"Kung sino ang katabi nyo sila ang magiging partner nyo sa report nyo.. bahala na kayo mag usap..... Goodbye,,, see you in monday"
Napalingon ako sa katabi ko pangisi ngisi lang.. para lang kami bumalik sa dati nga lang mas lalong lumala ang kakulitan nya kaya panay tuloy salubong ang kilay ko.
Nakabuntot lang sya sakin na parang aso papuntang canteen, pag dating ko andun na sila Maxine at Troy naghihintay sakin.
Agad akong umupo kasama nila habang si Alexus naman umupo sa kabilang table malapit lang samin na kinairap ko.
"Hindi ko alam na mula pala sa angkan ng mga Acosta yang kaibigan mo Cloe.." patingin tingin lang sila kay Alexus na bc na makipag usap sa ilang kalalakihan.
Ang angkan ng Acosta ay kilala sa business world, katunayan ay business partner ni dad at ng mga tito ko ang ilan sa mga Acosta. Kilala din sila sa mga resort.
Napatingin ako sa gawi ni Alexus ng maramdaman kong may nakatingin, bumungad ang mga mata ni Alexus na malalim na nakatingin na kinataas ng balahibo ko sa batok.
Ang wierd niya, simula ng bumalik sya parang anlaki na ng pinagbago niya, panay ko sya nahuhuling malalim kung makatingin na parang lagi syang nakamasid.. na lahat ng kilos at galaw ko ay inaalam niya.
Bigla nalang sya ngumisi sakin at tinaas taas ang kilay niya na kinairap ko.. kapag ganyan sya nawawala ang pagiging wierd look niya..
"May girlfriend na ba yang kaibigan mo Cloe? Ang pogi pogi niya talaga tapos rich kid pa tignan mo ang daming babae na palihim din sya tignan"
Tinignan ko si Troy na wala naman pakialam kung mag day dream ang girlfriend niya
"Troy hiwalayan mo na nga yan si Maxine kung saan saan lang nakatingin"
"Hayaan mo na lang siya Cloe , hanggang tingin lang naman sya" sabay kami ni Troy na napatawa na kinasimangot ni Maxine.
Patayo na kami ng lingunin ko si Alexus.. iyan nanaman sya sa tingin nia sakin na kinasalubong ng kilay ko, agad ko ng inaya sila Maxine at Troy..
YOU ARE READING
Dark Side
RomanceCloe Esmeralda Acosta had admired Nate Santibañes since high school, she did everything she could to get closer to him, kaya ng magpaalam sakaniya si Nate manligaw ay pumayag siya. Until Alexus del fuego returned after 3 years begging for her lov...