~••~
“Hayes?” tanong ko, habang pinipilit ang sarili kong huminga nang maayos. Ramdam ko ang init ng balat niya, ang bigat ng kanyang katawan na tila humihigpit sa akin. Muling tumaas ang kilay ko nang hinawakan niya ang mukha ko.
Ngumiti ang lalaki, pero iba ang ngiti niyang ito. “Hindi ako si Hayes,” mahinang sagot niya, tila nilalaro ang mga salita. “I'm Ace.”
Nagulat ako sa sinabi niya, pero bago ko pa man ma-proseso nang buo ang mga nangyayari, naramdaman ko ang matigas niyang ari na dumikit sa hita ko. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Agad ko siyang itinulak pero kulang pa ang lakas ko.
Tang ina! Mas tumigas pa ito ng gumalaw ako.
FUCK! NARAMDAMAN KO NA RIN NA TITIGAS ITONG SANDATA KO!
Kung hindi man siya si Hayes ay wala na akong pakealam. Basta gusto ko lang ngayon ay umalis siya sa pagkadagan sa akin dahil bukod sa mabigat siya ay hindi ko na alam itong nararamdaman ko.
“Potang-ina, tumayo ka!” galit kong sigaw, pilit na inaalis ang pagkakadagan niya. Mabilis namang tumayo ang lalaki at inayos ang sarili, pero naroon pa rin ang mapaglaro niyang ngiti.
Tumayo ako at agad na humakbang paatras. “Anong ginagawa mo dito? Sino ka ba talaga? At bakit hubo't hubad ka?” tanong ko, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Ang utak ko ay gulong-gulo, at ang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko kayang isiksik sa iisang saglit. My heart is running fast like I was in a marathon.
“Ace nga, sabi ko,” ulit niya habang kinikindatan ako. "And I am the sex doll..."
Halos matawa ako sa sinabi niya, pero napalitan ng kaba ang reaksyon ko. “Ano? Sex doll? Lasing ka ba?” tanong ko, tila hindi makapaniwala.
Ako ba'y niluluko ng lalakeng ito?
Anong sex doll ang sinasabi niya?
Naglakad ako papalapit sa kanya at malakas ko siyang itinulak paalis sa pinto. Pumasok ako sa storage room, may halong kaba at pagtataka, tiningnan ko ang lugar kung saan nakita ko ang sex doll kagabi.
Ngunit pagpasok ko, wala na ito roon. Ang cabinet na pinagtaguan ko ng blanket ay bakante, walang bakas ng sex doll. Kinilabutan ako.
“Ano’ng nangyari?” bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa lalaki—kay Ace—na nakatayo sa pintuan, nanonood lang sa akin na tila natutuwa sa reaksyon ko.
“Gusto mo bang malaman ang buong kwento?” tanong ni Ace, lumapit siya at inilapit ang mukha niya sa akin. “Pero sa ngayon, mas mabuting maniwala ka na ako si Ace, ang dating sex doll na naging tao.”
Hindi ako makapagsalita. Lumunok ako, at napaatras. “Imposible ‘to,” bulong ko, nanginginig ang boses.
Ngumiti lang si Ace, misteryosong ngiti na nag-iwan ng mas maraming tanong kaysa sagot.
Pero bago ko pa maunawaan ang mga nangyayari. Kaharap ko na siya sa sala. Habang nakatago na sa unan ang nagtitigasang alaga niya. Hindi parin ako makatingin ng diretso sa kanya.
Tang ina, why am I so bothered?
May lalakeng hubo't hubad sa harapan ko at kamukha pa niya si Hayes. O si Hayden...
"Hash! He's so annoying," sabi ko sa sarili ko. Inirapan ko siya na ikinalawak ng ngiti niya.
"Who really are you?" I asked. Napansin kong aakma siyang tatayo kaya napasigaw ako. "HUWAG KANG TUMAYO!"
YOU ARE READING
MY SEX DOLL BOYFRIEND
Short StoryLouay, a gifted writer struggling with the memory of his first love, finds himself drowning in loneliness. One fateful day, he stumbles upon a captivating and incredibly life-like sex doll that awakens something profound within him. However, the dol...