01

2 0 0
                                    

riana's junior year

Ilang minuto akong nakatitig sa sarili ko sa salamin, hindi ko alam pero parang may kulang sa itsura ko. Napabuntong hininga ako at inayos ang iilang pirasong bangs ko, hindi pa sila pantay.

Tumayo na ako para kunin ang bag kong bagong bili para sa pasukan ngayong taon, lumipat ang tingin ko sa sapatos kong kumikinang pa ngayon pero pag lipas ng ilang linggo mawawala na rin kakalakad ko araw-araw dahil walking distance lang naman ang paaralan na papasukan ko ngayong senior high na ako.

Humanities and Social Sciences ang strand na kinuha ko na sana hindi ko pag sisihan. Napahinga na naman akong malalim bago makapasok sa gate ng paaralan.

Serene Alba Academia

HUMSS 11 - Amore
-
21. Riana Maeve R. Ocampo

Iisa lang ang section ng HUMSS sa grade 11 at isa rin sa grade 12, ibig sabihin kakaunti lang kaming humanista sa school na ‘to.

Bakit ba ako nag HUMSS?

Bata pa lamang ako pangarap ko na maging abogado, ang gusto sa akin nila mama ay mag nurse sa ibang bansa pero sa tingin ko hindi ko maseseryoso ang pag aaral kung hindi ko passion. Hindi na rin naman nakipag talo sa akin sila mama.

“Iya!”

Napalingon agad ako sa babaeng tumatakbo papalapit sa akin, si Dianne— sa friengroup namin, kaming dalawa lang ang nag aral sa school na ‘to kaya wala akong ibang choice kundi pag tiisan sya ng dalawang taon pa pero STEM student naman sya.

“I miss you, bebe ko!” Niyakap nya kaagad ako at inamoy-amoy na parang bata lang akong pinanggigigilan niya.

“Ate ko, kadiri na.” Reklamo ko at tinaboy sya.

“Arte! ‘Kala mo naman hindi ko pa nakita ‘yang–”

“Bastos mo, samahan mo na ‘ko hanapin room ko.”

Inakyat na namin ang second floor para tingnan ang mga room at nasa pinaka-dulo pa nga ang room ko. Marami na ang nasa loob kaya’t nakaramdam ako ng konting hiya pumasok pero dahil may kaibigan akong mabait at tinulak ako, muntikan pa akong mapahiya kung hindi ko lang nadala ang sarili ko. Act fool lang.

Nag hanap agad ang mata ko ng bakanteng upuan at nang makakita na ako lakad-takbo na ang ginawa ko halos para maka-upo na. Babae ang tinabihan ko para safe.

Pawis na pawis pa ako kaya pagkaupo ko palang nilabas ko na agad ang pamaypay kong kulay rosas.

Nag uusap na ang iilan sa mga kaklase ko, siguro ay galing lang sila sa iisang school dati.

Gusto ko sana kausapin ang katabi ko kaso parang feeling close naman ako, naabutan nalang nang pag pasok ng adviser namin.

“Good morning, Class HUMSS 11. I'm assuming na alam nyo ng lahat na nag iisa lang kayong section ng HUMSS sa grade 11. And ako ang adviser nyo, I'm Sir Alfred Insigne.” Paunang bati ng lalaking nasa harap namin.

May presentation syang hinanda para sa orientation namin, buong week raw ay sya lang ang makakasama namin dahil parang may school tour, guidance, principal, library at clinic orientation pa kami para iyon sa buong first week.

You're here, that's the thing Where stories live. Discover now