Chapter 7
Halik
Tulala ako sa bintana habang tahimik siyang nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa apartment ko. Hindi ko na ginusto pa na makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya na ihatid ako. Isa pa ay nagpatong-patong na ang mga iniisip ko.
Ayaw kong maapektuhan sa nararamdaman ko pero mukhang huli na lahat. He totally invaded my system. Hawak niya lang kanina ay para na akong natunaw at lahat ng galit ko ay tila bulang basta na lang naglaho, lalo na sa rahan at lambing ng boses niya.
Paulit-ulit na nag pe-play sa utak ko ang halik na iginawad niya sa akin kanina. Hindi lang isang beses at nung pangalawa ay mapangahas niyang ginawa.
I absentmindedly wet my lips using my tongue. Agad ko rin namang iniling ang ulo ko dahil sa ginawa. Nababaliw ka na, Lyra! Baka isipin ng manyakis na yan ay gustong-gusto mo naman ang halik niya!
"What's wrong?" Halos mapatalon ako nang bigla siyang nagsalita.
Mas umipod pa ako sa dulo at halos idikit ko na ang mukha sa bintana para lang makalayo sa kanya. I heard him sighed deeply.
"I won't touch you, I promise. Baka mauntog ka dyan kung dikit na dikit ka." Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala ngunit ipinagsawalang bahala ko 'yon dahil imposible naman na concern siya kung mabasag man ang ulo ko dito.
Hindi ko siya pinansin ipinikit na lang ang mata. Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt at pinipilit na huwag damdamin ang malakas na tibok ng aking puso.
"We're here." Napamulat ako sa sinabi niya at nagmamadali na alisin ang seatbelt pero dahil hindi ako sanay sa magagarang sasakyan ay hindi ko alam kung paano!
"Let me" Dikit na dikit ang likod ko sa backrest ng upuan nang dumungaw siya sa akin at unti-unting kinalas ang seatbelt. Isang sound ang tumunog at agad na naalis iyon. Akala ko ay aalis na siya sa harapan ko pero hinuli niya ang tingin ko at nang nagtagumpay siya ay mabilis akong nag I was ng tingin at tumikhim.
Bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina at dinig ko ang pag tap ng kanyang daliri sa steering wheel ng sasakyan.
Hawak ko na ang handle ng pinto at bubuksan na sana nang may bigla akong naalala.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?!" Medyo napataas ang aking boses at hindi ko na naitago pa ang pag aakusa.
"I just—" hindi natuloy ang sasabihin niya at hinilot na lang ang kanyang sintido.
"Ano?! Hindi ko naman sinabi sayo kung saan ako bababa ah?!" I was already glaring at him.
"I'm not stalking you, alright? It's just that-"
"Ano nga?!" Naiinip kong tanong dahil tumigil na naman siya.
"I saw you with Estella. That's all. Nakita ko kayong naglalakad galing sa 7 eleven and saw you went inside this house." Paliwanag niya.
"Hmp!" Inirapan ko na lang siya at padarang na bumaba.
Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang makitang bumaba rin siya at umikot para lumapit sa akin.
"I'm sorry again for what I did earlier." Binasa niya ang kanyang labi at hinawi ang buhok na lumaglag sa kanyang noo.
Tangina, ang gwapo.
Kumalma ka, Lyra! Hindi kayo bati!
"I hope you forgive me. I'll do anything." Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Taming the Lion (Constellation Series #3)
DragosteLiving alone and financing her needs, Lyra Lacaille Hermosa did almost everything in her life without anyone by her side. One word to describe her is 'Independent'. She is the perfect description of that word. She was five when her adopted mother di...