"oh my Gee! Nakita mo na yung bagong transferee Cleo? Ang pogi !!
Pagpasok namin sa canteen agad kaming pumwesto sa pinaka gilid, si troy naman ay tumayo na para pumila pagkatapos kunin ang order namin ni Maxine.
"Cleo sya yun!! Yung transferee"
Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa tapat namin na pinagkakaguluhan ng mga babae..
"Balita ko galing yan London, ano kaya ang dahilan bakit nag transfer sya dito?.."
"Family business daw , baka balak na syang itrain ng parents niya.". Sagot ni Troy kay Maxine habang inilalapag sa lamesa ang order namin..
Nakikinig lang ako kay Troy at Maxine na nag uusap habang kinakain ko ang pasta na inorder ko .
Nang pasimple kong nilingon si Alexus nanlaki ang mata ko ng magkasalubong ang tingin namin.. napaubo ubo ako kaya agad akong binigyan ng tubig ni Troy.
"Kailangan ko ng umalis, m-may gagawin pa pala ako" mabilis akong tumayo at iniwan sila.. hindi ko na pinansin ng tawagin ako ni Maxine.
Pag liko ko ngkagulatan pa kami ni Nate na papunta din sana ng Canteen para hanapin ako.
"Are you ok? Nagkita na ba kayo ni Alexus? Tanong niya sakin na kinakunot ng noo ko..
"Alam mong andito si Alexus?
Tumango lang sya sakin marahil nagtataka bakit hindi ko alam samantalang kababata ko si Alexus .
"Yeah, sinabi niya sakin babalik na sya, nagkita pa kami kagabi para ipaalam na dito na sya mag aaral." Sabay akbay sakin..
"Ah may welcome party pala kaming hinanda para kay Alexus mamaya, pwede mo isama sila Maxine at Troy.. dun nalang tayo magkita..." Ngumite muna sya bago magpaalam..
"Maxine kinakabahan ako... Wag ko na lang kaya ituloy?"
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nandito kame sa gilid ng hagdan ng bahay na pagdadausan ng welcome party ni Alexus. Nagpasya akong umamin na ng nararamdaman ko kay Nate.
Binigyan ako ni Maxine ng isang basong alak bago ako inaya sumayaw sa gitna habang wala pa si Nate pangpatanggal daw ng kaba.
Nakailan shot din ako bago ko iniwan sa gitna si Maxine at Troy na nagsasayaw ng mapansin ko ang isang pigura ng babae na kilalang kilala ko na bigla nalang nawala sa paningin ko. Si Yumi,
Nakailang liko nako hindi ko padin makita si Yumi, ilang kwarto na din ang nadaanan ngunit ni anino niya diko makita.
Pagliko ko sa dulong pasilyo napasinghap ako ng makitang may naghahalikan, pareho silang nakapikit pero nanlaki ang mata ko ng makilala kong si Alexus ang lalaki habang si Yumi naman ang kaniyang kahalikan. Biglang dumilat si Alexus at direktang tumama sakin ang tingin niya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sakaniya bago ko naisip na tumakbo.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo natatakot na baka sundan niya ko. Hanggang mabunggo ako kay Nate, agad kong isinabit ang kamay ko sa batok niya ,pikit matang hinalikan sya. Pagdilat ko nakita ko ang likuran ni Alexus na papaalis na.. bibitaw na sana ako ng hapitin ni Nate ang bewang ko para palalimin ang halik na kinalaki ng mata ko.
YOU ARE READING
Dark Side
RomanceCloe Esmeralda Acosta had admired Nate Santibañes since high school, she did everything she could to get closer to him, kaya ng magpaalam sakaniya si Nate manligaw ay pumayag siya. Until Alexus del fuego returned after 3 years begging for her lov...