Chapter 4

18 6 2
                                    

"Hoy, gising!" Tinapik-tapik ako ni Luna kaya hinampas ko kamay niya.

"Gigising ka o gigising ka?" Banta niya. Sumagot ako ng "o" kaya nakita ko pang sinabunutan niya sarili niya.

Tumingin ako sa orasan at 1 PM na. Napuyat ako dahil kung makatanong 'to si Lienzo kagabi, wagas. Friday na ngayon at hindi ako pumasok dahil death anniversary din ni papa.

"Ate, may gwapo sa labas. Bahala ka." Padabog niyang sinara ang pinto pagkalabas niya kaya naman napatayo ako agad para pumunta sa cr, naghilamos, at nag-toothbrush.

Pagkalabas ko ng kwarto, I was relieved kasi wala si Mama—baka nasa palengke pa. Si Luna naman, nandoon sa dining table, kumakain habang nanonood. Ipad kid talaga eh.

Pagkabukas ko ng gate, nakita ko si Lienzo, may kasamang lalaki sa likod ng kotse niya na kamukha niya. Oh, baka kapatid niya. He looked at me with an odd intensity, and that's when I realized I was wearing a satin tank top and pajama bottoms covered in hearts.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinalubong ko agad siya at patingin-tingin pa sa paligid dahil mahirap na, baka machismis pa.

"It's our game today against another school." I think my face is having a question mark now.

"The google docs." He added. Oh right, I will cheer for him.

"You see, I am not yet ready." Tinuro ko suot ko. He just shook his head, pulling me over to the passenger side of his car kasi male-late na raw kami.

"I hate you. Wala pa akong makeup." Saad ko habang ibinababa ang sun visor ng kotse.

"You are still one of the beautiful person I know." Inirapan ko na lang siya kasi sobrang putla ko kaya kapag walang makeup.

"Ate, may makeup diyan," Itinuro nung kapatid niya yung glove compartment. Kinuha ko na rin kasi may choice pa ba ako? Wala.

"Si Axel, Amelie." Pagpapakilala sa akin ni Lienzo sa kapatid niya. Ay grabe, bago pa ang mga makeup.

"Hello, Axel! Ilang taon ka na?" I asked as I am doing a simple makeup look.

"Thirteen po, Ate. I'm here to support Kuya. And you?"

"Same."

"Hindi po halata. Hindi kayo naka-prepare eh." Tinaasan ako ng kilay ni Lienzo habang natatawa.

"Sinabi niya lang kasi pero hindi niya ako sinabihan kung kailan at saan. Nakakaloka kuya mo eh 'no, buong gabi kami magkausap kagabi." Inaasar na kami ni Axel na hindi ko na lang pinansin.

"Wear this." Pagka-park namin dito sa Araneta Coliseum, Lienzo handed me his jacket with his last name embroided on it. Official game ng Pasig Collegiate Athletics (PASCA) ngayon eh. Eight other Pasig colleges were competing with each other.

Nang makapasok kami sa loob, ang dami ng tao kasi hindi lang naman dalawang school ang nanonood kaya nang makita ko sila Kuya Dark and Raven na nag-uusap in the third row, we joined them.

"Good luck, Kuya!" Sabay na sabi ni Axel at Raven na ikinangiti lang nilang dalawa. Sumenyas naman sa akin si Lienzo na later kaya tumango na lang ako.

"Raven, where's Dawn?" Lumingon ako kay Raven para tanungin siya.

"Home. She said she will head out later." I nodded, then nagtanong siya, "By the way, sorry about what Dawn did last Monday. Nag-usap na ba kayo?"

"Not yet. Baka nagce-celebrate pa due to the release ng final grades." He nodded, and the game started.

The first set was close, but we won 25-19. Sumigaw ako ng napakalakas, Axel even recorded it. Lienzo had been serving in the second set, but he missed it daw sabi ng kapatid niya sa gilid ko.

Serving Into Your HeartWhere stories live. Discover now