What ifs
Zaira POV
Simula nang naging kami ni Kaelan, iba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng totoong pagmamahal—ang bawat araw na kasama ko siya ay tila panaginip.
Dati, inisip ko na baka hindi kami mag-work dahil sa pilit lang kami ipinakasal ng mga magulang namin, ngunit ngayon… hindi ko inaasahang magiging ganito katatag ang relasyon namin.
Nakaupo kami ni Kaelan sa balkonahe ng bahay niya habang pinapanood ang mga bituin.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat hawak niya, sa bawat simpleng galaw.
"Do you ever think about the what-ifs?" tanong niya, biglang lumalim ang tingin sa akin.
Nagtaka ako sa tanong niya. "What-ifs? Anong klaseng what-ifs?"
"Yung… kung hindi tayo na-arrange ng parents natin," sagot niya, medyo seryoso ang tono. "Kung nagkakilala pa rin kaya tayo ng ganito? Kung mas pinili ba nating makilala ang isa’t isa sa natural na paraan?"
Napaisip ako. "Maybe... maybe not. Pero hindi naman natin malalaman, Kaelan. Ang mahalaga, nandito tayo ngayon."
Hinaplos niya ang buhok ko. "I know. And I wouldn’t change a thing. Pero may mga bagay akong sana hindi ko itinago sa’yo."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
Umiling siya at ngumiti ng bahagya, pero bakas sa kanyang mukha ang lungkot. "Wala, I’m just… thinking too much."
---
Makalipas ang ilang linggo, patuloy ang saya ng relasyon namin ni Kaelan. Bawat araw na kasama ko siya, mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko akalaing ang isang lalaki na tulad niya, isang billionaire CEO na napaka-busy, ay gugustuhin ang simpleng buhay kasama ako.
Isang gabi, nagdesisyon kaming mag-attend ng isang charity gala na inorganisa ng isang kaibigan ni Kaelan.
Siya mismo ang nag-invite sa akin at sobrang saya ko na isama niya ako sa ganitong mga event.
Nakasuot ako ng isang eleganteng black dress habang siya ay naka-formal suit, mukhang mas guwapo pa kaysa dati.
Habang naglalakad kami sa ballroom ng event, halos lahat ng tao ay tumingin sa amin.
Hindi ako sanay sa ganitong atensyon, pero sa tabi ni Kaelan, pakiramdam ko’y hindi ako nag-iisa. Naglakad kami patungo sa mga kaibigan niya, at pinakilala niya ako sa kanila.
"Guys, this is Zaira, my wife," sabi niya, may halong pagmamalaki sa kanyang boses.
Ngumiti ang mga kaibigan niya, at nagsimula kaming magkuwentuhan. Pero biglang naputol ang lahat nang may isang babaeng lumapit sa amin. Maganda siya, matangkad, at kita ko sa mata niya ang tiwala sa sarili.
"I'm sorry," sabi ng babae, tila medyo alanganin. "Hindi ko sinasadya."
"Okay lang," sabi ko, nginitian siya nang bahagya. Pero habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang familiarity.
"Zaira, are you okay?" tanong ni Kaelan, medyo nag-aalala.
"Yeah, I’m fine," sagot ko, pilit na iniwasan ang tingin ng babae. Pero hindi ko mapigilan ang pag-iisip—parang kilala ko siya, o baka naman imposibleng magkatulad lang kami ng iniisip?
Bigla akong natauhan nang marinig kong nagpakilala ang babae kay Kaelan. "Hi, Kaelan," aniya, halos bulong ang boses niya. "I didn’t expect to see you here."
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Kaelan. "Angela… ikaw nga ba 'yan?"
Nanlaki ang mata ko. Angela? Ito ba ang ex-girlfriend ni Kaelan? Hindi ba't sinabi niya na matagal nang namatay si Angela?
Ngunit narito siya ngayon, humihinga at nakangiti, hindi isang alaala kundi isang totoong tao na nasa harapan ko.
---
Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko maiwasang mag-isip nang mag-isip tungkol kay Angela. Parang may mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa nakaraan ni Kaelan.
Sinubukan kong magtanong sa kanya, pero umiwas siya sa tuwing dadalhin ko ang topic na iyon.
Isang gabi, nakaupo ako sa kama habang naghihintay na matapos si Kaelan sa trabaho. Pagpasok niya sa kwarto, tinanong ko siya.
"Kaelan, bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay pa pala si Angela?"
Tumitig siya sa akin at mukhang nahihirapan siyang sumagot. "Zaira, I… akala ko talaga na wala na siya. Sinabi sa akin ng mga kaibigan niya na she died in an accident. I even went to the funeral."
Imposible
"Hindi ko maintindihan," sabi ko, ramdam ko ang sakit sa boses ko. "Paano mo maipaliliwanag 'yun?"
Hinawakan niya ang kamay ko. "I don’t know, Zaira. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon. Pero ang mahalaga ngayon, ikaw ang mahal ko."
"Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?" tanong ko, hindi na mapigilan ang luha na bumabagsak sa pisngi ko.
"I was scared," sagot niya. "Scared na baka isipin mong hindi pa ako over sa kanya. But Zaira, ikaw ang mahalaga sa akin ngayon. I'm with you, and I want us to work."
Pinilit kong ngumiti at inunawa siya, kahit ang puso ko’y naguguluhan pa rin. Alam kong kailangan kong magtiwala sa kanya, pero hindi ko mapigilang mag-alala—lalo na ngayong bumalik na si Angela sa buhay namin.
---
Kinabukasan, sinubukan kong muling bumalik sa normal na araw namin ni Kaelan. Pero habang magkasama kami, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Nakikita ko sa kanya na pilit siyang nagpapakatatag para sa akin, pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat para sa kanya.
Isang gabi, nagpasya akong mag-usap kami nang masinsinan. "Kaelan, gusto kong malaman mo na mahal kita, at kahit may mga pagsubok, handa akong harapin ito kasama ka."
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Thank you, Zaira. Alam kong mahirap ito, pero kasama kita. I won't let anything come between us."
Hinalikan niya ako, at sa gabing iyon, naramdaman kong mas malapit kami sa isa’t isa. Ngunit alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat.
YOU ARE READING
Entangled Hearts
RomanceZaira, a successful model, and Kaelan, a cold CEO, are forced into an arranged marriage to fulfill their families' expectations. Despite their resistance, they must act happy in front of everyone, while secretly hiding their true emotions. As they n...