"Morning," sagot ko, hindi masyadong sigurado kung ano ang sasabihin. "What's for breakfast?"
Ibinaba niya ang tray sa lamesa kaya naman nakita kong itlog at toast bread na may gatas pa.
Umupo ako sa mesa at tumingin sa tray. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikaila na medyo nagugutom ako. "Thanks," sabi ko, ngunit sa isip ko, hindi ito sapat para makabawi sa lahat ng ginawa niya sa akin.
Habang kumakain, tinanong ko siya, "So, what's the plan today? Are we just going to stay here?"
"Yes, but I'm working on a way to get us out of here," sagot niya. "Kailangan nating maging maingat. I have some contacts who can help us."
"Contacts? What does that mean?" tanong ko, nag-aalala. "Sino sila? Can I trust them?"
"Don't mind them,kumain kana lang." sagot niya, ang tono ng kanyang boses ay nagiging seryoso. "I promise, I won't let anything happen to you."
Naramdaman ko naman na ligtas ako. "I just want to go home," bulong ko, hindi maalis ang pangungulila sa aking pamilya at mga kaibigan.
"Not now. Just trust me," sagot niya, at sa mga salitang iyon, nagkaroon ako ng kaunting kapanatagan. Pero sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong maging handa para sa anumang mangyari.
Pagkatapos ng breakfast, nagpasya kaming maglakad-lakad sa paligid ng bahay. Habang naglalakad, tinanong ko siya, "What's this place, anyway? Why did you choose to bring me here?"
"It's a safe house, far from prying eyes," sagot niya, may halong seryosong tono. "You'll be safe here!"
"Weh? You mean sa gubat na'to? Eh Diba mas maraming wild dito?" Tanong ko.
"Kung merong wild dito, Ikaw lang 'yun!" sagot niya, ang tinig ay nagiging mas mababa.
Pinandilatan ko ko naman siya ng mata kaya napansin ko ang bahagyang pagngisi niya.
Habang naglalakad kami, naiisip ko ang mga panganib na darating, ngunit sa kabila ng takot, may kakaibang lakas ang bumabalik sa akin. "Okay! Nice joke! I'll rate it -10/10! Chee!"
"Biro lang! Masyado ka namang seryoso!" saad niya, at sa mga sandaling iyon, tila may kumiliti sa akin.
Habang naglalakad-lakad ako sa paligid ng bahay, tinatangkang kalmahin ang sarili sa gitna ng sitwasyon, naramdaman kong bumabalik ang aking lakas, kahit papaano. Pero bigla na lang akong natigilan nang makita ko ang isang ahas na mahimbing na nakahiga sa tabi ng daan. Ang katawan nito ay mahaba at may mga matingkad na kulay.
Sa takot, hindi ko napigilang tumawag kay Travis. "Travis! Come here!" sigaw ko, ang puso ko ay nag-uumapaw sa takot at kaba.
"What's wrong?" tanong niya, agad na lumapit sa akin. Pero nang makita niya na yung ahas, nag-iba ang kanyang ekspresyon. "Stay calm, Seah," utos niya, ngunit ang tono niya ay tila panatag parin.
![](https://img.wattpad.com/cover/379325604-288-k593583.jpg)
YOU ARE READING
Dangerous Love [ COMPLETED ]
Roman d'amour»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...