Ang Maasahang Assistant

134 8 2
                                    




Dingdong Dantes bilang Raphael Sixto Dantes

Jasmine Curtis bilang Izza Silang Dantes

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pagdating ni Chona ay nakaabang na sa kanya sa pinto si Mateo. Nakangiti itong bumati ng,"Hello, Chona."

"Hello po, Sir Mateo."

"How was your night? Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?"

"Nakatulog naman po."

"Good."

"Ano po ang kailangan nyo, Sir Mateo?" ang aga aga nangungulit na naman eh.

"Nothing important...... Well, actually, I wanted to let you know that we are serious about sa sportsfest ha."

"Hmmm... Gaano po ka-serious? Affected po ba ang regularization ko?" pabiro nitong sagot.

"Yeah."

Napatingin ito kay Mateo.

"Seryoso po, sir?"

"I'm kidding."

"Sir, wag ka po nagbibiro sa regularization ko."

"I'm sorry. Sige hindi na." natatawang sagot nito.

Biglang pumasok si Joaquin at bumati bago pa man tingnan ang paligid.

"Good morning."

"Good morning po, Sir Joaquin." nakangiting bati ni Chona habang sinusundan nya ng tingin ang binata hanggang makarating ito sa kanyang pwesto.

"Joaquin, tell Chona how important joining the sportfest is."

Nagulat ito sa boses ni Mateo na hindi nya napansin na nasa loob pala ng kanyang opisina. Napatingin sya sa orasan at napailing.

"Bakit parang lagi kang maaga lately, Mateo?"

"Maaga ba? 9 ang pasok diba?"

"Kami 9. Ikaw diba 11?"

"Flexible ang time ko."

Umiling iling ito at ngumisi.

"Ano na naman kinukulit mo kay Chona?"

"Hindi ko sya kinukulit. Sinasabi ko lang na mahalaga ang pagsali sa sportsfest."

Nababahalang nagtanong si Chona habang binababa ang kape ni Joaquin sa kanyang lamesa.

"Thank you." pabulong na sambit nito.

"Sir, totoo po ba maapektuhan ang regularization ko pag hindi ako sumali sa sportsfest? Kasi alam nyo naman po gusto kong ma-regular kaya kahit ano ipagawa nyo po ginagawa ko."

Napalaki ang mga mata ni Mateo sa sinabi ni Chona.

"Talaga?" mabilis na sambit ni Mateo.

"Chona, be careful sa mga sinasabi mo. Sige ka, we might take you for it."

"Ay, sorry po. Gusto ko lang po kasi ma-regular talaga. You know..... I need this job po."

"Need mo lang? So, hindi ka masaya?" panunukso ni Joaquin na agad namang nakuha ni Chona.

"Ay siyempre po masaya po ako sa trabaho ko." ngumiti ito kay Joaquin ng matamis. "Sobrang saya po." Araw araw ba naman kita nakikita, sir. "Sa sobrang saya ko nga po gusto ko araw araw may pasok."

Napahagikgik si Joaquin sa sinabing iyon ni Chona.

"I have work for you on the weekends. Gusto mo ba?" pagtatanong ni Mateo.

Di SinasadyaWhere stories live. Discover now