*Pinalitan ko ang pangalan ni Sir Mark sa Mateo kasi nalilito ako sa Mike at Mark. Haha!*
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Paano ba 'to?" pumalatak at nababahalang tanong ni Chona sa sarili habang sinusuri ang bago nitong selpon at dahil sa pagiging abala nya, hindi nya napansin o narinig man lang na nakapasok na sa loob ng opisina ni Joaquin si Mateo. Nakangisi itong pumasok ng makitang busy si Chona.
"Hi, Chona!"
"Ay pusang gala!"
Naitapon nya sa gulat ang selpon na hawak at nasalo ito ni Mateo.
"Opppssss. Careful."
"Sir Mateo, nakakagulat naman po kayo."
"I told you Mateo na lang."
"Sir naman eh. Mapapagalitan po ako sa gusto nyong mangyari."
"Bakit?"
"Sabi po ni Sir Joaquin hindi ko po kayo pwede tawagin sa pangalan nyo lang."
"Because?"
"Hindi po pwede."
"Eh ako naman ang nagsabi sa'yo na pwede mo ako tawaging Mateo na lang."
"Alam ko po yun pero ipnag-utos po ni Sir Joaquin na wag."
"Then disobey him!"
Bumuntong hininga ito at tumingin sa mga mata ni Mateo. "Sir, gusto ko po ang trabaho ko at ayoko po matanggal dahil kailangan ko po itong trabaho na ito." mahinahong sagot nito.
"If you want to keep this job, ako ang sundin mo."
"Sir, kasi po hindi po talaga pwede yun. Ang utos po ni Sir Joaquin ang susundin ko." pagdidiin na sagot ni Chona.
Natatawang sumagot ito. "Okay, pero pag nasa labas tayo, call me Mateo."
Bumuntong hininga ito. "Sir, akin na po yan selpon."
Imbis na ibigay kay Chona ay inilayo pa nito ang selpon.
"Sir Mateo."
Pilit nyang inabot ngunit itinaas ito ni Mateo upang mahirapan syang kunin.
"Pag tinawag mo akong Mateo at walang sir ibabalik ko itong cellphone mo."
Sinuot ni Chona ang kanyang sapatos na may 5 pulagadang taas, ngayon ay kayang kaya na nyang abutin ang selpon nya. Pagkahawak ay hinatak nya sa kamay ni Mateo. Nagulat ito ngunit ibinuka ang kamay upang makuha ni Chona ang bagay na kanyang inaabot at matapos ay pangisi ngising inasar nito si Chona.
"Wow! Smart woman. I like that."
Hindi nya pinansin ang komento nito at tiningnan maigi ang selpon.
"Nasira na ata." pumapalatak habang sinusuri ang bago nyang gamit.
"Bilihan kita ng bago gusto mo?"
Bumuntong hininga muli ito at tiningnan si Mateo. "Ano po bang kailangan nyo, Sir Mateo? Kita nyo naman po wala po si Sir Joaquin dito."
"Hindi naman sya ang pinunta ko."
"E sino po?"
"Ikaw."
"Ako po?" tumango ito at ngumisi. "Bakit po?" nagtatakang tanong nito.
"Did you accept the invitation sa sportfest?"
YOU ARE READING
Di Sinasadya
FanfictionSi Chona ay isang ordinaryong dalaga pero puno ng ka-positibohan sa katawan ay mamasukan bilang "Executive Assistant" ng isang mayaman at binatang lalake na si Joaquin. Sa bawat araw na magkakasama sila, makikilala nya ng husto ang binata at sa di s...