03

1 0 0
                                    

happy crush

Nakarating na rin kami sa wakas sa speech laboratory, kaya hindi ko ‘to matandaan dahil ang daming pa-liko-liko sa campus bago makarating dito— ang tambayan ko lang naman madalas sa campus ay library at doon sa likod ng building  tapos balik sa room.

“New member?” Tanong ng babae sa lalaking kasama ko.

“Hindi ba obvious, ‘te? new face.” Sagot nito, natawa lang ng mahina ang babae at pinapasok na kami tuluyan sa loob. Maldito talaga kasama ko.

“Hi, I'm Yna. Photo Journ ka rin? Ay diba ikaw—”

“Writer sya.” Putol ng lalaking nasa tabi ko na.

“Oh, really.. hmm...” Binigyan nya nung Yna mapang asar na tingin ang katabi ko. “Anong category mo, bebe?”

“Kahit alin po sa Editorial, Feature, Column. Nasubukan ko na po ilaban sa lahat ng category na ‘yan.”

“That's amazing! Welcome to Publication Club— uhm, what's your name pala?”

“Riana po,” I smiled.

“Pretty name. Welcome to the Publication Club, Riana!”

“Welcome, Riana.”

“Thank you po.”

Nag simula na ang meeting at ang mga senior ko ang katabi ko, parehong HUMSS 12 si Ate Yna at si Kuya Yvon, ‘yong kasabay ko kanina. Akala ko nga ay magkapatid sila pero close friends lang daw. Duda ako, pareho silang may itsura e.

Isang oras lang naman ang nasakop ng meeting also briefings for new members ng club. Tinulungan ko na mag ligpit ng mga papel sila Ate Yna dahil nakakahiya naman kung aalis nalang ako agad.

“Riana, ikaw yung girl na nasa pic sa page namin na nag blow up di ba?” Ate Yna asked out of nowhere.

“Opo..” Nahihiyang sagot ko dahil nga ‘di naman maayos mukha ko ron, nag blow up pa talaga.

“Alam mo kasi—”

“Yna, mag buhat ka ng box ‘yong natira do sa likod dadalhin sa library. Tulungan mo sya, Riana.” Utos sa amin ni Kuya Yvon. Inirapan muna sya ni Ate Yna bago sinunod.

“Masungit ba talaga si Kuya Yvon, Ate?” Tanong ko habang nag lalakad na kami buhat-buhat ang mga kahon at nakasunod sa lalaking nasa harap namin.

“Hindi, mabait ‘yan. Ini-intimidate nya lang talaga mga juniors this year.” Tawa ni Ate Yna. “'Di nga bagay sakanya e kung alam mo lang totoong ugali nyan, kalog ‘yan. Makakasundo mo agad. Tingnan mo, next meeting baka close na rin kayo.”

Tumango nalang ako, baka kasi strict sya na senior. Mahirap pa naman makisama sa mga ganon, danas ko ‘yon noong grade 9 nakahinga lang ako nang maluwag noong grumaduate na sila.

Lumipas ang araw ay wala pa kaming meeting ulit sa club pero palagi ko nakakasalubong sila Ate Yna at Kuya Yvon sa canteen. Ngingitian ako ni Ate Yna pero si Kuya Yvon ay parang ‘di ako matingnan, minsan pa ay umiiwas sya ng tingin agad.

“Kayo? May crush kayo here?”

“Ano ‘yan? Bata? Crush, amp.” Pang babara ni Clarisse kay Sean.

You're here, that's the thing Where stories live. Discover now