Ngiting ngiti pako habang pinapanuod si Nate na naglalaro ng football ng may humarang sa harapan ko, nawala ang ngiti ko at tiningala ang kutong lupa na nasa harap ko..
"Tigilan mo ko Alexus nanunuod ako !!"
"Samahan mo ko sa canteen nagugutom ako" nakangisi niyang ani sakin.
"Ayoko"
"Ayaw mo?
"Ayoko" ulit ko sakania
"Ayaw mo talaga? Sisigaw ako dito at sasabihin ko kay Nate na pinagpapantasyahan mo sya" nakangising sabi nya na naghahamon,
inis na inis ko lamang syang tinignan...Nanlaki ang mga mata ko ng sumigaw si Alexus at tinawag si Nate, hindi lang si Nate ang napalingon samin pati na din ang mga ka team mate niya at yung mga nanunuod kagaya ko.
Bago pa madugtungan ni Alexus ang sasabihin nya bigla ko nalang sya sinabunutan sanhi para mapayoko sya, agad kong tinakpan ang bibig nya at alanganing ngumite kay Nate...
Hindi naman malaman ni Alexus kung ano ang unang tatanggalin, kung ang kamay ko sa bibig niya o yong kamay ko na sabunot padin ang buhok niya..
"Oo na sasamahan na kita kaya itahimik mo yang bibig mo kung ayaw mo ubusin ko yang buhok mo !!" Nanggigil kong ani sakania bago binitiwan ang buhok niya at naunang naglakad.
Masama pa din ang tingin ko sakania habang patuloy lang sya kumakain dito sa canteen..
Sa dami ng inorder nya akala mo isang linggo hindi kumain, san kaya niya dinadala yung kinakain niya?
Patulog na ko ng mag ring ang cellphone ko, ng makita ko ang pangalan ni Yumi nilagay ko na lang sa loud speaker saka humiga.
"Cleo.... Alam mo ba?" Agad akong napabangon ng marinig ko na umiiyak sya. Si Yumi ay ang bestfriend ko.
"Anong alam ko ba?" Tanong ko sakaniya na naguguluhan.
"Si Alexus Cleo aalis sya... Alam mo ba Cleo?"napabuga na lang ako ng hangin, akala ko naman napano na sya.
"Hindi ko alam..tss.. hayaan mo na sya umalis.. marami dyang iba Yumi wag na si Alexus."
"Sya ang gusto ko Cleo sya lang huhuhu"
"Wala na tayo magagawa kung aalis sya Yumi".
"Pigilan mo sya Cleo.... Sabihin mo wag na sya umalis" napatanga na lang ako sa narinig ko sakaniya.
"Cleo diba kababata mo si Alexus? Sabay kayo lumaki kaya makikinig sya sayo... Please pigilan mo sya umalis"
" Please Cleo? Diba magkaibigan naman tayo? Kinosensya pako..
"Fine!!! Susubukan ko kausapin sya.. tumigil kana kakaiyak dyan! "
"Thank you!! Bestfriend!"
Kakababa ko lng ng cellphone ko ng mag ring ulit ito akala ko si Yumi ulit, tamang tama na si Alexus ang tumatawag..
"Pwede ka pa ba bumaba? Andito ako sa labas nyo." sinilip ko si Alexus sa bintana, agad naman akong bumaba.
"Aalis ka? Pwede bang wag ka na umalis?
"Ayaw mo kong umalis? Bakit? Mas gusto mo bang dito na lang ako?" Inis ko lang syang tinignan..
"Ayaw ni Yumi umalis ka! Alam mo naman gusto ka ng kaibigan ko diba?" Bigla nalang sumeryoso ang muka niya, inis nya kong tinignan..
"Aalis nako bukas. Andito lang ako para magpaalam sayo!" Tumalikod na sya at akmang aalis ng inis ko syang hinawakan..
"Pwede ba wag ka na muna umalis !! Kahit 1 linggo lang mag stay ka muna !! Alang alang sa kaibigan ko.. Alam mo nama---"
Natigilan ako ng bigla niya na lang hinawakan ang batok ko saka hinalikan sa labi.. nakatulala lang ako sakaniya hanggang sa bumitaw sya .
"Puro ka na lang Yumi YUmi Yumi !! " Nakatingin lang ako sakania hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko.
YOU ARE READING
Dark Side
RomanceCloe Esmeralda Acosta had admired Nate Santibañes since high school, she did everything she could to get closer to him, kaya ng magpaalam sakaniya si Nate manligaw ay pumayag siya. Until Alexus del fuego returned after 3 years begging for her lov...