Chapter 10

47 0 0
                                    

Chapter 10

For Real

"Magbabago pala ha?" Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit hindi nya naman  ako nakikita dahil nakaubob pa rin siya sa balikat ko. Ang manyakis na ito ay kung ano-anong sinasabi sa akin when in fact kasasabi niya lang na handa siyang magbago para lang payagan ko syang manligaw at ako naman ay paniwalang-paniwala. 

Big yuck kasi marupok pa sa bulok na kahoy! Nakakahiya ka naman Lyra! 

Lion groaned and buried his face on my neck. Pinamulahan ako ng mukha at hindi sanay sa mga nangyayari sa akin ngayon. Walang lalaki pa ang nakakagawa sa akin ng ganito kaya parang sinisilihan ang puwet ko dahil sa kakaibang nararamdaman na dulot ng lalaki. 

Pinilit kong itulak ang kanyang balikat dahil kinakabahan na ako sa maaaring makakakita sa tayo naming dalawa dito. He just pulled my waist closer to him and I can feel how his pointed nose graze on my cheek. 

"I'm sorry" He softly said and reached for my hands. He caressed it slowly while looking at me pleadingly. 

Paanong hindi rurupok ang taong ito sayo? Ngumuso ako at mapaglarong pinitik ang kanyang noo. 

"Pupuntahan ko na si Celeste at siguradong hinahanap na ako nun." Paalam ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya, may kakaiba sa mata niya na hindi ko ma explain na kapag tinitigan mo ay matatakot ka talaga. 

Grrrr... Why do girls like him? Nakakatakot na nga sya pero ang dami pa ring nagkakandarapa sa kanya. Hayst, mga babae nga naman, basta gwapo, bubukaka talaga. 

"Fine" Dismayado nyang payag at patuloy pa ring hinahaplos nang marahan ang aking kamay. 

"I'm serious, Ly." He gently held my chin para mahuli nya ang aking tingin. Kumurap-kurap ako at bumuntong hininga, hinayaan siya sa gusto. 

"I'm sorry for what I did earlier. I know that I scared you. I can't just let those bastards say things to you. They're harassing you and you're so clueless about it. I hate it. " Umigting ang kanyang panga. 

Tama sya dahil wala talaga akong kaalam-alam na may mga sinasabi na pala ang mga bastos na yun sa akin. 

"Uhm.. Hindi na lang ako magsusuot ulit ng skinny jeans." Halos pabulong iyon at hindi ko alam kung narinig niya ba. He groaned and I pouted. 

"Any clothes you wear is fucking seductive! Why do you have to be this sexy." Hirap na hirap niyang bulong pero malinaw iyon sa aking pandinig kaya pinamulahan ako ng sobra. 

Nakakainis naman! Hindi ko alam kung may sakit ba sya sa mata kasi obvious naman na malaman ang katawan ko kaya paano naman ako magiging sexy?

Hindi ko alam kung paano natapos ang tagpong iyon dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatulala habang nag aayos ng mga products dito sa 7 eleven. Nagpapalit ako ng mga expired na product. 

"Huyyy! Kanina ka pang tulala" Celeste squintted her eyes at me. I cleared my throat and just continue what I've been doing. 

"Hmm, pero may nakita kasi kami kanina ni Sky sa isang gilid at-" Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. 

"Hindi kami ni Lion 'yun! Hindi nya sinabi sa akin na ako ang dahilan kung bakit muntikan na syang makapatay kanina!" Dire-diretso kong tanggi, humihingal pa at natauhan lang sa sinabi nang mabini siyang tumawa. 

"Wala naman akong sinabi na kayo yun. Well, thanks na rin sa details." Pagkatapos sabihin iyon ay iniwan niya akong laglag ang panga at inis na inis sa aking sarili. 

Taming the Lion (Constellation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon