Chapter 1

29 12 16
                                    

"Amelie, ano na?! What if dalian mo?" Dawn yelled from the living room, as if she was about to barge into my room. She is my classmate slash best friend.

It's our last day for the first's semester final exam today, so she's in a rush. It's 6:20, and our class starts at 7 AM. At lintek na 'yan, nasesense yata ni kuyang jeepney driver na male-late na kami kaya nagpa-gas pa siya.

"Hay nako, Dawn, kailangan mo talagang 'di magpa-obvious pag male-late kana ih." I said, which only made her anxious.

In my one year at this school, I regret taking HUMSS and transferring here. At this point, it feels like it stands for "humanities and social stress."

May sumakay ng jeep at oh my god, ang gwapo. Nagtakip tuloy ako ng mukha gamit ang id ko. First time ko hindi maging haggard dito eh.

"Shuta ka beh, before you flaunt your beauty, siguraduhin mo munang nagreview ka ha." Hinila niya buhok ko. Oo nga pala, she did not know my average last quarter because our adviser did not release our rankings. However, when I asked ma'am, I found out that I was second honor, while Dawn was first.

"Kuya, payment po." Inabot nung pogi iyong bayad niya. Potchi, pinigilan ko matawa kasi ngayon lang ako nakarinig ng ganoon sinabi pag magbabayad sa jeep.

Tumitig ako sa kaniya. Tangos ng ilong, gray eyes, and he wore glasses. Overall, it was as if a Greek god had crafted him, and his lips? Rosy and smiling.

Ay, he caught me staring at him! Kahiya! Buti nalang babaan na. At kung siniswerte ka nga naman, parehas pa kami ng daan.

Napatid pa ako kaka-imagine sa magiging love story namin kahit 'di ko naman na siya makikita pa. Dawn was already running towards the campus because we were close, and she probably wanted to review a bit more, so hindi niya na ako naalalayan, but someone else did.

"Kid, be careful. You haven't even entered your class yet, madudumihan na agad uniform mo." Wow concern sakin ang jeepney crush ko. Hihi pero kid? Hindi ko tanggap 'yon ah kasi Grade 12 naman na ako, pero pagtapos akong bitawan para alalay, he smacked my butt. The heck? And he smirked.

Hoy, teka! Sexual harassment 'yon kahit na pogi pa siya! Naalala ko na naman tuloy yung nakita ko sa social media na kapag pogi, okay lang. Pag pangit, demanda agad.

I entered our classroom but I peed first because our exams today na last na are 4 subjects so I am tensed. Ma'am Denise, our adviser, started to distribute the papers, and those papers contained 250 items because the questions are from different subjects.

"Good luck, section Covielle, in taking the exam. Magdasal na kayo nang hindi kayo nagbabagsakan, wala naman dito si Chito eh."

I took the exam seriously because I could not afford to fail again. Not now. And kahit kailan pa. Kapag kasi gusto ko unahin sarili ko for my mental health, iniisip ko kapag bumagsak ako, mas lalo 'tong masisira. Hayst life...

"80 minutes" Narinig ko reklamo ng mga kaklase ko. Gagi?

"80 minutes na ang nagagamit niyo. Ano ba kayo HAHAHA" Nakakatawa yun, ma'am? Parang 'di ka naman nag-highschool niyan.

Sa pagkakaalam ko, sa Math ako bobo pero ang hirap naman nitong Science! So challenging, paano pa kaya para sa mga bobo 'di ba?

"Pass your papers now. Your 4 hours is over. Also, pwede na rin kayong umuwi, mga anak. Pahinga na ah!" Malumanay na sabi ng aming adviser. Nakakabusog talaga ng puso kapag tinatawag kang anak eh 'no.

"Amelie, baba tayo! Andiyan si kuya, nangchichicks." Dawn said, pulling me along before I could even protest.

"Teh, baka nanggu-groom? Kimmy only." Alam ko naman joke yung sinabi niya kasi mukha namang 'di mahilig sa bata si Kuya Dark kasi ayaw niyang ma-minor moments.

"Kuya! My bestfriend, alala mo?" He nodded habang inaayos namin ni Dawn ang mga seatbelt namin dahil isasabay niya kami kasi kanina pa tapos klase niya. He's wearing his engineering uniform. Our campuses are the same, ayon nga lang, our buildings are far apart.

"Has anyone been courting my sister, Amelie? Just let me know so I can make sure they don't see another day," Kuya Dark asked seriously na ikinabigla ko kasi kinausap niya ako, for the second time...

"Yes, kuya, marami. Sabi pa nga ng isa sa kaniya na buti nalang matalino si Dawn kasi ayaw niya raw magjowa ng hindi. Tapos kuya, ang sagot ng kapatid mo—akala mo naman papatulan kita? Sabay irap ih." Natawa siya at sinabing "Ayan, deserved".

He started driving at napansin kong papunta ito sa covered court malapit sa mall.

"Lah, akala ko ba sa bahay niyo diretso?" I asked the two but hindi nila ako sinagot.

"Mga madam, what if baba na?" Ilalock na kasi dapat ni kuya yung kotse kaso 'di pa pala kami bumaba.

"Seriously, Kuya? Wearing this? Pagvavolleyballin mo kami?" Naiistress na tanong ni Dawn.

"Who said you were going to play volleyball? We have a match, silly. Can't you just watch?" Kuya Dark teased, pretending to strangle Dawn.

Ay, sana ako rin. Masakal. Charot.

"Aish. Let's go na nga, Amelie!" She pulled me along again. Itong babaeng 'to ang hilig manghila, parang mawawala ako sa kaniya pag nabitawan niya ako.

When we entered, wow, there were a lot of handsome volleyball players. Kuya Dark went to the restroom to change into his uniform. If you're wondering what position he plays—he's a setter. That must be an engineering thing, being good at setting because they are good at planning.

When Kuya came back, may kasama siyang pamilyar na lalaki. Noong nakalapit na sila, iniabot ni Kuya Dark kay Dawn yung mga dala niya tapos ipinakilala niya kasama niya.

"This is Lienzo pala, my teammate and classmate." He said hi to us and he winked at me. I raised my eyebrow, so he pinched my cheeks. Uy, si kuyang payment sa jeep, feeling close.

Tumakbo na sila sa court since the first set was about to start. Their opponents were from the neighboring school. This in an unofficial game though.

"Points for BBM team." The scorer announced.

Natuwa si Dawn pero binatukan niya ako kasi ako nakaisip nung bbm na yun, which means Biniyayaan ng Balls na Malaki. Totoo naman, nakita ko nung naka short si Kuya Dark sa bahay nila, hapit na hapit sa kaniya.

Kalaban nila ang Robin team dahil sila raw ay mga loverboy na puro paninigarilyo ang knows.

"Nota! Anong ginagawa mo! Bakit mo binalik sa setter?" Robin's team vice captain shouted at one of their spikers. Dapat kasi nung sinet na sa kaniya nung setter, i-spike niya na para hindi na mag four touch, and that's how they lost the second set. Buti naman kasi sila nanalo sa first set.

Third set na and they are just taking turns gaining points. Jusmiyo, I feel like I'm the one playing because I'm so tensed sa ganda ng receive at bigay nila ng bola sa isa't isa.

"25-22! BBM Team Wins!" Pumalakpak kami mga nasa gym and there were so many high-pitched screams that literally hurt my ears. This is the only BBM I would support.

"Hey! Galing ko ba kanina?" Inakbayan ako ni Lienzo na nakalapit na pala. Ang best friend ko? Ayun, tagahawak ng phone ng mga nagpapapicture sa kuya niya.

"Oo, sa sobrang galing mo, masasapak na kita sa pagiging touchy mo." Humalakhak siya na akala niya nakikipagbiruan talaga ako.

"Ouch, galing ko kayang outside hitter. Aren't you proud? But okay, I'm sorry." He lowered his hand.

"Syempre, proud pero hindi sa'yo 'no." Well, I won't admit that he's good, even he could be an MVP.

"Lienzo nga pala." Inoffer niya kamay niya.

"Inulit! I already know na kaya kanina pa." Masungit kong sabi pero tinanggap ko na rin ang kamay niya para makapagshake hands kami pero pagkatapos nun, ayaw niya nang bitawan kamay ko.

"Sungit. Can't I just introduce myself properly?" I made a boo sign with my free hand.

"Dean's lister. 20. Second Year Civil engineering. Family oriented. 6'2."

"Huh, what are you implying ba?" I asked him, confused.

"Just introducing myself so you know the qualities of your future boyfriend." Natulala ako sa kaniya kasi wowers, ang hangin. Iba ka talaga, Lienzo.

Serving Into Your HeartWhere stories live. Discover now