Episode 3- Pray

13 1 0
                                    

Bago kami pumasok sa classroom ay nagpakilala sa akin ang tatlo si Lea yung may dalang maliit na bote at cross, si Leu naman ay yung may dalang Jail of the spirits at Frank yung may dalang itim na libro isa itong bibilia na pangtaboy ng mga masasama at ibat ibang espirito o nilalang, apat daw silang nagtayo ng Searching Ghost Club at ang Presendent ng mga club ang leader nila at nagtayo ng club na ito, apat ang sumali kahapon, kulang pa daw sila ng dalawang membro kahit hindi interisado sa club na ito ay isasali nila , pero sila lang ang kikilos kapag may cliente o may tutulungan sila nang ganiting case.

Sinabi nila sa akin kanina na may kakaiba silang abilidad na hindi maintindihan ng ibang mga estudyante, hindi ko alam kung anong abilidad na yon basta ang alam ko ay may kakaiba silang abilidad.

Tulad ko.

Pero hindi nila nakikita ang mga multo, hindi nila alam na nakakita ako ng mga multo, hindi nila alam na tulad nila ay may abilidad din ako.

Kagat ko ang labi ko habang nakahawak sa kwentas ko na rosaryo na bigay ni mother Bianca, unti-unting nawawala ang takot ko kapag hawak ko ang rosaryo na ito, may basbas ito ni Father Efren kaya medyo gumagaan na ang aking pakiramdam, pero may nararamdaman parin akong kaunting takot.

Nangingig kaming apat habang naglalakad papasok sa classroom, ramdam ko na takot din sila pero nanaig ang katapangan at pananalig nila sa sarili at kay God.

Pagkapasok namin sa classroom ay kinalibutan ako ng matindi dahil natahimik ang mga estudyante at tumingin silang lahat sa amin, napa sign of the cross kaagad ako ng makita ko ang mga estudyante na ibat ibang posisyon.

Napakapit sa akin si Lea habang nanginginig, paulit ulit siyang nag sasign of the cross.

"G-god"rinig kung mahinang bulong ni Frank.

"Tang*na"mahina naman mura ni Leu.

"Leu wag kang magmura"mahinang bulong ni Lea.

"oo na, s-sorry"

Napabuga ako ng hininga para kumalma ang sikmura ko, naging doble na ata ang nararamdaman kung takot dahil sa mga itsura ng mga estudyante na nakatingin sa amin.

Nakabaliktad ang iba, yung iba nasa kisame umuupo habang umiiyak ng dugo, yung iba may mga patalim na dala sinusugatan ang kanilang mga pulso, habang yong iba ay kalat na kalat ang buhok at gusot na gusot na ang mga uniform nila.

"Leu, ihanda ang Jail of the spirits...."

"huwag"pigil ko, kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"B-bakit?"

"Huwag mong gamitin ang Jail of the spirits sa mga multo mas lalo silang maging agresibo at hindi makatawid, makukulong lang sila at patuloy parin silang gumagambala sa atin, magiging dilikado tayo, ang Jail of the spirits ay para lang yan sa mga masasamang nilalang, espirito ng mga masasamang nilalang, hindi sa mga multo"lakas loob kung sabi sa kanila, nagtataka silang tumingin sa akin.

"How did you know?"tanong ni Lea.

"Alam ko lang......"

"Ahhhhhhhhhhhh"sabay naming sigaw ni Lea ng lumapit sa amin ang dalawang babaeng estudyante, nabitawan ni Lea ang holy water at cross niyang dala.

Nakangisi sila sa amin, kalat na kalat ang buhok, itim na itim ang mga mata at mga labi nila, hawak nila kami sa braso.

"Hindi na kayo makakalabas dito hehe"

"Magiging katulad namin kayong lahat dito hehe"

Nakakapangilabot ang kanilang mga titig at mga tinig.

"Frank basahin mo na, sasabay kaming tatlo, dalian mo"nanginig na sigaw ni Lea, halos nagwawala na naman ang mga estudyante dito sa classroom, hawak narin nila si Leu, na ngayon ay tinutugis na ng mga estudyanteng nasaniban na may dalang mga patalim tulad ng gunting,kutsilyo at blade.

"aahhh"sigaw ni Leu.

"Frank"nanginginig si Frank habang tumatakbo at iniiwasan ang mga estudyante, habang abala sa itim na libro.

"ito na"nag sign of the cross siya.

"Sa Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen. Iligtas mo kami Panginoon, sa masama; ingatan mo kami mula sa marahas, mula sa mga nagbabalak ng kasamaan sa kanilang mga puso, na nag-uudyok ng mga alitan araw-araw, na nagpapatalas ng kanilang dila na parang ahas, kamandag ng mga ahas sa kanilang mga labi. Ingatan mo kami, Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo kami mula sa marahas, na nagbalak na iligaw kami.
(PANALANGIN LABAN SA MASAMANG ESPIRITU +Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen. Diyos ng Langit at lupa, Diyos ng mga Anghel at Arkanghel, Diyos ng mga Patriyarka at Propeta, Diyos ng mga Apostol at martir, Diyos ng mga kompesor at mga birhen, Diyos na may kapangyarihang magkaloob ng buhay pagkatapos ng kamatayan at kapahingahan pagkatapos ng pagpapagal; sapagka't walang ibang Diyos maliban sa Iyo, ni walang ibang tunay na Diyos maliban sa Iyo, ang Lumikha ng lahat ng bagay na nakikita at hindi nakikita, Na ang Kaharian ay walang katapusan; buong kababaang-loob naming isinasamo sa Iyong maluwalhating Kamahalan na iligtas kami sa mga estudyanteng ito at ng classroom na ito, sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan mula sa bawat impluwensya ng mga isinumpang espiritu, mula sa kanilang bawat masamang silo at panlilinlang, at upang ilayo kami sa lahat ng pinsala; sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen."Limang beses itong isinambit ni Frank na ginaya namin, yung ibang mga estudyante ay kumalma na pero may ibang agresibo parin at nanghihinang nagwawala ang ibang estudyante naman ay hinimatay ng mga sugat.

Nanginginig akong inalalayan ang estudyanteng humawak sakin kanina dahil hinimatay ito, lumabas na yung kaluluwang sumanib sa kanya, kita ko ang mga kaluluwang may itim na usok, nanghihina ang iba habang naka upo sa sahig, pero ang iba ay hindi pa lumabas sa katawan ng mga estudyante.

"nakikita mo ako? tulungan mo ako, ayaw ko sa dilim, kailangan nilang malaman ang totoong nangyayayari sa akin"

"Miss, kailangan malaman ni mama at papa na pinatay ako ng teacher namin"

"Ayoko sa mundong to, gusto kupang mabuhay"

"tulungan mo ako, papatayin ko pa ang pumatay sa akin"

"hindi ako nagpakamatay, ginahasa nila ako"

"yung guro namin sa English, ginahasa niya ako, papatayin ko siya"

Umiiyak akong sumigaw dahil pinapalibutan nila ako at rinig na rinig ko ang mga hinaing nila.

"tama na, tama na, tama na"umiiyak kung sigaw.

Naramdaman kung may lalaking estudyante na lumapit sa akin, may dala siyang patalim, isang gunting na may dugo, aakma itong isaksak sa akin, kaya hindi ako makakilos kaagad, bigla nalang may lalaking humigit sa akin payakap sa matipunong katawan nito, nakahinga ako ng maluwag dahil doon, kita ko kung paano napaluhod ang estudyante na sasaksak dapat sa akin, may isinaksak ang lalaking humigit sa akin kanina sa lalaking sasaksak dapat sa akin na isang patalim, nakita ko ang paghiwalay ng multo sa lalaking estudyante, nanghihina itong napaluhod habang ang lalaking estudyante ay hinimatay.

"I'm Hyuan, welcome to the club, niligtas ko ang buhay mo kaya sa ayaw at gusto mo kasali kana sa club na ito, kailangan kita"

I See you GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon