who's that senior?
Umupo agad ako pagkabalik namin ng classroom, kakatapos lang ng halos dalawang oras na SHS Orientation. Hindi ko naman masasabing nakinig ako buong oras na iyon dahil nag pipigil na ako ng antok bandang kalagitnaan ng pag sasalita ng speaker.
“Canteen muna tayo bago umuwi, bibili lang ako C2.” Salubong sa akin ni Dianne na kanina pa nag hihintay sa labas ng room namin.
“'Di pa ba sarado canteen?” Tanong ko, dahil uwian na at dapat kaninang after lunch palang sarado na ito.
“Kaya nga bilisan na natin kasi baka mag sarado na.” Tuluyan niya na akong hinila.
Bukas pa nga ang canteen pero nag liligpit na ang mga staff dito.
Matapos bumili ni Dianne dumiretsyo na kami sa palabas ng school dahil mag hihintay pa kami ng bus para makauwi sya.
“May friends ka na sa room nyo?” Tanong ni Dianne.
“Isa pa lang,” Natawa kaming dalawa dahil sa sarili kong sagot. “E ikaw?”
“Hindi naman ako katulad mo ‘no!” Hinampas ko sya braso.
“Paano ka mag aabogado nyan? Pano mo kakausapin mga client mo kung hirap ka pa rin in communication?”
Napaisip ako saglit dahil sa mga tanong na ibinato nya sa akin. Oo nga, pano nalang?
“Ano.. fake it ‘til you make it.”
Sabay na naman kaming natawa dahil sa mga nagiging sabat ko sakanya.
“May point ka naman, malay mo dyan sa strand na ‘yan mag improve communication skills mo. Support ka naman namin palagi.”
Ilang minuto lang din ay may dumating na na bus kaya nag paalam na kami sa isa't-isa. Hanggang sa pag uwi ko ay bumabalik-balik pa rin sa utak ko ‘yong mga tanong ni Dianne.
Desidido naman na ako sa propesyon na kukunin ko pero bakit parang nag alangan ako bigla.. para ba talaga sa akin ang gusto ko o dahil lang sa kagustuhan ko iyon kaya ko pinipilit i-ayon ang strand ko rito.
I immediately reached for my phone as soon as I feel that it's vibrating. My face heat up when I saw why I'm flooded with notifications.
“What the!?”
dti pro's only 🎀
Klea
Sent a photo.
@Riana ckat k be
Damon
gANDA AY WALANG KUPAS
Viancey
DIVA 💜
Dianne
humanista masarap patikem
Riana
YOU ARE READING
You're here, that's the thing
Fiksi Umumtwo highschool friends life in films 🎞️•10-30-24