Ang bilis ng panahon, this is my last year in college. Unang araw ng klase ngayun kandahaba ang leeg ko kakalingon mahanap lang ang taong kinasasabikan ko makita. Agad ko nakita ang lalaking nasa gilid na nakasandal sa pader habang nakapikit, lalapitan ko sana sya ng may humila sa kanang braso ko.
"Cleo pinagpapantasyahan mo nanaman si Nate, kalma lang masyado kang halata" sinamaan ko ng tingin ang babaeng humila sakin pero ngisi ang kaniyang sinalubong.
Maxine is my closest friend in college, kasama niya ang boyfriend niyang si Troy na naging ka close ko na din.
"Namiss kita friend kaya hinanap kita agad yun pala bc kalang kakapantasya kay Nate " nakasimangot na reklamo niya. Nagseselos sya kay Nate dahil mas nakakasama ko si Nate kaysa sakania.
"Kita na lang tayo mamaya" sabi ni Troy habang hila hila ang girlfriend niya ... kumaway lang ako sakanila..
Paglingon ko nakita ko si Nate na palapit sakin na malawak ang pagkakangiti, agad ko siyang nginitian na lalong nagpalawak sa ngite niya..
Maraming napapalingon kay Nate dahil bukod sa agaw pansin ang katangkaran niya napaka gwapo din nito, ika nga nila school heartrob..
"Kanina ka pa" tanong ko, kinailing niya lng habang sinasabayan ako sa paglalakad papuntang classroom.
"I'll see you on your vacant" pagpapaalam niya sakin, ngumite lang ako sabay tango na syang kinangite niya bago sya tumalikod.
Pumasok na ko sa classroom at dumiretso sa dulo, nilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana.
"Narinig nyo na ba ang balita? May transferee daw ngayun.. "
"Lalaki daw at pogi sana dito sya sa section natin mapunta"
"Talaga?"
Aga aga tsismisan ang naririnig niya first day na first day pa naman.
Nagsasalita na ang prof namin ng biglang mag ingay ang mga kaklase ko hindi ko na lang pinansin dahil bc ako ayusin ang mga gamit ko..
"Can I sit there?" Natigilan ako sa pag aayus ng may nagsalita sa gilid ko..
"Ah sige sandali lang , pasensya na"
Kinuha ko agad ang bag ko sa tabi ng bintana at umayos ng upo para makadaan sya, hindi ko pa din sya nililingon.
Nakaupo na sya sa gilid ng bintana ng malaglag ang ballpen ko, kukuhanin ko na sana ng may nauna na sakin .. agad niya naman inabot sakin.
"Salama ------ " natigilan ako ng makita ang mukha niya..
"Alexus?" Bulong ko, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya, nagbalik na siya.. after 3 years... Bumalik na sya, nasa harapan ko.
Hindi ito kumibo nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Ang laki na ng pinagbago niya..His voice become deeper.
YOU ARE READING
Dark Side
RomanceCloe Esmeralda Acosta had admired Nate Santibañes since high school, she did everything she could to get closer to him, kaya ng magpaalam sakaniya si Nate manligaw ay pumayag siya. Until Alexus del fuego returned after 3 years begging for her lov...