Ang Pagbawi

121 12 4
                                    

** I-introduce ko lang sila pero hindi pa sila masyado lalabas sa chapter na ito hehe. **

Katya Santos bilang Katrina Santos - Head ng Creative Department sa Star Music na kinakapatid ni Joaquin. May lihim na pagtingin sa kanya. Ang "spy" ni Marissa sa Star Music.

Andrea Del Rosario bilang Angela Del Rosario - bestfriend ni Katrina na nagtratrabaho sa Star Music.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Paki hold po yun pinto."

Nang marinig ang mahinahon na sigaw ni Chona ay may isang lalake na pinindot ang pindutan para huwag magsara ang pinto ng elebador.

"Thank you." nakangiting sambit ni Chona sa lalake habang pumapasok ito sa elebador. Pagpasok nya palang ay nakarinig na naman sya ng mga bulungan.

Ayan yun babaeng nakita yun panty nun sportsfest.

Chaka pala. Mukhang maganda lang sa malayo.

Ipinikit nya ang mga mata at ipinagkibit balikat na lamang ang mga naririnig na komento.

Please mag-5th floor na... Please..

Nakahinga sya ng maluwag ng lumapag na sa 5th floor at dali dali syang lumabas sa elebador.

Bakit naman kasi.... Kailan kaya makakalimutan ng mga tao yun.

"Hi, Chona!"

Nagulat ito ng may bumati sa kanya paglabas nya ng elebador.

"Sir Mateo."

"How is my favorite ass?"

Tiningnan sya ni Chona ng masama at nahuling tintingnan ang likod nya.

"..... Assistant. My favorite assistant."

"Sir ang aga aga po."

Ngumisi ito habang pinagmamasdan nyang maglakad si Chona papunta sa opisina ni Joaquin.

"Ano po ba ang kailangan nyo? 10 pa po ang meeting nyo." sabay bulong nito. Ano na naman po bang kukulitin nyo sa akin.

Nang hindi nya marinig ang sagot ni Mateo, tiningnan nya ito at paglingon nya ay nakita nyang nakatingin pa din ito sa may pwetan nya.

"Sir Mateo!"

"Yes?"

"Mag-fifile na po ako talaga ng sexual harassment sa HR."

"What?!" natatawang tugon nito.

"Seryoso na po ako..... Sir..... Wag nyo nga po tingnan." sabay irap nito at tinakpan ng bag ang likurang bahagi ng katawan niya.

"Ang alin?"

"Alam nyo po ang sinasabi ko."

"I heard good feedback about your you know....."

"Hindi po ako interesado malaman." umirap ito at may konting pagdadabog na inilagay ang bag sa lamesa.

Habang nangungulit si Mateo ay bigla naman pasok ni Joaquin.

"Good morning."

"Good morning, sir."

"Oh. Andito ka na naman, Mateo?"

"I'm waiting for you. Tagal mo eh."

"10 pa ang meeting. Bakit ka nagmamadali?"

Lumapit si Chona kay Joaquin at iniabot ang isang karpeta.

"Sir, yun file po sa budget meeting."

"Oh, thank you. Ang galing ng assistant ko 'no, Mateo?"

"Yeah. Super."

Di SinasadyaWhere stories live. Discover now