Episode 2- Sanib

14 1 0
                                    

Kinuyom ko ang dalawang kamay ko para hindi nila mahalata na natatakot na ako, tang*na bakit ba nila ako iniistorbo? nanahimik ako dito at pilit umiiwas sa mga multo.

Naramdaman kung lumapit sa akin ang katawan ng baklang sinaniban ng lalaking multo, lumapit ito ng lumapit sa akin, kuyom na kuyom parin ang kamao ko dahil sa takot na nararamdaman, ayoko sa ganitong pakiramadam.

Lumapit pa ito sa akin at ramdam ko ang kanyang kakaibang ngisi hanggang sa bumulong ito sa akin.

"Ginagambala ako ng mga estudyanteng ito, kailangan niyo kaming tulungan, ikaw lang ang nakakita sa akin kaya kapag hindi ka sumali sa club na to, iisa isahin ko silang papatayin"palihim akong napakagat sa labi dahil sa sobrang takot, nakakilabot ang boses niya, nagtaasan lahat ng balhibo ko sa katawan, gusto kung sumigaw sa takot, pero di ko magawa.

Nararamdaman kung lumabas ang lalaking multo sa katawan ng bakla at nahimatay ang bakla na agad na nasalo ng lalaking ka membro, naramdaman ko ang lalaking multo sa likod ko.

"Kahit hindi mo pinapahalata sa lahat na nakikita mo kami ay nararamdaman ka naming mga multo, hindi mo kami matatakasan"

Kahit na takot na takot ako ay nanatili akong kalmado at kuyom ang dalawang kamao.

"Girl, parang awa mo na sumali kana, para matulungan mo na kami, ilang taon na kaming nandito sa mundo, gusto na naming makita ang liwanag at mamahinga"rinig kung salita ng babaeng multo na nasa harapan ko na.

"Pasensya na busy ako at inuulit ko, ayokong sumali sa club niyo"kalmado kung saad sabay ligpit ng mga gamit ko sa lamesa at nilagay sa bag ko saka ko sila tinalikuran.

***

We were in the middle of the class when we heard someone scream while crying in the other classroom so Mr. Harold's class was disrupted.

Mr. Harold immediately went out to the other classroom, followed by other students who were my classmates

"Ano kaya ang nangyari sa kabilang room?"tanong ni Rona sa ka seatmate niya.

"Ang creepy naman nilang umiyak"sagot naman ni Gea na katabi ni Rona.

"nakakapangilabot"sabi naman ng katabi ko.

Napakagat ako ng labi dahil sa nararamdamang takot, rinig na rinig namin dito ang iyakan ng mga estudyante sa kabilang classroom at nakakapangilabot ang tuno ng iyak nila.

Kagat ang labi ko habang nakakuyom ang kamao saka pumikit, may multo na namang malapit sa akin.

Napatingin kami sa mga classmates namin na kakapasok lang galing sa kabilang classroom, nasa lima silang sumunod kay Mr.Harold kanina para pumunta at tingnan kung ano ang nagyayari sa kabilang classroom, ang tatlo sa kanila ay takot na takot habang ang dalawa naman ay kalmado lang habang nakatingin sa akin na nakangisi.

"I See You"

"I Feel you"

Nakakapangilabot na sabi pa ng dalawa sa akin parang ako lang ata ang nakakarinig sa mga sinasabi nila, dalawang babae, sina Kyla at Rose, classmates ko sila, class secretary at class vice presedent, sinasaniban sila ng mga multo.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa dobleng takot na nararamdaman.

"Grabe lahat ata ng students sa kabila ay parang may kababalaghang nangyayari sa kanila, para silang sinanisaniban habang umiiyak, humihingi ng tulong, nakakapangilabot"sabi naman ng classmate ko na galing sa kabila.

"Oo nga nakakatakot sila pakinggan"

"Humihingi sila ng tulong"sabi naman ni Rose na hindi mawala wala ang tingin sa akin.

Nakita ko pa ang pag alis nila sa katawan ni Kyla at Rose na agad namang nahimatay, nagulat pa ang mga classmates namin sa pag bagsak nina Kyla at Rose sa sahig.

"omg! what happend to them?"

"Gosh! nasaniban din ba sila ng spirit? or somthing?"

Napakagat ako ng labi ng sininyasan ako ng dalawang multo malapit sa pintuan ng classroom.

"sumunod ka"sabay sabay pang sabi nila sa akin, umiling iling ako.

"huwag kang mag alala hindi ka namin sasaktan mababait kami, pero ang mga sumanib sa mga katawan ng nasa kabilang classroom ay hindi, sila ang tinatawag na bad spirits, ikw lang ang kilala naming nakakita ng mga katulad namin kaya ikaw lang ang makakapigil, kapag hindi ka gumawa ng action ay mapapahamak ang mga estudyante sa kabilng classroom"sabi ng multo sa akin, nanginginig akong tumayo at dahang dahang naglakad palabas ng classroom, iwan ko ba kusang naglakad ang katawan ko patungo sa kabilng classroom, nakita ko pa si Mr.Harold at ang guro sa kabilang classroom, hinawakan nila ang doorknob sa classroom at tila takot na takot, naramdaman ko rin ang mga itim na aura sa loob ng classroom n patuloy parin sa pag iyak na parang namatayan, nakakapangilabot din pakinggan, nakakatakot ang mga sigaw nila.

"S-sir a-ano pong nangyayari sa kanila?"napatingin ako babaeng sa nagsalita may dala dala siyang maliit na bote at malaking cross, hindi ko siya kila pero natatandaan ko ang itsura niya, siya yung kanina isa siya sa membro ng Searching Ghost Club, nasa likod niya ang dalawang lalaki na ka membro na may dalang Jail of the spirits at dala ng isa ay isang itim na libro.

"S-sir p-papasok po kami sa loob, b-baka matulungan namin ang mga estudyante sa loob"lakas loob na salita naman nong babaeng na may dalawang maliit na bote at may croos na dala.

"Hindi pwede baka mapahamak kayo, naging malakas ang mga students ko sa loob at nanakit din sila naging agresibo sila, dilikado kayo"sagot naman ng guro ng classroom nato.

"Sir naniniwala akong matulungan namin sila, kakatayo lang namin ni Mr.Presedent ng Searching Ghost Club may natulungan na kami kahapon kaya payagan niyo na kami sir, parating nadin dito ang presedent namin"sabi pa nang babae.

"Si Presedent Hyuan? ang presedent ng mga club ng Mabini High?"tumango ang babae sa tanong ni Mr.Harold.

"Yes sir, siya ang mismong nagpatayo sa club nato"

"sege pasok kayo, mag ingat kayo"pagpayag ni sir at ng guro sa classroom nato.

Napakagat ako ng labi, dilikado sila kapag pumasok lalo na at may mga masasamang multo ang nasa loob.

"Jane sumama ka sa kanila"sabi ni Jera yung multo na katabi ko.

"mga bad ghost ang nasa loob, tanging nakakita lang ng multo ang makapagpigil sa kanila, sumama ka sa kanila para matulungan mo ang mga estudyante sa loob"salita naman ni Hena na katabi ni Jera sa gilid ko.

"s-sandali"lakas loob kung pigil sa kanila ng aakma silang bubuksan nina sir ang pintuan ng classrom.

"Jane?"sabay nilang salita, kilala na pala nila ako.

"sasali kana ba sa club namin?"umiling iling ako napakunot ang noo nilang tatlo.

"Sasama ako sa inyo sa loob"

I See you GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon