Bonding with Friends.
Zaira POV
Kinaumagahan ng sumunod na araw, nagising ako sa tunog ng telepono ni Kaelan. Nakita kong abala siya sa pag-aayos ng mga gamit para sa biyahe niya sa Japan.
Pagkalabas niya sa banyo, nakasuot na siya ng maayos na damit—isang tailored na suit na nagpapakita sa kanyang pagiging CEO.
Nakatakdang umalis si Kaelan mamayang hapon, at sa kabila ng saya na nararamdaman ko sa mga nangyari sa amin, may lungkot din akong nadarama.
“Zaira, are you sure you don’t want to come with me?” tanong niya habang pinipilit ang sarili na huwag magmukhang nag-aalala.
“Ano ka ba, Kaelan? Ang dami mong kailangang gawin doon. Hindi ko kayang ma-distract ka,” sagot ko, sinubukan kong ngumiti kahit na ang totoo’y may kabang bumabalot sa dibdib ko.
Ngumiti siya, ngunit kitang-kita ang pagkabahala sa kanyang mga mata.
“But I want you to be there. Para masaya ang biyahe ko.”
“Alam mo naman ang trabaho mo ang priority. Ayokong maging hadlang sa mga plano mo,” sabi ko, sinisiguradong malaman niyang handa akong magbigay ng espasyo.
Habang nag-iimpake siya, naramdaman kong naglalaro ang isip ko sa mga bagay na hindi ko pa nasasabi.
Gusto ko sanang ipaalam sa kanya na sa kabila ng mga pangarap at ambisyon niya, nandito ako para sa kanya—pero sa mga pagkakataong ganito, parang mas pinili ko na lang na manatiling tahimik.
“Zaira, please,” patuloy niyang pakiusap, “mahalaga ka sa akin. Lahat ng ito ay para sa atin.”
“Sa atin, oo. Pero kailangan mo ring isipin ang mga responsibilidad mo. Hindi mo maiiwasang mag-focus sa trabaho mo sa Japan, at ayokong maging sagabal.”
Clingy ka pa naman
Tumingin siya sa akin nang seryoso, parang pinipilit na maghanap ng mga salita na hindi niya alam kung anong sasabihin.
“Minsan, naiisip ko kung bakit naging ganito ang sitwasyon natin. Parang ang saya-saya natin, pero ang dami pa rin nating dapat harapin.”
“Kaelan,” bulong ko, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “I’m proud of you. I know this is your dream, and I want you to succeed. But we’ll figure this out. Nandito lang ako para sa iyo.”
"But I'm already successful, I can can give you everything."
"I don't need that, Kaelan. Sapat kana para sa’kin."
Nakita ko ang pagniningning sa kanyang mga mata, pero may lungkot pa rin na hindi maalis. “Sana makasama kita,” sabi niya, at naramdaman kong ang bawat salita niya ay nagdadala ng bigat at pag-asa.
“Babalik ka rin, ‘di ba? And when you do, I’ll be here waiting for you,” sagot ko, pilit na inaalis ang lungkot sa aking boses.
“May mga plano rin ako sa mga kaibigan ko. Magkikita kami nina Celine, Jessa, Karla, at Mariel.”
Tumango siya, ngunit alam kong may panghihinayang pa rin sa kanyang puso. “I’m going to miss you, Zaira.”
“Miss na miss din kita, Kaelan. Pero mag-focus ka lang sa mga meetings at mga proyekto mo,” sagot ko, sinubukan kong ipakita na okay lang ako sa sitwasyon.
Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, nag-umpisa siyang mag-impake muli.
Tila nagkukulong ang kanyang isip sa mga bagay na dapat gawin sa Japan. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat.
YOU ARE READING
Entangled Hearts
RomantizmZaira, a successful model, and Kaelan, a cold CEO, are forced into an arranged marriage to fulfill their families' expectations. Despite their resistance, they must act happy in front of everyone, while secretly hiding their true emotions. As they n...