I miss her. I really do.
I saw my Auntie Corazon few days ago. Naisipan kasi nang girlfriend ni Kuya na mamasyal pagkauwi ko galing school. Kaya ayun, hatinggabi kami namasyal.
Huminto ang Jeep sandali kasi may sasakay. Kung hindi pa ako sinabihan ni Kuya na si Auntie yun, di ko pa siguro malalaman. Mabuti nalang bumaba yung katabi ko kaya nakalipat si Auntie sa tabi ko.
Habang nag-uusap sila ni Kuya di ko mapigilan tumingin sa mukha niya. Sa hugis nang katawan niya, sa ilong niya at sa iba pang bahagi ng mukha at katawan niya na kaprehas kay mama kahit nakaside view siya.
Oo. Nakikita ko si mama sa kanya. Halos ata lahat ng half sisters ni mama sa side ni Lola eh kamukha niya. Tapos, yung totoo naman niyang kapatid na tinatawag siya na "Mama" eh magkalayong magkalayo ang hitsura nila. Wala nga ata silang pinagkapreha eh. Except nalang siguro sa ugali. They're both kind but si Mama talaga ang mapagkumbaba. Hindi ko nga alam kung bakit di ko nakuha kay Mama ang ganung ugali eh.
Then, Auntie started sharing what Marc (her son) told her before she went out of their house. He is a sweet person. I've witnessed that when we were in Bohol. I dunno if his actions were of a sweet person but that's what I think he is. He kisses her Mom on the cheeks and that is totally sweet for me.
I can't even do that.
I can't even tell my Mom
"I love you Ma",
"Happy Birthday Mama!"
and
"Ma, I'm sorry. Pasayloa ko."
No. I don't have the guts to say that to her personally. I'm shy. And now, I don't have the chance to say that where I could see her facial reaction when I say those freaking lines to her.
Fuck this shyness!
I don't even know if I want to see her reaction after that. I will never know. Never. How much more in kissing her on the cheeks.
Kaya nung nakita ko si Auntie, muntikan na akong maiyak sa tabi niya.
That would be embarrassing!
Magtataka siguro silang tatlo kung bakit ako umiiyak, baka isipin pa nila nababaliw na ako.
I held my tears as much as I could. Blinking every seconds for it not to drop.
Tas tumitingin nalang ako sa labas para hindi nila makita ang nagbabadyang pagtulo nang mga luha ko.
Lalong-lalo na si Kuya na nakaupo paharap samin. Magkatabi sila ng gf niya.
Nakikita ko naman si Auntie after mawala ni Mama, paminsan-minsan nga lang.
At hindi naman ako naiiyak noon, pero ng gabing yun parang emotional ako.
Madami akong naiisip.
Naiisip ko ang mga hindi ko nagawa para kay Mama that a daughter should do. Si Auntie kasi eh, ni'share pa yung mga sinabi ni Marc sa kanya. He told her kasi na bumalik agad.
Ako, hindi ko yun nasabi kay Mama na walang hinihintay sa pagbabalik niya.
Yung parang sasabihin mo yun kasi gusto mo nandoon lang siya sa bahay kasama mo. Nang walang hinihintay na ano mang pasalubong o ano.
Namimiss ko na nga yung pag sa gabi at himalang nagkatabi kami, ihu'hug niya ako habang nakatalikod ako sa kanya.
I felt so secure.

BINABASA MO ANG
What My Mind Is Thinking
AcakThis is a compilation of my stupid and useless thoughts about something. I just need to release some things I do not want to forget.