Chapter 5

15 6 0
                                    

"Ano ba, Gustav?! Bakit ayaw mo akong papirmahin ng attendance?" Pagkapasok ko sa room, ito agad ang eksena: si Gustav, nakatayo sa upuan at si Jelena nasa baba, sumisigaw na parang maglalabas na ng apoy.

"Lagi ka namang absent. Wag ka na, girl," sagot ni Gustav. Sinasaway sila ni Rhona habang si Dawn naman ay nagme-make-up, at inaasar siya ni Tim, "Naggaganda-gandahan na naman ang aming muse."

Si Jelena ay kararating lang galing abroad, kaya ayaw siyang papirmahin ni Gustav. Sa inis sa nangyari sa'kin kanina, ibinagsak ko ang bag ko sa upuan, hinawakan ang legs ni Gustav para makuha ko ang attendance sheet, pumirma, at ipinasa ito kay Jelena.

Lumabas ako para pumunta sa CR, naghugas ng mukha at nag-ayos ng konting makeup. Umaga pa lang pero kailangan ko na agad magtimpi sa mga tao. Grabe ba, paano ko haharapin si Lienzo nito?

Paalis na ako ng bahay nang maalala ko ang jacket ni Lienzo na kailangan ko nang isauli. Hinalughog ko pa bawat sulok ng kwarto ko pero wala talaga.

"Luna! Luna!" Kinatok ko nang kinatok ang kwarto ni Luna tsaka siya lumabas na mukhang may inaasikaso. Buti na lang talaga wala siyang pasok kapag Friday.

"Asan yung green jacket?" Tanong ko agad.

"Aba, malay ko. Ako ba nagsuot?"

"Luna, ikaw ang naglaba kaya nasaan na yun?"

"Itanong mo kay Tita, siya ang nagtupi. Ako kaagad?"

Biglang pumasok si Mama, may dala pang mga tupperware. "Anong nangyayari?"

"Tita, yung green na jacket daw ni Amelie, nakita niyo raw ba?" Umiling si Mama.

"Edi na kanino?! Ikaw lang naman grabe makatingin noong suot ko iyon pag-uwi ko last Friday eh, kaya ibigay mo na! Kailangan ko yun!" Sabi ko, halos nagmamakaawa.

"Wala nga sa akin! Ang kulit mo naman, Amelie!" Padabog siyang pumasok sa kwarto niya.

"Doja, sige na, ako na ang maghahanap," sabi ni Mama habang inihahatid ako palabas. Buti may dumaan agad na tricycle. "Good luck, anak!" Kumaway ako.

Pagkatapos kong mag-ayos sa CR, paglabas ko, nandoon si Lienzo, naghihintay.

"Dawn, tell me you're here." Yumuko ako, pero tinaas niya ang mukha ko at tumingin sa mata ko.

"What happened?" Tinulak ko siya, rolling my eyes.

"Wala 'to." Nagsimula akong maglakad pero sumunod siya.

"I'm just here to say 'Good luck.' Hindi ako makakanood ng finals mamayang 11 dahil may major pa ako until 12. Differential equations is my enemy, you know." Chineck ko ang orasan at 7:30 na.

"Thanks. Wala ka pa bang klase?"

"Mamaya pang 8." Humarap ako sa kaniya at sinabing, "Hoy! Sobrang layo ng building mo dito, tumakbo ka na!"

Bago siya nagpaalam, inabot niya sa akin ang Gatorade at ham and cheese pan mula 7-Eleven. Wow, paano niya naman nalamang ito ang pan na gusto ko?

"Good luck, Pres, Amelie, Dawn, and many more!" sigaw ni Gustav.

"Wow. Nasaan ako doon?" biglang sulpot ni Jelena.

"Nasa many more.'" Tawanan kami.

3 sets lang ang laban, hanggang 25 ang score pero sa third, 15 lang. Talo kami sa first set kaya nagpa-sub muna ako sa second set para makahinga. Hingal na hingal pa akong uminom ng gatorade. Nagulat pa ako nang makita si Lienzo na nakatayo, kausap ang mga friends niya, si Kuya Dark, isang girl, at si Mr. Everwood last year na hindi ko na matandaan ang name.

"12-15," announce ng scorer. Sobrang saya namin dahil kami ang champions ngayon sa volleyball sa intrams. Inihagis pa nila si Dawn sa ere, nagpupumiglas pa pero tumatawa rin naman

***

"Let's give a round of applause to our champion! The Humanistas!" Palakpakan sila, nakakatuwa.

Nag-celebrate kami nina Dawn, Jelena, Lienzo, at Dark sa Jollibee pagkatapos.

Gumawa ng parang humahalik na mukha si Lienzo sa akin. Nang hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig niya, pinunasan niya na ang gilid ng bibig ko.

"Hoy, Lienzo! Sa akin ka muna dadaan bago maging kayo ni Doja!" Sabi ni Dawn.

"Talagang dadaan lang," dagdag ni Jelena with action sa gitna nila ni Dawn.

8 minutes na lang bago kami makarating sa village namin nang sabay kaming nagbukas ng bibig.

"Ikaw na mauna," sabi ko.

"Ladies first, Doja." Sabi ko gusto ko tawagin mo ako sa name ko, hindi sa palayaw ko.

"Sorry." Humiwalay ako ng titig sa kaniya pagkasabi ko nun at sa daan na lang tumingin.

"For what?"

"Hindi ko makita yung jacket mo after my cousin washed it."

"Is that why mukhang naiinis ka kanina?" Tumango ako.

"I have a lot; don't worry. Gusto mo bigyan pa kita araw-araw." Napabuntong-hininga ako.

"Ano ba tayo?" Nasabi ko rin ang gusto kong itanong sa kaniya kasi iba na ang nararamdaman ko sa way ng pakikipag-usap niya sa akin.

"Friends." What at unbelievable answer from you, Lienzo.

"Seryoso ka ba? You can't even call me by my name."

"Because I see you like a kid," Tiningnan ko siya ng masama pagkasabi niya non. Kid na naman, hindi naman siya ma-minor moments sa akin ah?

"You see, I have no plans on pursuing you yet, okay? Marami pang masasabi ang tao dahil senior high ka pa lang at college na ako."

"So? Big deal ba 'yon?" Ugh, HUMSS student ako, kayang kaya ko siyang ipagtanggol sa mata nila.

"It's still early. Two weeks pa lang tayo magkakilala."

"Wala sa tagal 'yan, nasa nararamdaman." Alat ha, Lienzo.

"So, are you saying na gusto mo na ako?" Nakagat ko labi ko.

"I didn't say that."

"Then, rephrase what you just said."

"No, Lienzo. Halos araw-araw tayong magkausap. Don't tell me you only see me as a sister. You've told me about her. Kaedad ko lang siya dapat pero namatay siya, kaya ba ganito ka sa akin?" Humarap na ako sa kaniya at nakita kong bumagal ang takbo niya kasi nasa street na namin kami.

"You're actually right and wrong. I got attracted to you. Half-Filipino and half-Japanese... you're actually my type." Nalungkot ako deep inside but I keep a straight face. I expected na it was my personality, not just my looks.

"Ok na lang ako. Ayoko nang pahabain pa 'to. Bye! Thank you and ingat." Tumango siya, tahimik.

Pagdating ko sa bahay, lumapit ako kay Mama para humalik tapos nagsalita siya. "Amelie, ito na ang jacket mo. Nasa damitan ni Dawn."

"Tapos sasabihin niyang wala? Sinungaling talaga!" Pasaring ko.

"Hoy, Amelie, kung makabintang, mama mo naglagay niyan sa damitan ko." She rolled her eyes at me.

Pumunta na lang ako sa kusina para uminom ng tubig tapos tinignan na rin ang picture frame sa malapit na nakasabit doon. Papa, miss na kita. Yung pamangkin mo, nababaliw na. Gusto kong magtaray kung paano ako magtaray sa'yo pero hindi ko magawa kasi sabi mo magpakabait ako ih.

What happened to us, Luna? We used to be so close. You never talked back to me at ate pa tawag mo sa akin kasi alam mong soft-hearted ako tapos namatay lang si tita at papa sa parehong sakit, nag-iba na ugali mo.

Serving Into Your HeartWhere stories live. Discover now