Chapter 23

16 6 4
                                    

2nd Anniversary.

Zaira’s POV

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang umuwi si Kaelan mula sa Japan, at malapit na ang ikalawang anibersaryo namin.

Noong isang linggo, nag-message siya na hindi niya sasayangin ang espesyal na araw na ito. Napakaganda ng mensahe niya, pero sa isip ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Palagi akong nag-isip kung anong sorpresa ang inihahanda niya para sa akin.

Sa mga araw na iyon, napagdesisyunan kong magluto, mag-decorate, at mag-bake ng cake para sa aming anibersaryo.

Nais kong gawing espesyal ang araw na ito, kaya kahit wala si Kaelan sa bahay—may emergency kasi sa trabaho niya—nagpunta ako sa kusina at sinimulang maghanda. Sa isip ko, perfect na pagkakataon ito para ma-decorate ang bahay namin.

Matapos ang ilang oras ng pagdedekorasyon at pagluluto, naligo ako at naghintay kay Kaelan. Alas-9:30 ng gabi na, pero wala pa rin siya.

Habang hinihintay ang pag-uwi niya, nag-alala ako. Ano kayang nangyayari? Kaya’t nagdesisyon akong puntahan siya sa kumpanya nila, lalo na’t bukas pa naman ang meeting na dapat niyang attended.

Pagpasok ko sa opisina, napansin ko ang mga mata ng mga tao na nakatingin sa akin. Maraming tao sa paligid, kaya’t nagalit ako sa sarili ko. Sabi ko sa sarili ko, “Focus, Zaira.” Lumapit ako sa receptionist.

“Hi, good evening! Nasaan ba ang boss niyo?” tanong ko sa babae.

“Ma’am, ikaw po ba yung asawa ni sir Kaelan Montello?” gulat na tanong niya.

“Ah, yes?” nagdadalawang-isip kong sagot. Hindi ko alam kung dapat akong maging proud o mag-alala.

“Ma’am, kanina pa po umalis si sir...” mahinang sagot ng babae, ngunit may bakas na takot sa boses niya.

“What? Where is he?” naguguluhan kong tanong.

“Ma’am, hindi ko po alam,” sabi ng receptionist.

“Ganon ba? Sige, salamat.” Tumalikod ako, ngunit may narinig akong isa pang babae.

“Pero ma’am, may narinig po akong usapan, nasa party po siya,” may sumingit na babae.

“May kasama siya?” tanong ko, nangunguna na ang kilay ko sa pagdududa.

“Opo, kaibigan niya po lalaki,” sagot niya.

Alam ko ang address ng lalaki, kaya’t nagpasya akong puntahan ito. Tumayo ako at naglakad palabas ng opisina, nadama ko ang pagtibok ng puso ko habang iniisip ang maaaring mangyari.

Makalipas ang ilang sandali, narating ko ang bahay ng kaibigan ni Kaelan. Pagkatok ko sa pinto, bumukas ang maid.

“Hi, good evening! Nandiyan ba ang boss mo nay?” tanong ko sa kanya.

“Ah, ma’am, sorry, pero wala po siya. Nasa club po sila,” sagot ng maid.

"Po?" Naguguluhan kong sagot.

Nang marinig ko ito, parang may nag-crash na yelo sa puso ko.

"Manag, alam niyo po ba ang location?" Tanong ko.

"Oo hija, ito oh" May binigay siya sa’kin na maliit na papel, kinuha ko ito at nag papasalamat may manang.

Ang club? Bakit kailangan nilang pumunta doon? Napagtanto kong kailangan kong sumugod doon, kaya’t nagmadali akong umalis.

Pagdating ko sa club, naglibot ako ng paningin. Napakaraming tao at ingay, pero hindi ko naisip ang takot.

Hanapin ko si Kaelan. At sa wakas, nakita ko siya… ngunit hindi ko inaasahang makikita ko ang eksena.

Entangled Hearts Where stories live. Discover now